Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Marian Rivera, ‘never pinakialaman’ si Dingdong Dantes sa hilig sa pagmomotorsiklo

        Naka-motor daw noon tuwing nagde-date ang DongYan
        by Elaine Lara Oct 7, 2021
        PHOTO: Dingdong Dantes

        Nakasanayan na nating i-stalk ang celebrity riders at kanilang magagarang motorsiklo sa Instagram, at siyempre hindi mawawala sa listahan ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

        Isang true rider at heartthrob si Dantes—patunay ang paglulunsad niya noong nakaraang taon ng delivery service app na Dingdong PH para may pagkakakitaan ang mga manggagawa sa entertainment industry na nawalan ng hanapbuhay sa kasagsagan ng pandemya.


        Sa interview sa misis ni Dantes na si Kapuso actress-TV host Marian Rivera, kinamusta namin kung ano ang nararamdaman niya tuwing nagra-ride ang asawa kasama ang motorcycle group nitong EuroMonkeys.

        Continue reading below ↓


        “Nakilala ko kasi si Dong na ginagawa niya na yan, so lahat ng mga bagay na ginagawa niya noong binata pa siya, noong hindi niya pa ako asawa, never ko yan pinakialaman,” sagot ni Rivera.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos


        Sinabi ng aktres na kung may kaibahan man ngayon, pinapaalalahanan niya si Dantes na may tatlong tao na laging naghihintay sa pag-uwi nito sa bahay—siya at ang dalawa nilang anak na sina Zia at Sixto.

        Naniniwala si Rivera na kahit pa kasal na sila, kailangan pa rin ng bawat isa sa kanila ni Dantes ang me time, basta magpapaalam lang daw sa kanya nang maayos ang asawa ilang araw bago ang ride nito.

        Dagdag pa niya, noong magnobyo pa lang daw sila ay lagi silang “naka-motor” tuwing nagde-date. Siya man ay marunong ding magmotorsiklo, pero itinigil na raw niya ito para kay Dantes.


        “Nagda-drive din ako—kahit ano, kahit truck, kahit mga van, nagda-drive ako,” kwento ni Rivera.

        Continue reading below ↓

        “Ngayon hindi niya na rin ako pinayagan.” Bakit? Ayon sa Primetime Queen, nabibilisan daw kasi ang mister sa pagpapaandar niya ng sasakyan kaya pinatigil na siya nito sa pagmamaneho.

        (Pebrero 14, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Dingdong Dantes

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱