Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Marilaque Highway, nagmistulang ‘ghost town’ bunsod ng border control operations

        5 police checkpoints nagbabantay sa highway
        by Aris Ilagan Aug 2, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Kung ikaw ay isang rider na mahilig mamasyal tuwing weekend, marahil ay pamilyar ka na sa Jariel’s Peak, isang dine-in restaurant at hotel na matatagpuan sa kilalang scenic spot sa Barangay Magsaysay, Quezon.

        Papunta sa lugar na ito, daraan ang mga rider ang Marilaque Highway na nag-uugnay sa Marikina, Rizal, Laguna, at Quezon. Sagana ang Marilaque hindi lamang sa magagandang tanawin kundi pati sa walang-tigil na zigzags.

        Kilala rin ang lugar na ito sa sariwang hangin at malamig na klima kahit sa summer season. At pagdating sa Jariel’s, mainit na kape at masarap na almusal, tanghalian, at merienda ang naghihintay sa mga rider.

        Ayon kay Jose Ariel ‘Jariel’ Evangelista, may-ari ng establisimiyento, hindi bababa sa 1,000 ang karaniwang bilang ng customers na karaniwang nagpupunta sa kanila tuwing Linggo. Kahapon, sa unang araw ng paghihigpit ng border control operations para sa NCR Plus, nagmistulang ‘ghost town’ ang lugar dahil tanging mga residente at tinaguriang authorized persons outside of residence o APOR ang pinapayagang dumaan sa 117km highway.

        Continue reading below ↓

        At nang mabalitaan ni Evangelista na ilalatag na ang border control operations bilang paghahanda sa pagbabalik ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR), kinansela niya agad ang passes na inisyu sa mahigit sa 1,000 customers na sana’y magtutungo sa kanyang restaurant.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        “Malaki [na kita] ang nawala sa amin,” pahayag ng 50-anyos na negosyante. Sa kabila nito, kumpiyansa si Evangelista na maitatawid niya ang kanyang pamilya sa masamang epekto ng pandemya dahil may naipundar siyang ibang negosyo.

        “Ang inaalala ko ay ang ibang mga kainan na nandito sa Marilaque. Marami sila na dinarayo ng mga rider. Karamihan sa kanila, maliliit lang,” dagdag ni Evangelista. Ang wish niya: Sana matapos na ang pandemya upang malaya nang makagala ang mga tao at muling sumigla ang ekonomiya.

        Sa tantiya ni Evangelista, hindi bababa sa limang police checkpoints ang daaranan ng mga motorista bago makatawid ng Quezon.

        Aniya, mahalaga rin na sumunod ang lahat sa health protocols na ipinatutupad ng gobyerno para hindi na kumalat ang COVID-19. Matagal pa rin ang hihintayin ng mga rider bago makabiyahe ng walang restrictions dahil ang ECQ policy na ipatutupad sa NCR Plus ay mula Agosto 6 hanggang 22. At hindi pa rin tayo nakatitiyak kung magluluwag ang gobyerno sa quarantine status sa pagtatapos ng lockdown period na ito.

        Continue reading below ↓

        Kayo, mami-miss niyo rin ba ang bumiyahe sa Marilaque?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱