Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Alamin ang safety features ng 313-km Metro Manila Bike Lane Network

        Pangmatagalan ba ang mga pasilidad na ito?
        by Aris Ilagan Jul 27, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Pinangunahan ng mga opisyal ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at pribadong sektor ang paglulunsad ng 313-km Metro Manila Bike Lane Network na ginanap sa Roxas Boulevard, Manila ngayong Martes.

        Pinagdugtong sa network ang exclusive bike lane projects ng Deparment of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH) para magamit ng mga siklista ngayong panahon ng pandemya. Ang P800-milyong pondo sa proyekto ay mula sa Bayanihan to Recover as One Act of 2020 (Republic Act No. 11494).

        Bukod sa bagong pasilidad na inilatag sa Kalakhang Maynila, mayroon ding itinayong bike lanes sa Metro Davao at Metro Cebu kung saan nakararanas pa rin ng transport shortage dahil sa ipinaiiral na social distancing policy.

        Kabilang sa mga dumalo sa launching ceremony ng Metro Manila Bike Lane Network sina representative Edgar Mary Sarmiento, chariman ng House committee on transportation; Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at Mandaluyong City mayor Benhur Abalos; Metropolitan Manila Commission (MMC) chairman at Paranaque City mayor Edwin Olivarez; kasama ang mga kinatawan ng DOTr, DPWH, at Land Transportation Office (LTO).

        Continue reading below ↓

        Sa kabila ng buhos ng ulan, dumating sina Abalos at San Juan City mayor Francis Zamora sa event venue sakay ng kanilang bisikleta at suot ang kumpletong cycling gear.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Tiniyak ng mga opisyal na naaayon sa safety standards ang bagong itinayong bike lane para makaiwas ang mga gumagamit nito sa sakuna. Narito ang mga standard features ng bagong istraktura:

        1) Road safety bollards

        Continue reading below ↓

        Gumamit ang DPWH at MMDA ng road safety bollards sa gilid ng bike lane upang hindi ito madaanan ng ibang sasakyan. Ito ay flexible dahil gawa sa plastic material para hindi makasakit sa mga siklistang tatama dito. Ang mga bollard ay kulay orange na may may reflectorized sticker para madaling makita kahit sa dilim.

        2) Visible pavement markings

        Markado ng kulay puti at berdeng pintura ang surface ng bike lane para agad itong makilala ng mga motorista. Ang materyales na ginamit ay thermoplastic paint upang hindi ito agarang kumupas o mabakbak nakabilad man sa araw o ulan.

        3) Bike symbols

        Continue reading below ↓

        May ikinabit na bike symbols at signages sa mga istratehikong lugar ng bike lane upang magsilbing babala sa ibang motorista. Karaniwan itong makikita na nakakabit sa mga poste ng ilaw sa tabi ng exclusive lane. Ito rin ang nagsasabi sa direksiyon kung saan maaaring dumaan ang cyclists.

        4) Concrete delineators

        Ang concrete delineators ay halos kahalintulad ng concrete barriers na madalas nating makita sa EDSA at C5 Road. Solido at mababa kumpara sa ordinaryong barrier ang concrete delineators na nagsisilbing harang sa pagitan ng mga dumaraang sasakyan at bisikletang nasa bike lane.

        5) Solar-powered road stud

        Kumukuha ng enerhiya sa araw ang mga solar-powered road stud at awtomatiko itong umiilaw tuwing magdidilim. Nakaturnilyo ang mga ito sa kalsada at hindi basta masisira kahit madaanan pa ng mga sasakyan.

        6) Bike racks

        Continue reading below ↓

        At dahil inaasahan na marami ang mga bisikletang gagamit ng bike lanes, naglagay na rin ang MMDA ng bike racks sa mga piling lugar para maparadahan ng mga ito. Huwag lang kalimutang magdala ng kadena at kandado para iwas-nakaw ang inyong two-wheeler.

        Ang pakiusap ni Congressman Sarmiento sa mga opisyal ng local government units (LGU) na mamamahala sa mga bike lane: Siguraduhin na maayos ang pagmimintina sa mga pasilidad na ito upang matagal na magamit ng publiko.

        Sa tingin n’yo, mayroo bang ‘forever’ sa mga bike lane?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱