Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Paalala sa mga buyer ng motorsiklo na ibinebenta nang ‘pasalo’

        Legal ba ito?
        by Aris Ilagan Jan 6, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Kung kayo ay naghahanap ng motorsiklo, marahil ay narinig niyo na rin ang salitang ‘pasalo’ mula sa hanay ng mga nagbebenta ng two-wheelers. Ito ay mga used motorcycle na nabili ng owner sa financing o hulugan. Subalit hindi nagtagal, nagpasiya rin siyang ibenta ang unit. Ang masaklap dito, hindi pa niya nakukumpleto ang monthly payment ng motorsiklo.

        Legal ba ang pagbebenta ng mga motorsiklo na tinaguriang pasalo? Makabubuti ba ito sa buyer o seller? Ano ang pananaw ng mga motorcycle dealership hinggil sa usaping ito?

        Nagsaliksik ang Top Bikes PH tungkol sa eskema ng pasalo upang magkaroon ng kasagutan ang mga katanungang ating nabanggit sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga stakeholder, kabilang ang ilang motorcycle dealership. At ito ang aming mga nakuha na impormasyon na magbibigay liwanag sa isyu ng mga binebentang motor na idinaan sa pasalo.

        1) Wala nang pakialam sa downpayment.

        Kadalasan ay wala nang balak ang seller na mabawi ang downpayment na kanyang ibinayad sa pagbili ng motorsiklo. At dahil sa kagustuhang maibenta agad ang motorsiklo, tanging ang monthly amortization ang ipinapasa sa buyer.

        Continue reading below ↓

        2) Hindi agad na maisasalin ang rehistro ng motorsiklo sa new owner.

        Isa sa mga requirement ng dealership na kumpletuhin muna ang monthly payments bago ito maisasalin ang rehistro sa nakabili ng motorsiklo. Ito ang karaniwang dahilan kung bakit madalas ibinebenta ang mga pasalo na motorsiklo sa malapit na kaibigan o kamag-anak dahil magiging internal na lang ang kanilang kasunduan.

        3) Wala din habol sa insurance policy.

        Ang mga motorsiklong nabili sa pamamagitan ng financing package ay may katapat na mandatory comprehensive insurance coverage. Subalit kung ito ay may bagong may-ari na, malaki ang posibilidad na magkaroon ng komplikasyon sa insurance claim kapag nasangkot ang motorsiklo sa sakuna.

        4) Hindi ilegal ang pasalo.

        Malayang makapagbebenta ang isang may-ari ng motorsiklo ng kanyang sasakyan subalit ito dapat ay suportado ng deed of sale at mayroong permiso ng dealership. Ang maaring maging issue lang ay kung may mga missed payments at hindi na mahanap pareho ang original at bagong may-ari. 

        Continue reading below ↓

        5) Hindi lahat ng pumapatol sa pasalo ay butas ang bulsa.

        Hindi lahat na nagbebenta ng mga pasalong motorsiklo ay gipit na sa pera. Ayon sa mga nakausap nating motorcycle dealer, ang ibang seller ay gusto lang bumili ng mas maganda at magarang motorsiklo. Mag-upgrade lang, ika nga.

        6) Walang epekto sa warranty agreement.

        Bagamat may bago nang may-ari ang motorsiklo, malaki rin ang posibilidad na itutuloy ng dealership ang warranty agreement. Tiyakin lamang na walang ikinabit na accessories o spare parts na labag sa warranty agreement bago bilhin ang motorsiklo.

        7) Sapul sa ‘doble plaka’ law.

        Ito na marahil ang pinakamapait na katotohanan na dapat harapin ng mga balak bumili ng pasalong motorsiklo. Nakasaad sa  Republic Act 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act na dapat na ipaalam sa Land Transportation Office ang transfer of ownership ng isang motorsiklo sa loob ng limang araw matapos nangyari ang transaksiyon. Nasa P20,000 hanggang P50,000 ang multa sa mga lalabag.

        Continue reading below ↓

        Ano na, parekoy? Tuloy pa ba ang pagbili mo ng pasalong motorsiklo?

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱