Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Bagay na dagdag-pahirap sa motorcycle delivery riders

        Respeto sa kapwa
        by Aris Ilagan Feb 25, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Marami sa atin ang naging suki na ng motorcycle delivery services. Package man o food delivery ang kailangan mong ipa-deliver, malaki ang naitutulong ng sektor na ito na patuloy ang paglaki dahil sa epekto ng pandemya sa ating buhay. 

        Tuloy ang trabaho sa delivery service umaraw man o umulan. Kahit bugbog ang kanilang katawan sa biyahe at matinding traffic, ang delivery riders ay dumarating sa ating mga bagay na nakangiti habang inaabot ang ating orders. Kasama sa kanilang training ang pagiging magalang sa kanilang mga kliyente. Saludo kami d’yan!

        Pero ikaw, bilang customer, naiintidihan mo ba ang hirap at sakripisyo ng delivery riders? Nakapanayam namin ang ilang motorcycle delivery riders ng Foodpanda habang sila‘y nagpapahinga sa isang convenient store. At sa aming pag-uusap, ibinahagi ng mga rider ang pitong bagay na karaniwan nilang binubuno sa kanilang trabaho:

        1) Hindi mahanap na delivery address

        Kahit pa gamit nila ang Waze o Google Maps, hirap silang matunton ang kinaroroonan ng kanilang customer dahil walang numero ang bahay. Ang masaklap pa dito, hindi kilala ng mga kapitbahay ang customer dahil bagong lipat lang siya sa lugar.

        Continue reading below ↓

        2) Beware of dogs

        Dapat ring magbigay ng konsiderasyon ang mga customer na may alagang aso, lalo na’t kung ito ay mabangis at may posibilidad na mangagat ng mga bisita. Ilan nang delivery riders ang nauwi sa ospital matapos makagat ng askal o asong-kalye.

        3) “Naliligo lang”

        Bagama’t naabisuhan na sa pamamagitan ng text message o email ang customer na parating na ang delivery service, minarapat pa nitong maligo muna. Wala pong masama sa pagligo. Pero kung ito ay tatagal ng isang oras, kawawa naman ang rider na naghihintay sa labas ng bahay habang nakabilad sa init ng araw o nakababad sa ulan.

        4) Sirang doorbell

        Tunay ngang nakakaawa ang delivery riders kapag nag-aabang sa paglabas ng customer sa bahay. Imbis na bumibiyahe na ito para sa susunod na delivery, naipit sila sa kahihintay sa customer dahil ang doorbell sa gate ng kanilang bahay ay hindi pala gumagana.

        5) Naka-off na cellphone

        Continue reading below ↓

        Palpak na nga ang doorbell, naka-off pa ang cellphone ng customer. Hindi ba doble-dagok yan para sa riders na nasasayang ang oras?

        6) Walang tanggalan ng headphones earphones

        Mas nauubos lalo ang oras ng delivery riders kapag ang customer ay hindi man lang nadarama ang kanilang pagdating. Karaniwang nangyayari ito sa mga gamer na nakatutok sa laro habang gamit pa ang headsets.

        7) Walang tao sa bahay

        Bagama’t nakatanggap na ng advisory ang customer kung kailan darating ang package, umalis pa rin siya sa bahay dahil may importanteng appointment. Sana naman ay magbilin muna sa kapitbahay na tanggapin pansamantala ang package upang hindi magpabalik-balik ang delivery rider.

        May punto ang kasabihang “the customer is always right,” ngunit dapat ring tayong maging responsable sa pakikitungo sa delivery riders dahil ang pangunahing pakay ng mga ito ay magtrabaho nang maayos upang may maitustos sa pangangailangan ng kanilang mga pamilya. Respeto lang sa kapwa.

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱