Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        McKinley Kyle Paz: May dalang suwerte ang race bike number, pero...

        Narito rin ang payo ng kanyang butihing ina
        by Aris Ilagan Jun 14, 2021
        PHOTO: Yamaha Motor Philippines

        Idinaos kahapon ang third round ng 2021 FIM CEV Repsol Moto2 sa Circuito de Barcelona-Cataluna kung saan sumabak ang Pinoy racer na si McKinley Kyle Paz ng VR46 Mastercamp Team bitbit ang bandila ng Pilipinas.

        Ito ang unang beses na kumakarera si Paz—tinaguriang ‘The Wonder Boy of Philippine motorcycle racing’sa prestihiyosong motorbike race gamit ang 600cc machine na ngayon lang niya nasilayan at naggamit sa track. Ito rin ang unang beses niyang sumabak sa European Moto2 race na itinuturing na stepping stone sa MotoGP.

        McKinley Kyle Paz

        Continue reading below ↓

        Si Paz ay nakapuwesto sa 18th position sa qualifying run kung saan 26 ang buong bilang ng karerista ang magbabakbakan. Subalit sa unang karera, hindi pinalad ang Pinoy rider na masilayan ang checkered flag matapos itong sumemplang habang tatlong laps na lang ang natitira. Masuwerte si Paz dahil wala siya tinamong galos sa insidente.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Sa second race, nakumpleto niya ang 17 laps sa ika-20 puwesto kaya nag-uwi ang dating kampeon ng 2019 Asia Road Racing Championship (ARRC) Underbone 150 ng six points mula sa third round ng CEV Moto2 race.

        Noong Sabado ng hapon, nakahalubilo ng media si Paz via online sa tulong ng Yamaha Motor Philippines bago siya sumabak sa qualifying session. Ilang beses niyang inamin na kabado siya sa karera dahil maraming adjustment ang kanyang dinaraanan tulad ng bagong race bike, racetrack, environment, at marami pang iba.

        McKinley Kyle Paz

        Continue reading below ↓

        Maging sa kanyang race bike number ay tila nag-a-adjust pa rin si Paz dahil hindi nito nakuha ang kanyang paboritong numero na ‘23’ na kanyang palaging gamit sa mga local race kung saan din siya naging champion. Ngayon, Number 32 ang nakapaskil sa kanyang 600cc race bike.

        Kaya ikinuwento niya kung paano nahantong sa Number 23 ang kanyang race bike. “Ang number ko po talaga is ‘23.’ Nung nag-ARRC ako, hindi ko na nagamit yun kaya ‘123’ na po yung ginamit ko. Nag-overall champion ako sa UB150 class,” kuwento niya.

        Nang sumabak siya sa unang pagkakataon sa ARRC SS600 noong 2020, may naunang nakakuha ng mga numerong ‘23’ at ‘123,’ kaya  ‘321’ ang kanyang ginamit. Sa kabila nito, naudlot ang 2020 ARRC dahil sa pandemya.

        At nang siya ay kakarera na sa European Moto2, number 32 ang kanyang ginamit.

        Dahil sa ilang ulit niyang ginamit ang kumbinasyong 2-3, naniniwala nga ba si Paz sa lucky bike number? Ito ang kanyang naging tugon, “Pwede kong i-consider na ganun pero wala po akong magagawa kung gustuhin ko yung number na yun.”

        Continue reading below ↓

        Agad namang siyang pinaalalahanan ng kanyang ina na si Ayet Fernando Paz na ang taimtim na pagdarasal bago kumarera ang tunay na lucky charm. “Alam mo yan, kaya mo yan!” pahayag ng kanyang ina bago nagpalitan ng ‘I love you’ ang dalawa sa pagtatapos ng online media conference.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Yamaha Motor Philippines

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱