Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Mindanao ride, anyone? Ito ang 10 dahilang kukumbinse sa’yo

        Sa kalidad ng mga kalsada, kayang ilampaso ang Metro Manila
        by Aris Ilagan Oct 25, 2021
        PHOTO: Normining

        Taong 2018 nang ilunsad ng Yamaha Motor Philippines ang ‘Tour de Rev’ nationwide event para sa mga miyembro ng Yamaha Club.

        Pinili mula sa mga nagparehistro online at dumaan sa screening process, ang touring participants ay kailangang makumpleto ang 1,200-kilometrong ride sa bawat isa sa tatlong edition nito: sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

        Nakibahagi kami sa Tour de Rev Mindanao edition na nagsimula sa Cagayan de Oro City, at doon naging kapansin-pansin para sa amin ang dalawang lady riders. Hindi sila bumibitaw sa pagbuntot sa lalaking riders na humaharurot sa gilid ng kabundukan.

        Dahil sa nakakabilib na riding style nilang ito, inusisa namin kung paano nilang na-develop ang kahanga-hanga at lakas-loob nilang skills, na walang dudang angat kumpara sa kanilang male counterparts.

        Sila ay sina Audrey Galeon at Mem Arriba, parehong taga-Davao City. Pareho silang regular na lumilibot, sakay ng motorsiklo, sa iba’t ibang lugar sa Mindanao, lalo na tuwing weekends, kaya naman ganun na lang ang kumpiyansa nila sa paghataw kahit sa mga alanganing kurba.

        Continue reading below ↓

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pero hindi lamang ang husay nila sa pagmomotorsiklo ang ipinagmamalaki ng dalawa, kundi maging ang likas at natatanging ganda ng Mindanao. Kaya naman nag-imbita sila ng riders mula sa Luzon at Visayas upang maranasan ng mga ito ang pagharurot sa naggagandahan nilang kalsada at makilala na rin, siyempre, ang mabubuting Mindanaoeños.

        Continue reading below ↓

        Sa katunayan, nagbigay sina Audrey at Mem ng 10 dahilan kung bakit dapat na isama ng riders mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Mindanao sa kanilang bucket list:

         

        1) Di problema ang traffic.

        Kapag nalampasan na ng rider ang matataong bayan, mapapansin na ang presensiya ng mga volunteer at full-time traffic personnel sa mga delikadong kurbada ng kalsada kasama ang ilang pulis. Nakapuwesto sa lugar ang volunteers hindi lamang upang siguruhing maayos ang daloy ng trapiko, kundi upang alalayan ang mga turista patungo sa kani-kanilang pupuntahan.

        Sakaling mawala ang isang turista at mangailangan ng tulong, huwag mag-panic kung hindi man fluent sa pagsasalita ng Bisaya. Malaki ang tyansang nakakaintindi sila ng English.

         

        2) Ang speed limit ay ipinatutupad (nang istrikto).

        Sagrado ang disiplina sa kalsada sa maraming mauunlad na lugar sa Mindanao, lalo na sa Davao City. Huwag na huwag lalampas sa speed limit dahil malaki ang babayarang penalty kung ipipilit ang tigas-ulong pagharurot. Ang mga pamahalaang lokal ng Tagum, Davao, Koronadal at Tupi ay mayroong kani-kanyang speed radars. Ang no-contact apprehension ay hindi sa Metro Manila lamang ipinatutupad; umiiral din ito sa mga lalawigan.

        Continue reading below ↓

         

        3) Bottomless ang mga magagandang tanawin.

        Sa Yamaha Tour de Rev, inabot ng apat na oras ang ride namin kada araw. Ang pagra-ride mula sa isang lugar patungo sa isa pa ay nangangailangan ng focus. Gayunman, dahil sa malalapad at makikinis na kalsada ng Mindanao, nagkaroon kami ng pagkakataong masulyapan paminsan-minsan ang likas na ganda ng mga nadadaanan, habang patungo sa tourist spots na tulad ng Enchanted River sa Hinatuan, Surigao del Sur, at Tabibinta Falls sa Maragusan, Compostella Valley. Importante lang na maging alerto sa mga ligaw na hayop.

         

        4) Maayos ang kalsada kahit saan.

        Maraming matututuhan ang contractors sa Metro Manila sa larangan ng pagkakaroon ng mataas na kalidad ng kalsada mula sa Mindanaoans. Sa buong panahon ng aming ride, bibihira kaming madaan sa highway na aspaltado. Halos lahat ng kalsada sa Mindanao ay gawa sa solid at flawless concrete.

        5) Sagana sa prutas na abot-kaya ang presyo.

        Maglaan ng panahon sa mga saglit na paghinto at madidiskubre ninyo kung hanggang saan ang mararating ng inyong pera para sa isang kilo ng masarap na durian, mangga, at maging gulay, na pawang bagong pitas at sariwang-sariwa. Siguraduhin lang na magkakasya ang lahat ng ito sa pannier o top box ng motorsiklo.

        Continue reading below ↓

         

        6) Mas maayos na ngayon ang telecom service.

        Naaalala ko noong tinawid ko ang mga probinsiya sa Mindanao sakay ng kotse para sa isang artikulo. Ang pagsagap ng phone signal sa pagitan ng mga bayan at siyudad ay matinding sakit ng ulo para sa akin. Sa ngayon, malaki na ang nabago sa communication signal sa Mindanao kaya naman mas ligtas at mas enjoy na ang pagbibiyahe sa halos lahat ng lugar sa rehiyon.

        Tiyakin lang na ligtas na lugar ang hihintuan ng motorsiklo bago tumawag sa telepono o mag-send ng text o chat. Mag-selfie at i-post iyon agad-agad!

         

        7) Tumambay sa naggagandahang beaches.

        Pagkatapos ng mahabang ride, maglunoy at mag-enjoy sa pinakamagagandang beaches ng Mindanao. Hubarin ang pawisang riding gear at dumiretso sa puting dalampasigan para mag-relax.

        Napakaraming magagandang beaches sa Pilipinas maliban sa Boracay. Mayroong world-class beaches sa Glan, Sarangani, sa Camiguin Island, at sa Samal Island sa Davao del Norte.

        Continue reading below ↓

         

        8) Sangkatutak ang twisties.

        Anong klaseng ride ang walang twisties? Sa Mindanao, maraming lugar kung saan ma-e-enjoy ng riders ang mga kalsadang paliku-liko, na makapagpapahusay sa kanilang kakayahan sa pag-atake sa mga kurbada. Mas ligtas ang pakiramdam ng bikers kung ang kanilang nililikuan ay mga kalsadang malalapad at makikinis. Kung naranasan niyo na ang mga kurbada ng Mati City sa Davao Oriental, baka talikuran niyong bigla ang Marilaque.

         

        9) Nag-improve na ang kapayapaan at kaayusan.

        Mismong sina Mem at Audrey ang nagpapatunay na mas maayos na ngayon ang lagay ng peace and order sa Mindanao. Kahit nang isailalim sa Batas Militar ang buong rehiyon, kalmadong tinanggap ito ng mga Mindanaoan.

        Sa maraming checkpoints na dinaanan namin, iilan lamang sa mga ito ang natatauhan ng armadong pulis o sundalo. Hindi lamang nila naisasaayos ang trapiko, kundi marespeto rin sila sa mga motorista.

         

        10) Golden era para sa mga motorsiklo.

        Sa unang bahagi ng 2018, sunud-sunod ang naging pagbisita namin sa Mindanao. Hunyo ng taong iyon nang sa unang pagkakataon ay idaos sa rehiyon ang BOSS Ironman Challenge endurance run, sa hiling na rin ng mga lokal na opisyal para isulong ang turismo sa kani-kanilang lugar.

        Continue reading below ↓

        Isa pa, halos lahat ng motorcycle brands ay mayroon nang dealership networks sa mauunlad na lugar sa Mindanao tulad ng Cagayan de Oro City, Davao City, at General Santos City. Senyales ito na ang Mindanao ay nagiging sentro na ng malalaking motorcycle events bago pa pumutok ang pandemya.

         

        (Agosto 16, 2018 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Normining

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱