Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Dahilan para mag-enroll sa P200 motorcycle servicing course ng TESDA

        Hanap mo ba ay patok na sideline?
        by Agnes Uzochika Aja Jun 30, 2021
        PHOTO: Shutterstock

        Sa hirap ng buhay ngayon, walang masama sa pagkakaroon ng sideline o karagdagang trabaho. Mas maganda kung ang additional income ay may kinalaman sa ating hilig sa pagmomotorsiklo.


        Pero hindi pupuwedeng mag-alok tayo ng motorcycle troubleshooting at repair sa ating mga kaibigan dahil lang nasubukan nating mag-change oil nang ilang beses.

        Kailangan natin ng kredibilidad para kagatin ng mga katropa ang ating serbisyo kaya importante ang kumuha ng formal training na may kaukulang sertipikasyon. Dito na papasok ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) short course in motorcycle and small engine servicing.

        Itinuturo sa TESDA motorcycle servicing course ang maraming skills para magkumpuni ng motorsiklo. Ito ang pitong dahilan kaya dapat kayong mag-enroll:

        1) Kumpletos rekados ang kurso.

        Bilang isang ‘short course,’ saklaw ng Motorcycle/Small Engine Servicing NC II program ang maraming training skills tulad ng suspension servicing, shop maintenance, proper coolant, at lubricant application, mensuration at calculation, final drive servicing, engine overhauling, correct tool usage, at marami pang iba.

        Continue reading below ↓

        2) Kayang tapusin ng 278 oras.

        Kailangang makumpleto ng mga trainee ang kurso nang hindi bababa sa 278 araw, o katumbas ng 35 eight-hour learning days, para mabigyan ng sertipikasyon. At dahil interesting ang mga subject, malaki ang posibilidad na hindi n’yo mapapansin ang takbo ng oras kahit pa mahigit sa isang buwan ang training, magiging isang certified motorcycle mechanic naman kayo mula sa pagiging bagitong DIY repairman na kinakapa lang ang trabaho.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        3) Ang kurso ay binuo ng mga eksperto sa industriya.

        At dahil teknikal ang motorcycle servicing, dapat lang na ang mga nagdisenyo ng kurso ay mga eksperto mula sa industriya. Ang iba’t ibang kurso ng TESDA ay binalangkas ng mga propesyunal mula sa Toyota Motor Philippines, Honda Philippines, Suzuki Philippines, at Kawasaki Motors Philippines.

        4) Abot-kaya ang training fee.

        Base sa tuition fee breakdown page ng TESDA, ang babayaran ng estudyante ay P100 para sa materyales, at karagdagang P100 para sa assessor’s fee. Magrereklamo ka pa ba sa P200 tuition fee katumbas ng de-kalidad na training na makukuha mo?

        Continue reading below ↓

        5) Ito’y paghahanda rin sa ibang aspeto ng motorcycle servicing.

        Bukod sa technical aspects ng vocational training, sasailalim din sa pagsasanay ang mga estudyante sa team building, shop management, proper chemical disposal, proper meeting protocols, at iba pa. Ang mga magtatapos sa kurso ay mas magiging handa para sa iba pang aspeto ng vocational training.

        6) Iba’t ibang klase ng motorsiklo ang kikilatisin.

        Base sa curriculum, lahat ng uri ng motorcycle engine—mula 50cc hanggang 1,500cc—ay tatalakayin ng mga estudyante. Maging ang iba’t ibang cylinder arrangement ay pag-aaralan din kasama ang two-stroke at four-stroke engine layout.

        7) Nagkalat ang TESDA-accredited training centers sa bansa.

        Bagamat nakagawian na ng maraming estudyante na sumailalim sa online training dahil sa pandemya, mayroong aspeto ng kurso na kailangan pa rin ng face-to-face instruction. Sa puntong ito, kailangan nang magtungo ang mga trainee sa isang TESDA-accredited training facility upang personal na mahawakan ang mga bahagi ng makina, magamit ang mga tools, at makausap ang mga instructors.

        Continue reading below ↓

        Hindi naman ito magiging problema para mga estudyante sa malalayong lugar dahil mayroong mga accredited training facility sa Aklan, Camarines Sur, Cebu, Davao, Eastern Samar, Laguna, at iba pang lugar. Para sa mga residente ng Metro Manila, nandiyan ang TESDA main complex sa Taguig City.

        Ano pa ang hinihintay n’yo? Enroll na sa TESDA!

        (Mayo 24, 2021 nang unang na-upload ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Shutterstock

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱