Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Motorcycle safety 101: Anong helmet type ang pinaka-type mo?

        Mas gusto mo bang maging pogi o ligtas?
        by Aris Cuevas Sep 28, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Ikaw man ay weekend rider o araw-araw na bumibiyahe patungong trabaho, dapat lagi kang metikuloso sa gamit mong motorcycle helmet pagdating sa kaligtasan at pagiging kumportable nito.

        Ang helmet ay kasing importante ng iyong motorsiklo dahil pinoprotektahan nito ang iyong ulo laban sa matinding pinsala kapag naaksidente. Pero mayroong partikular na helmets na akma sa ilang estilo ng motorbike at riding habits.

        Narito ang general categories ng helmets na iyong pagpipilian:

        1) Full-face helmet

        Continue reading below ↓

        Itinuturing itong general helmet dahil sa pagiging all-purpose nito, bukod pa sa binabagayan ang karamihan ng motorsiklo. Nagbibigay ito ng pinakamatindi at kumpletong proteksiyon mula sa ibabang bahagi ng ulo sa likod hanggang sa baba.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Maaaring buksan o isara ang wind visor, depende sa nais ng rider o sa kondisyon ng kalsada o ng panahon. Sakto ito sa mahihilig humarurot at nagbibigay din ng kumpletong proteksiyon sa touring riders. Gayunman, maaaring hindi ito maging kumportable sa city rides dahil sa limitado nitong ventilation.

        2) Open-face helmet

        Continue reading below ↓

        Tinatawag ding 3/4 helmet, ang open-face helmets ang pinakaakma sa biyahe sa lungsod o daily commuting dahil mayroon itong mas maayos na ventilation para sa mukha ng rider.

        Gayunman, hindi tulad ng full-face helmet, hindi ito naggagarantiya ng proteksiyon sa baba sakaling may banggaan. Kakaunti rin ang proteksiyong naibibigay ng open-face helmet laban sa mga aksidente, at bagamat mayroong helmet brands at models na may wind visors, nalalantad pa rin ang rider sa alikabok, polusyon, sikat ng araw, at iba pang road elements. Sa kabilang banda, cool na cool ang pormahan nito kapag ginamit sakay ng standard bikes, cruisers, scooters, at cafe racers.

        3) Modular helmet 

        Continue reading below ↓

        Ang proteksiyong ito sa ulo ay kumbinasyon ng unang dalawang kategoryang nabanggit. Hatid nito ay proteksiyon ng full-face helmet, pero may option din para magamit ito bilang half-face helmet kapag iniangat ang chin protection. Tinatawag ding ‘flip-up’ type helmet, mas versatile ito dahil sa tibay nito kahit pa humahataw sa highway ang rider, samantalang the best din pagdating sa touring. Akma rin ito sa city riding at cruising.

        4) Half helmet

        Continue reading below ↓

        Sa riders’ circle, ang tawag dito ay tabo o bao. Nakilala ito bilang ‘brain bucket’ dahil pinakakakaunti ang proteksiyong naibibigay ng helmet na ito. Dahil maliit na bahagi lang ng iyong ulo ang kaya nitong protektahan, hindi inirerekomenda ang half helmet para gamitin sa seryosohang pagmomotorsiklo.

        5) Motocross helmet

        Continue reading below ↓

        Sadyang idinisenyo para sa matinding off-road riding, madaling maiispatan ang kaibahan ng motocross helmet sa iba dahil sa nakaalsa nitong chin protection, peak (sun shade), at malaking bukas sa mukha para sa opsiyong magsuot ng goggles ang rider bilang proteksiyon sa mata. Pinakamainam itong gamitin sa trail riding, motocross competitions, at maging sa street riding kung ang araw-araw na ginagamit ay dirt o motard bike.

        6) Dual sports helmet

        Continue reading below ↓

        Ito ay upgraded motocross helmet na may kakabit na wind visor. Ginawa para sa general road use, ang ilang brand at klase ay mayroong opsiyon para sa paggamit ng goggles para sa seryosong off-road riding.

        Popular ito sa motard, adventure at standard bike riders dahil sa partikular nitong estilo at gamit. Tulad ng motocross helmets, hindi ipinapayo ang patakbong hataw kapag ito ang helmet.

        7) Dual sports modular helmet

        Continue reading below ↓

        Ito ang bagong entries sa kategorya ng motorcycle helmet (Touratech Adventuro Mod, Schuberth E1, at iba pa). Kumbinasyon ito ng dual sports helmet na mas may flexibility, functionality, at kumportable, depende sa nais ng rider. Pupuwede rin itong modular (full face o half face nang walang peak), motocross (mayroong wind visor) at dual sport helmets.

        Sa ilang higpit lang ng turnilyo at pag-aayos, maaaring i-customize ng rider ang helmet depende kung anong motorbike ang gagamitin sa araw na iyon. Sa huli, ang mga helmet na de-kalidad ay totoong mamahalin at maaaring sumimot sa iyong ipon. Pero anuman ang iyong preference at gamit sa helmet, tiyaking tanging DTI-BPS certified helmet lang ang bibilhin para sa pansariling kaligtasan.

        Handa na ba kayong ibaon sa limot ang bicycle helmets na inyong ginagamit sa pagmo-motor?

        (Nobyembre 15, 2016 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱