Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ang vintage Lambretta F scooter ni Kuya Kim ay kaisa-isa sa Asia

        Siya ay big fan ng Italian scooter brand
        by John Paulo Aguilera Oct 5, 2021
        PHOTO: Elmer Reyes

        Para sa kaalaman ng lahat ng fans ng pinakabagong Kapamilya-turned-Kapuso talent na si Kuya Kim Atienza, hindi lang sa trivia nahuhumaling ang TV host kundi maging sa motorsiklo.

        Sa isa sa kanyang motovlog, proud na ipinasyal ni Kuya Kim ang isa sa rarest models sa koleksiyon niya ng bikes—isang 1954 Lambretta F 125.

        Ayon sa kanya, ang vintage scooter ay unang binili noong 1950s ni Don Jose Syquia, na nagmamay-ari ng Syquia Apartments sa Malate, Maynila. “Nakita ito bilang junk ng isang kaibigan ko na si chef Kenneth Cacho, at ang ginawa niya, kinuha niya yung junk dahil ibebenta sana ng P1,500 para sa bote’t bakal lamang,” kuwento ni Kuya Kim.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Inabot ng tatlong taon ang pagre-restore sa Lambretta, na kalaunan ay humakot ng awards. Ang unit, ayon sa weather anchor, ay kaisa-isa sa buong Asya.

        Fan ng Innocenti-manufactured scoots, si Kuya Kim ay mayroon ding isang 1957 Lambretta LD150, isang 1962 Lambretta 175 TV, isang 1966 Lambretta SX200, at isang 2020 Lambretta V200.

        Sa parehong vlog, bumisita si Kuya Kim sa Ropali Classics dealership sa Ortigas, Pasig, kung saan naka-display ang noon ay mga pinakabagong Lambretta models. Nakipagkumustahan siya sa kanyang kaibigan, ang Ropali general manager na si Aldous Rex Alingog, tungkol sa pareho nilang kinahuhumalingang Italian brand.

        Sa isang bahagi ng video, tinanong ni Kuya Kim ang anak niyang babae kung ano ang opinyon nito sa kanyang motorcycle collection. Sagot ng bata: “There’s so many of them. If we sell them, we can make more money, and then you can buy me stuff.”

        Gaya ng inaasahan, kaagad na nag-change topic si Kuya Kim.

        Continue reading below ↓

         

        (Disyembre 1, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Elmer Reyes

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱