Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        13 Safety riding tips para ma-survive ang ‘laharlandia’

        Wala tayong panama kay Inang Kalikasan
        by Aris Ilagan Sep 14, 2021
        PHOTO: Motoworld
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Mula sa simpleng trekking hanggang sa off-road driving at ngayon, sa motorcycle adventure riding, ang tinaguriang ‘laharlandia’ sa Porac, Pampanga ay unti-unti nang nagiging popular destination para sa mga naghahanap ng extreme adventure.


        Kung ikokonsidera ang lapit ng Golden Trail sa Metro Manila, parami nang parami ang riders na dumadayo roon hindi lamang para sa pangmalakasang experience ng pagra-ride sa lahar bed at lakas ng loob na pagtawid sa rumaragasang ilog, kundi para rin makasalamuha ang mga Aeta na nagmamay-ari ng malaking bahagi ng off-road playground.


        Sa gitna ng pabugsu-bugsong ulan, dinala kami ng Yamaha Motor Philippines (YMPH) sa laharlandia upang personal naming malaman kung paanong sasabak ang noon ay bago nitong offering, ang Serow 250, at ang battle-tested na XTZ 125 sa matagtag na daan, madudulas na naglalakihang bato, at sa pagtawid sa ilog. Isa rin iyong pagsubok sa aming riding skills sa gitna ng matitindi at delikadong trails.

        Continue reading below ↓


        Para maibsan ang aming kaba bago ang ride, nagbigay ng tips ang off-roading guru na si Mel Aquino kung paano masu-survive ang laharlandia. “Just listen and follow instructions,” paulit-ulit niyang sinabi sa participants sa safety briefing na ginawa sa barangay hall. Sumama naman ang opisyal ng barangay at isang tourism officer sa send-off ceremony para sa riders, na pawang nakasuot ng safety gear.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos


        Sa una, hindi namin mawari kung dahil sa malamig at maulang panahon o dahil sa hindi kaaya-ayang hitsura ng lahar bed, pero nakaramdam kami ng kilabot habang sumasampa sa aming Serow at XTZ units. Pinaalalahanan kami na ang riding conditions sa lugar na iyon ay mabilis na nagbabago dahil agarang naaapektuhan ng pag-uulan ang landscape ng laharlandia. Ang lugar kung saan ka nag-ride ngayon ay ibang-iba na ang hitsura kinabukasan.


        Sa halip na maging praning, pinasibad na namin ang aming mga motorsiklo para sumabak na sa trail. Narito ang 13 safety tips sa pagra-ride sa lahar:

        Continue reading below ↓

        1) Huwag magpapalit-palit ng kabig mula sa kaliwa pakanan.

        Kung ang direksiyong tinatahak ng iyong handlebar ay nagpapabagu-bago mula kaliwa papuntang kanan, lumilikha ka ng trail na sinusundan ng iyong rear wheel. Dahil dito, magtutuluy-tuloy ang pag-eese-ese ng takbo ng bike, at kakailanganin mo pa tuloy kontrolin ang hindi stable na takbo nito.

        Continue reading below ↓

        2) Mag-ride nang nakatayo.

        Hanggang maaari, subukang tumayo sa pegs at ipitin ng iyong mga binti ang magkabilang gilid ng bike. Sa ganitong paraan, mas madali na para sa iyo na imaniobra ang motorsiklo habang tinatalunton ang malambot na lahar bed.

        3) Sa likod ituon ang iyong bigat.

        Upang maiwasang malubog sa lahar ang unahang gulong ng motorsiklo, ang 70% ng iyong body weight ay dapat na nakaposisyon patalikod. Makakatulong din ito upang mapanatiling stable ang motorsiklo habang nagmamaniobra ka sa delikadong terrain.

        4) I-relax ang iyong mga braso.

        Huwag mong kontrahin ang kilos ng bike—mai-stress lamang ang iyong mga braso kahit hindi naman kinakailangan. Dapat na i-relax mo ang iyong buong katawan upang matagalan ang mahabang biyahe.

        5) Itagilid ang motorsiklo kapag lumiliko.

        Huwag basta imaniobra ang bike—itagilid ito kapag lumiliko upang mas madali ang pagbabago ng direksiyon. Gamitin ang iyong mga braso, hindi lang ang mga kamay, sa pagmamaniobra sa motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        6) Gamitin ang kill switch kung kailangan.

        Kung pakiramdam mo ay hindi mo na mapipigilan ang pagtumba ng motorbike, gamitin ang kill switch (red) sa kanang bahagi ng handlebar. Mas delikado (at kakain pa ng oras) kung papatayin ang makina gamit ang ignition switch.

        7) Huwag masyadong diinan ang kapit sa handlebar.

        Kapag ginawa ito, malamang na lumubog sa malambot na lahar ang pang-unahang gulong ng motorsiklo. Mas magiging pahirapan lang ang pagmamaniobra na, gaya ng nasabi na, magdudulot lang ng stress sa iyong mga braso.

        8) Mas mabagal ang takbo ng motorsiklo, mas malaki ang tyansang lumubog ang gulong.

        Panatilihin ang bahagyang piga sa throttle upang tuluy-tuloy ang paggalaw ng motorsiklo. Mas madalas ang pagharurot, mas malaki ang posibilidad na lumutang ang bike sa malambot na lahat kaya mas mabilis ang pagmamaniobra at pagkontrol dito.

        9) Iwasan ang biglaang acceleration.

        Ang sobra-sobra o biglaang paggalaw sa throttle ay magreresulta sa hindi kinakailangang wheelspin, na magiging dahilan upang lumubog ang motorsiklo sa lahar. Ang mahusay na throttle control ay isang mahalagang skill kapag nagra-ride sa ganitong mapaghamong kondisyon.

        Continue reading below ↓

        10) Kapag pababa, gamitin ang engine braking.

        Sa first gear, bitawan ang clutch, at kumilos pasandal. Hayaang bumagal ang takbo ng motorsiklo dahil sa engine braking. Gayundin, huwag sobrahan ang gamit sa front brake—maaaring mawalan ka ng steering control kapag nagkataon.

        11) Huwag gamitin ang rear brake habang tumatahak pababa.

        Kung pagsasabayin ang rear brake at engine braking, posibleng huminto ang bike.

        12) Huwag mag-ride malapit sa lahar wall.

        Ang maiingay na tunog, tuluy-tuloy na vibrations, at biglaang paggalaw ng lupa ay maaaring makapagpaguho sa pader. Tiyaking laging may sapat na distansiya sa maselang pader na ito.

        13) Irespeto ang mga katutubo.

        Makibagay sa mga katutubo, na laging tama dahil ikaw ang baguhan sa kanilang teritoryo. Pakatandaang ang laharlandia ay minana pa nila sa kanilang mga ninuno at tayo ay bumibisita lamang sa kanilang lugar.

        (Setyembre 17, 2019 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Motoworld

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱