Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        May proteksiyon ba ang delivery, motorcycle taxi riders sa kanilang trabaho?

        “Dapat bigyang linaw ang employee-employer relationship”
        by Aris Ilagan Jun 7, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        ‘Partner rider’ o kaya’y ‘team member.’ Ito ang karaniwang titulo na ibinibigay ng mga motorcycle taxi o delivery company sa mga rider na nagtatrabaho sa kumpanya. Medyo kakaiba, ’di ba?

        At kung si Atty. Arnold de Vera, isang eksperto sa labor law, ang tatanungin, ang mga titulong ito sa mga motorcycle taxi at delivery rider ay patunay na hindi sila itunuturing na empleyado sa kumpanya kung saan siya konektado kaya wala siyang sapat na proteksiyon sakaling magkaaberya sa kanilang trabaho.

        Sa kanyang lecture sa Facebook page ng Kapatiran sa Dalawang Gulong (Kagulong) noong June 5, 2021, aminado si de Vera na hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakakita ng kontrata sa pagitan ng kumpanya at rider kung saan malinaw na nakasaad ang saklaw ng trabaho ng huli tulad ng matatanggap na benepisyo, leave schedule, sick leave, 13th month pay, araw ng pahinga, at iba pang karapatan bilang manggagawa.

        [https://www.facebook.com/kagulong2020/videos/926050154844916/]

        Continue reading below ↓

        Nababahala rin ang labor law expert sa kahihinatnan ng mga rider sakaling sila ay maaksidente habang ginagampanan ang kanilang tungkulin o kaya’y magkasakit bunsod ng pagkakabilad sa araw o matapos maulanan.

        “The mere fact they (service providers) are controlling these riders, they should be employed,” giit ng abogado. “Sila ay misclassified.”

        Sa kanyang pagtatanong sa mga delivery rider, sinabi ni de Vera na karamihan sa kanila ay hindi nakakita ng kontrata o nabasa ang nilalaman nito mula sa kanilang kumpanya upang matukoy ang kanilang karapatan sa ilalim ng umiiral na civil o labor law.

        Sa naturang online lecture, nagpaabot din ng mensahe si Sen. Risa Hontiveros: “Ang pagturing sa ating mga rider ay bilang independent contrators. There’s no employer-employee relationship.”

        Kung ganito ang sitwasyon ng mga delivery rider, ano naman ang abiso sa kanila ni Atty. de Vera? Magkaisa upang makipagnegosasyon sa mga may-ari ng delivery company.

        Napapanahon na rin upang gumawa ng hakbang ang mga delivery at motorcycle taxi rider upang makabalangkas ng batas na magbibigay-linaw sa kanilang relasyon sa kumpanya kung saan sila nagtatrabaho.

        Continue reading below ↓

        Sa tingin n’yo, may kahihitnan kaya kung ipaglalaban ng mga delivery rider ang kanilang karapatan bilang manggagawa?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱