Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        6 Na maling akala ng mga rider na karaniwang nauuwi sa aksidente

        Ang maling akala ay nakamamatay
        by Aris Ilagan Dec 24, 2020
        PHOTO: Aris Ilagan

        Marahil ay narinig niyo na ang linyang ito: Hindi ka ganap na rider kung hindi ka pa nakakatikim ng semplang. 

        Pero hindi dapat ipagmalaki ng isang rider ang pagkakasangkot niya sa aksidente, lalo na kung ito ay dahil sa kapabayaan o kakulangan sa riding skills training. Ang pagsemplang sa motorsiklo ay hindi rin dapat na ituring na badge of honor, dahil bukod sa magastos ang pagpapagawa ng motor ay mahal din ang bayarin sa ospital. At ang pinakamasaklap, sementeryo ang kinahinatnan ng rider kung minsan.

        Sa halip, ang mga rider na may zero record sa aksidente ang dapat nating saluduhan at hindi ang mga tinaguriang ‘kamote rider’ na karaniwang naaksidente dahil sa walang sapat na edukasyon sa road safety.

        Continue reading below ↓

        Upang maiwasan ang aksidente, minarapat nating ibahagi ang riding tips ng Motorcycle Development Program Participants Association (MDPPA) na nakasaad sa Safety Riding Manual. At isa sa mga topic ay ang “Examples of Judgement Errors” na marami tayong mapupulutan ng aral upang maiwasan ang sakuna habang nagmomotorsiklo. Basahin at isapuso ang mga sumusunod:

        1) Akala ng rider ay titigil o magmemenor ang kotseng paparating.

        Dahil sa maling pagtantiya sa bilis nang takbo ng isang kotse, ilang driver ang sumalpok dito. Karaniwang nangyayari ito sa mga intersection. Dapat palaging pairalin ang defensive riding style upang hindi mangyari ito sa iyo.

        2) Akala ng rider ay sumusunod ang lahat ng driver ang right of way.

        Batid natin na hindi lang sa hanay ng mga rider ang mayroong mga kulang sa disiplina, ngunit maging sa mga nagmamaneho ng four wheeler. Palaging mag-ingat sa mga intersection. Palaging isipin kung ano ang posibleng gawin ng driver sa harapan upang agad kang maka-react ng tama.

        Continue reading below ↓

        3) Akala ng rider ay laging ligtas ang sumingit sa mga sasakyan.

        Hindi lahat ng kalsada ay maluwag at may sapat na puwang upang ligtas na makasingit ang rider sa pagitan ng mga kotse. Mayroon ding pagkakataon na umiiwas ang mga kotse sa lubak, kaya tiyak na malas ang aabutin ng rider na sumisingit kung biglang pumaling sa kaliwa o kanan ang sasakyan. Palaging maging alerto sa inyong kapaligiran kapag nagmomotor.

        4) Maling akala ng rider sa bilis ng takbo ng ibang sasakyan. 

        Hindi dapat binabalewala ng mga rider ang bilis ng takbo ng ibang sasakyan na nakapaligid sa kanya. Maging alisto sa istilo ng pagmamaneho ng mga driver sa paligid mo, upang hindi ka maipit sa biglaang paglipat nito ng linya sa kalsada o biglang pagpreno.

        5) Akala ng rider na liliko ang motorsiklo kahit sobrang bilis ng takbo nito. 

        Dito mo malalaman kung talagang sapat ang kaalaman ng isang rider sa paggamit ng motor. Iba ang pag liko ng motorsiklo kumpara sa kotse dahil ginagamit ng rider ang kanyang katawan upang epektibong ma-control ang bike sa pamamagitan ng tamang pagbalanse. Mahalaga na sumailalim muna ang isang indibidwal sa formal riding lesson bago sumabak sa kalsada.

        Continue reading below ↓

        6) Maling pagtantiya ng rider sa distansiya ng sasakyang nasa gilid o harapan ng kanyang motorsiklo.

        Sa pagbiglang preno ng driver ng sasakyan, tiyak na sasalpok ang rider kahit ano pang pag-piga ang gawin nito sa preno. Huwag masyadong tumutok sa sasakyan sa harapan o nasa gilid, lalo na kung basa ang kalsada. Distansiya amigo!

        7) Laging inaakala na ng rider na siya si Valentino Rossi.

        Itong pang pitong paalala ay hindi na nanggaling sa MDPPA Safety Riding Manual. Ito po ay isang tagubilin mula sa Top Bikes PH para sa mga rider na maraming ilusyon sa buhay. Bago pa man ang motorsiklo ay talo pa ang nine-time world champion kung humarurot sa kalsada. At dahil kulang sa sapat na riding skills, ang madalas na kanilang kinahihinatnan ay ‘Balentong Rossi’. Matuto po tayong magpakumbaba at galangin ang kapwa rider para hindi po tayo maaksidente. Ride safe, guys!

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱