Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ano ang pinaka-ayaw ng broadcaster na si Kara David sa pagmomotorsiklo?

        Ilang beses nang sumemplang, pero ride pa rin!
        by Aris Ilagan Sep 27, 2020
        PHOTO: Kara David

        Mula sa pagiging seryosong broadcaster na madalas nating napapanood sa TV, ibang-iba ang disposisyon ng premyadong mamamahayag na si Kara David nang na-interview ito sa Tunay na Rider (TNR) podcast kamakailan. Panay ang halakhak niya habang binabalikan ang kanyang riding adventures kasama ang mga kabarkada simula noong nahilig siya sa motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        “Ang unang bike ko ay yung Yamahopper na ginagamit ko sa pag-ikot-ikot sa UP,” tanda niya. Ito ay isang maliit na motorsiklo na may basket sa harapan at nauuso noong ’80s.

        Malaki ang naging impluwensiya ng ama ni Kara na si Professor Randy David sa kanyang pagmomotorsiklo, dahil bata pa lamang siya ay isinasakay na siya nito sa big bike. Kalaunan, umabot sa puntong nagdesisyon na si Kara na mag-enroll sa formal riding training ng Honda Safety Driving Center (HSDC) at bumili ng sariling motorsiklo, isang Honda CB110.

        Continue reading below ↓

        Bukod kay Professor Randy, marami sa pamilya at kaanak ni Kara ang kinahihiligan din ang pagmomotorsiklo. Maging ang kanyang mister na si LM Cancio ay nahawa na rin sa riding passion ng mag-ama.

        Tandang-tanda pa ni Kara nang itakas niya ang Ducati Monster naked bike ni Professor Randy upang sumali sa track session kasama si Paolo Abrera sa Clark International Speedway. Doon siya nakatikim na sumemplang sa motorsiklo, at sa kanyang pag-uwi, hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang ama na sumadsad sa racetrack ang mamahaling Ducati nito.

        Continue reading below ↓

        Bagamat wala siyang tinamong sugat, nawasak naman ang kanyang riding jacket. “Mabuti na lang hindi ako napagalitan ni Dad,” sabi ni Kara, sabay halakhak.

        Ikinuwento rin ni TNR host Ibba Rasul Bernardo kung gaano katulin magmotorsiklo si Kara noong panahong binubuntutan siya ng broadcaster sakay ng isang KTM 200 Duke habang siya ay naka-BMW R1200 GS. “Talagang hindi niya ako nilulubayan, matulin!” ani Bernardo.

        Nabanggit pa ni Kara noong sumemplang siya sa Touratech adventure ride habang kasama ang kapwa broadcaster na si Jay Taruc at ang BMW riding instructor na si Toto Villanueva ilang taon na ang nakararaan. Hindi rin siya natinag noon.

        Continue reading below ↓

        Nag-upgrade na si Kara ng kanyang motorsiklo, at ang gamit niya ngayon ay isang BMW F700 GS adventure bike.

        Dalawang bagay ang ayaw na ayaw niya sa tuwing siya ay naka-motor: Yung bine-baby siya ng kalalakihan at kapag namamatayan siya ng makina.

        Masasabi niyo bang isang tunay na rider si Kara?

        See Also

        PHOTO: Kara David

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱