Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Bakit pumatok ang 300cc scooters sa ’Pinas?

        ’Di naman kailangan ng tollways para ma-enjoy ang pagra-ride
        by Aris Ilagan Sep 9, 2021
        PHOTO: Kymco Philippines
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Bakit mas pipiliin ang isang 300cc scooter kaysa sa 400cc at pataas na tollway-legal bike? Ito ang tanong na kinakailangang sagutin ng Kymco Philippines executives tuwing nagpapakilala sila ng bagong midsize maxi-scooter, tulad ng X-Town CT 300i and Downtown 350i TCS.

        Mabentang brand sa Europe at iba pang mga bansa, ang Taiwan-based scooter manufacturer na ito ang nagpakilala ng maxi-scooters sa Pilipinas mahigit limang taon na ang nakararaan. At kung ratsada nila sa merkado ang pagbabasehan, mukhang hindi talaga sila paaawat.

        Sa tuluy-tuloy na pagkukumpuni at pagpapalawak sa tollways sa bansa, kung saan ang pinakamababang engine displacement na pinapayagan ay 400cc, tinanong namin ang mga opisyal ng Kymco PH: Bakit hindi na lang sila mag-focus sa 400cc scooters, o sa mas malalaking bikes kaya?

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Para kay Allan Santiago, Kymco Philippines executive officer, napagtanto ng maraming Pinoy riders na ang midsize scooters na may sub-400cc engine ay hindi lamang mas magaan imaniobra kundi mas praktikal din.

        Of the country’s total road network, only around 8% are tollways or toll-gated,” ani Santiago, na binigyang-diin din na ang pagra-ride ng motorsiklo ay hindi lang para mapayagan sa tollways.

        We want to focus on the adventure side which the 300cc can offer because we want our users to explore the countryside. When you see the countryside, it is when you really feel the joy in riding,” dagdag niya.

        Totoo naman. Ang magagandang tanawin, mga makasaysayang lugar, malalawak na taniman, at masarap na local delicacies ay matatagpuan sa toll-free highways. Bonus pa ang pagkakataon ng riders na makahalubilo ang mga taga-lalawigan sa kanilang pamamahinga.

        Continue reading below ↓

        Samantala, sa tollways, pawang maliliit na insektong sumasalpok sa visor ng kanilang helmet ang sumasalubong sa riders. Bukod dito, sinabi rin ni Santiago na mas ligtas ang pagra-ride gamit ang midsize motorbike sa halip na sumampa kaagad sa big bike.

        Ang 300cc bikes na ito, aniya, ay nakakatulong upang dahan-dahanin ng riders ang pagsabak sa mas malalaking motorsiklo, na nangangailangan ng mas maraming karanasan at kakayahan.

        Gayunman, hindi niya nabanggit ang isa pang bentahe: Ang 300cc scooters ay hindi lamang mas madaling gamitin at mas affordable ang maintenance, pero mas tipid din ito sa gasolina.

        (Disyembre 2, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Kymco Philippines

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱