Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ang kuwento sa likod ng motorcycle lay-by ng MMDA

        Naaksiyunan sa loob ng tatlong buwan
        by Matthew Galang Jul 22, 2021
        PHOTO: Bong Nebrija

        Dalawang linggo na ang nakalipas nang buksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kauna-unahang motorcycle emergency lay-by sa ilalim ng EDSA-Quezon Avenue flyover para may ligtas na masisilungan ang riders habang malakas ang buhos ng ulan.

        Pero alam ba ninyo ang kuwento sa likod ng paglalaan ng motorcycle lay-by para sa mga nagmomotorsiklo?

        Abril 26 ngayong taon nang bigyang babala ni Bong Nebrija, traffic chief ng MMDA, ang riders na noon ay madalas makikitang nakahinto sa ilalim ng mga terminal ng Metro Rail Transit (MRT) o footbridges sa EDSA habang nagsusuot ng kapote, o kaya naman ay doon muna tumatambay habang nagpapatila ng ulan.

        “Sa mga riders who are doing this please be responsible and do not obstruct the road for your own convenience,” sabi noon ni Nebrija sa isang Facebook post.

        Take secondary roads or gasoline stations to put on your raincoats or if you really wanna weather it out please do not do it sa EDSA mismo, nakakahiya naman po sa ibang road users na maabala.”

        Continue reading below ↓

        Hindi na bago ang mga ganitong tanawin kung saan naghahanap ng pansamantalang masisilungan ang riders habang malakas ang buhos ng ulan, pero delikado pa rin talaga ang ganito. Ang pagtitipun-tipon ng riders at kanilang mga motorsiklo sa gilid ng malaking kalsada para magsuot ng kapote o magpatila ng ulan ay nagdudulot ng panganib sa iba pang mga motorista at sa mismong riders.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Gaya ng sinabi ni Nebrija, mas mainam na tumigil sa ligtas at gilid na bahagi ng isang secondary road o kaya ay sa gasolinahan para hindi makaabala sa ibang mga motorista.

        Pero ngayong mayroon nang motorcycle emergency lay-by sa EDSA-Quezon Avenue flyover—na tiniyak ng MMDA na madadagdagan pa sa mga susunod na araw—sigurado na ligtas na ngayong makakapagpatila ng ulan o makakapagpahinga ang riders tuwing ganito na maya’t maya ang pag-uulan at bagyo, at kung minamalas ay may bonus pang baha.

        (Abril 26, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Bong Nebrija

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱