Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Marc Pingris, nag-ride sa Laguna Loop bago nagretiro

        Humataw ang ‘Pinoy Sakuragi’ sa kanyang BMW S 1000 XR
        by John Paulo Aguilera Jun 26, 2021
        PHOTO: YouTube

        Disyembre 2020 nang sumabak sa pagbabalik sa kalsada ng PBA Moto Club ang bagong basketball player-slash-rider na kanilang nahikayat.

        Player pa noon ng Magnolia Hotshots, dala ni Marc Pingris ang kanyang BMW S 1000 XR, nang sa unang pagkakataon ay sumama siya kina Rico Maierhofer at Jayjay Helterbrand nang libutin nila ang Laguna Loop.

        “Salamat naman napaunlakan mo kami! Sa tagal mong gustong sumama,” maririnig na sinabi ni Maierhofer sa three-time Defensive Player of the Year sa vlog ng una na in-upload ng buwang iyon.

        Si Pingris, na nine-time PBA champion at dating national team player, ay mayroong pambihirang motorbike collection, na ipino-post niya sa Instagram.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Continue reading below ↓

        Bukod sa tatlo, kasama rin sa group ride si KG Canaleta ng Blackwater Elite, gayundin ang mga miyembro ng ATAT MC (Any Time All The Time) at CLUB 9T PH. Ang mixed squad nilang ito ay tinawag ni Maierhofer na “Amazing Chopsuey.”

        Noong huling parte ng Nobyembre, bumisita ang PBA Moto Club sa basketball bubble sa Clark, Pampanga, upang magpakita ng suporta sa mga natitirang koponan sa pamamagitan ng pagrerebolusyon ng kanilang mga motorsiklo. Para sa episode na yun, nag-stopover ang riders sa Kubs Mountain Resort at Restaurant tsaka dumiretso sa baybayin para sulitin ang napakagandang view.

        Binigyan din ang grupo ni Helterbrand ng mga personalized ‘Amazing Chopsuey’ jerseys na natatatakan ng kanilang pangalan. Ipinost naman ni Maierhofer sa Instagram ang mga litratong kuha sa 11-oras na biyahe nilang iyon.

        Mayo 25, 2021 nang ianunsiyo sa Instagram ng 39-year-old na si Pingris—tinaguriang ‘Pinoy Sakuragi’ ng PBA—na magreretiro na siya makalipas ang 16 na taon ng matagumpay niyang career sa PBA.

        Continue reading below ↓

        (Disyembre 5, 2020, nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: YouTube

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱