Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Tips para garantisadong mag-enjoy ang riders sa moto camp

        Iwas-trauma rin sa mga first-timers
        by Aris Ilagan Aug 20, 2021
        PHOTO: Marc Soong

        Nasubukan niyo na ba ang moto camping? Bagamat totoong bago, kakaiba, at sobrang exciting ng konsepto, hindi ito kasing simple ng inaakala ng iba. Para hind maunsiyami ang inyong bakasyon, kailangang pagplanuhan munang mabuti ang outdoor adventure na ito.


        Ngayong taon, binuksan ng car enthusiast-turned-personal coach at off-road motorcycle rider na si Marc Soong ang sarili niyang moto camp na matatagpuan sa property ng kanyang pamilya sa Tanay, Rizal.


        Target ni Soong na pabulaanan ang iniisip ng iba na hindi enjoyable ang kumbinasyon ng off-roading at camping sa kagubatan, lalo na para sa mga first-timers. Narito ang simpleng tips ni Soong sa mga nagpaplanong na sumabak sa moto camping.

        1) Bumisita sa gym.

        Parehong sobrang nakakapagod ang camping at off-roading. Malaki ang maitutulong ng pagwo-workout upang maikondisyon ang katawan bago pa mag-empake para sa mahabang biyahe papunta sa campsite. Hindi magandang eksena iyong hingal-kabayo ka habang nasa kalagitnaan ng trail.

        Continue reading below ↓

        2) Kaunti lang ang dalhing gamit.

        May tendency ang bagitong travelers na bitbitin ang halos buong bahay nila kapag nagka-camping. Iwan mo muna ang iyong comfort zone at pawang essential items lang ang dalhin. Sa pamamagitan nito, hindi ka na mai-stress pa kung anu-ano ang dapat mong iempake. Mas magaan ang iyong bag, mas madali ang pagkilos-kilos para sayo.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        3) Gumamit ng tamang gulong.

        Maliban na lang kung handa kang ma-stuck sa putikan o malambot na lupa, importanteng maganda ang kalidad ng all-terrain tires na gamit mo. Kung tama ang gamit mong gulong, posibleng makaabot ka sa pinakapusod ng kagubatan, kung saan napakaganda ng matatanaw mong biyaya ng kalikasan.

        4) Magsama ng travel buddy.

        Huwag bumiyahe nang nag-iisa. Kung hindi mo na mahintay pa ang guide na magdadala sayo sa campsite, mas okay kung mayroon kang travel buddy na makakasama mo sakaling magkandaligaw kayo. Kahit paano, mayroon kang kasama kung mangyari man na hindi gumana ang signal ng iyong mobile phone.

        Continue reading below ↓

        5) Makipagkilala sa locals.

        Alam naming ginusto mong mag-camping upang makalayo sa matataong lugar. Okay lang yan. Pero ang makakilala ng mga residente sa iyong daraanang lugar at matutuhan ang kanilang kultura ay isang magandang karanasan. Maaari rin itong magbigay sayo ng dagdag na sense of security, pag mayroon kang kakilala sa isang lugar na hindi ka pamilyar.

        6) Magbasa-basa tungkol sa off-roading techniques.

        Makakatulong din kung magri-research muna kung paano makaka-survive sa forest trail bago ka pa man dumiretso sa base camp. Dagdag-kumpiyansa rin sa first-timers kung alam ang basics ng first aid. Ibang-iba ang environment sa moto camp, kaya mahalagang preparado ang iyong isip at katawan.

        7) Alamin ang lagay ng panahon.

        Halos lahat ng kailangan mong malaman ay nasa iyong smartphone, kabilang na ang daily weather updates. Mas mabuting paminsan-minsan ay alisin mo ang pagdududa sa accuracy ng weather forecasts upang masigurong mae-enjoy mo ang iyong bakasyon sa pagkakataong ito.

        Continue reading below ↓

        (Marso 7, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Marc Soong

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱