Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        5 Paraan para mapanatiling malinaw ang helmet visor ngayong tag-ulan

        Huwag pabayaang nagpa-fog ang iyong visor
        by Matthew Galang Aug 17, 2021
        PHOTO: Matthew Galang

        Malaking hassle ang idinudulot ng tag-ulan sa riders. Bukod sa madulas na kalsada, malakas na hangin, at pagkakabasa ng tagus-tagusan, ang isa pang inirereklamo ay ang pagmo-moist ng helmet visor.

        Kapag hindi malinaw na nakikita ng rider ang kalsada dahil sa kanyang fogged-up visor, nagiging delikado ang pagbibiyahe. Para masigurong laging ligtas ang biyahe, narito ang ilang paraan na makakatulong upang mapanatiling malinaw na nakikita ng rider ang kalsada ngayong tag-ulan.

        motorcycle helmet visor anti-fog spray

        Continue reading below ↓

        1) Anti-fog spray

        Ang anti-fog sprays ay mabilis umepekto, mura, kumbinyente, at madali lang iwisik sa motorcycle helmet visor para sa fog protection na tumatagal nang ilang araw. Gumagana ang sprays sa pagbubuo ng manipis na layer na nag-a-absorb ng moisture kaya naiiwasan ang pamumuo ng tubig sa surface ng visor. Dahil nasa maliit na spray bottle, madali lang itong bitbitin kahit saan. Pupuwede ring gamitin ang spray na ito sa goggles, side mirrors, at iba pa. Iwisik lang sa desired surface, punasan ng malambot na tela o tissue, at okay na.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Visor inserts

        Ang anti-fog inserts ay lenses na nakaibabaw sa visor. Gawa sa moisture-absorbing materials, ang lenses na ito ang nagsisilbing sponge para maiwasan ang condensation.

        Ang ilang uri ng inserts ay lumilikha naman ng double-glazed window effect na nagbibigay-proteksiyon sa visor para hindi namumuo ang fog kahit pa malamig ang panahon o maulan. Isang sikat na brand ng anti-fog inserts ang Pinlock, na ang lenses ay sukat na sukat sa Pinlock-compatible helmet visors gamit ang pin system. Bilang bonus, ang inserts na ito ay nakakatulong din para maiwasan ang rainwater buildup.

        Continue reading below ↓


        3) Helmet ventilation

        Kung hindi talaga kaya ng budget, ang isang libreng paraan para mabawasan ang fogging ay ang tiyaking may ventilation sa helmet. Sa pagbubukas ng ilang vents at bahagyang pag-aangat ng visor, ang hanging iyong ibinubuga ay lalabas mula sa helmet kaya maiibsan ang condensation.

        Huwag lang lalakihan ang opening sa visor upang hindi mabasa ng ulan ang mukha. Hindi rin ito advisable kung mabilis ang takbo ng motorsiklo dahil posibleng maging uncomfortable ang rider hindi lang sa tilamsik ng ulan ngunit pati na rin sa lakas ng hangin at sa sari-saring ingay.

        4) Factory anti-fog coating

        Maaaring hindi mo alam, pero posibleng ang iyong helmet ay may sarili nang fog protection nang bilhin mo ito dahil ang ilang manufacturers ay mayroong anti-fog treatment na inilalagay sa visors habang binubuo pa lang ang mga ito sa pabrika.

        Dahil sa mga ganitong coating, hindi na kakailanganin pang i-reapply ang treatment makalipas ang ilang araw, pero hindi ito permanente—karaniwan itong tumatagal ng isa hanggang dalawang taon.

        Continue reading below ↓

        5) Improvised visor cleaners

        Kung masyado nang marumi ang iyong visor kaya nanlalabo na ito, malinaw na hindi ang fog ang dapat mong problemahin. Linising maigi ang iyong visor upang hindi na dumagdag pa ang mga alikabok, patay na insekto, at iba pang dumi sa ulan at fog na nakakasagabal sa iyong pagra-ride tuwing umuulan.

        Kung game ka namang i-try, inirerekomenda ng ilang riders ang paggamit ng anti-dandruff shampoo o dishwashing liquid bilang mumurahing anti-fog coating para sa iyong visor. Gumagana man o hindi ang mga paraang ito para sayo, pinapayuhan ka na panatilihing malinis at malinaw ang iyong visor para sa iyong hygiene at sa ligtas na pagbiyahe.

        (Hunyo 21, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Matthew Galang

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱