Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        4 Tips sa tamang pagkabit ng LTO-issued RFID sticker

        Bawal ang sumablay
        by Aris Ilagan Aug 26, 2021
        PHOTO: Land Transportation Office

        Natanggap niyo ba ang bagong license plate na inisyu ng Land Transportation Office (LTO)? Kung bubuksan ang pakete na naglalaman ng plaka, may kasama itong RFID sticker na dapat ingatan.

        Ito ay ang bagong service feature ng LTO sa mabilis na pagtukoy ng vehicle information sa pamamagitan ng scanner o QR code reader.

        Dapat maging maingat sa pagkakabit ng sticker dahil hindi na ito maaaring tuklapin kapag naidikit na. Madaling masira ang RFID antenna at QR code base sa taglay na security features nito. Paalala lang, mga parekoy: Mahirap kumuha ng replacement RFID sa LTO dahil mahabang proseso ang dadaanan niyo. Kaya bawal sumablay.

        Narito ang 4 na tips para sa tama at maayos na pagkakabit ng RFID sticker ng LTO sa inyong motorsiklo:

        1) Alamin kung saan ididikit ng sticker.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kapag nakaharap sa bike, sa bandang kaliwa ng headlight ang tamang kabitan ng sticker. Ilagay ito sa surface ng headlight lens na bahagyang nakatingala—hindi nakatungo.

        Tiyaking horizontal o pahalang ang pagkakabit nito, at maglaan ng 3cm space sa gilid ng headlight lens. Hindi rin ito dapat nakadikit sa ano mang bakal na piyesa o wiring. Siguruhin na hindi rin nakaharang ang RFID sticker sa direksiyon ng ilaw.

        Bago ikabit ang sticker, linisin muna nang mabuti ang lens ng headlight gamit ang tuyong basahan o sponge.

        2) Ihanda ang RFID sticker.

        Continue reading below ↓

        Alamin kung saan ang RFID antenna at QR code. Habang tangan ang sticker, baligtarin ito upang maiposisyon ang QR code sa bandang itaas, habang ang RFID antenna ay nasa ibaba. Itupi ang RFID sticker ayon sa dotted line para maipit ang paper liner sa gitna.

        Matapos itiklop, dahan-dahang iangat ang paper liner sa RFID antenna bago itupi ulit sa gitna. Pantayin ang posisyon ng RFID sa side ng QR code at maingat na idikit sa headlight lens.

        3) Ingatang magkabula ang RFID tag.

        Continue reading below ↓

        Kung may nakitang air bubbles sa gitna ng sticker habang ikinakabit, dahan-dahang pisilin o hawiin ang mga ito palabas sa gilid. Kapag nakapatong na ang RFID antenna sa QR code, maaari nang tanggalin ang vacuum paper para maikabit ang RFID sticker sa headlight.

        Iwasang humawak sa likod ng sticker kung saan may adhesive. Matapos tiyaking tuyo, malinis, at maayos ang pagkakatupi ng RFID sticker, maaari na itong idikit nang dahan-dahan sa tamang puwesto sa headlight.

        4) Hindi dapat mabasa ang sticker sa loob ng 24 oras.

        Matapos idikit sa headlight, huwag hayaang mabasa ang motorsiklo nang magdamagan para maging permanente at matibay ang pagkakabit ng sticker.

        Para matiyak na tama ang pagkakagawa, panoorin ang video na ito:

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Land Transportation Office

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱