Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Itong e-bike para sa inyong pinakamamahal na pets ay nagkakahalaga ng P34,000

        Bibili ba kayo nito?
        by Drei Laurel 6 days ago
        PHOTO: Yidi e-Bikes

        Malaking hassle ang pagbibiyahe ng alagang hayop kung walang sariling sasakyan. Bagamat technically ay pinapayagan sila sa ilang pampublikong transportasyon—hindi mo naman siguro gugustuhing magbitbit ng aso habang palipat-lipat ng sasakyan sa pagko-commute, di ba?

        Pupuwede ring mag-book ng GrabPet, pero lubhang mas mataas ang singil nito kumpara sa regular na ride-hailing. Kung plano namang gumamit ng bisikleta o motorsiklo, kailangan pa ng tamang carrier para sa alaga.

        Continue reading below ↓

        Gayunman, sakaling ibibiyahe ang fur baby sa maiikling distansiya—papunta sa groomer o vet—mayroong praktikal na alternatibo sa mga nabanggit natin. Ito ay ang Yidi e-bike, na mayroong compartment na kasya ang maliliit na pusa o aso.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Sa katunayan, ipinakilala ito sa merkado bilang isang pet-friendly transportation alternative. Tingnan:

        Continue reading below ↓

        Ang Yidi e-bike ay mayroong maximum payload capacity na 140kg, kumpleto sa front at rear shock absorbers, front disc brakes, at isang 400W motor na pinagagana ng lithium battery. May bigat itong 28kg kapag walang battery, gumagamit ng 11-inch alloy wheels, at kayang humarurot sa pinakamabilis na 40kph—hindi na masama kung sa malilit na kalsada lang tatahak.

        Magkano naman ito? Ang Yidi e-bike ay mabibili ng P34,000. At importanteng tandaan na bawal ang e-bikes sa malalaki o pangunahing kalsada, at maaaring hindi magustuhan ng makulit na pusa o aso na nakakulong siya habang sakay sa isang two-wheeler.

        Sa totoo lang, kotse talaga ang ideal sa pagbibiyahe ng ating fur babies. Pero kahit pa sabihing malaking bahagi na ng pinakamurang motorsiklo ang presyo ng e-bike na ito, sulit na rin naman. Dahil sa kakapusan ng alternatibo sa pampublikong transportasyon, convincing ang e-bikes na tulad nito, lalo na dahil hindi natin masasabi kung bigla na lang kailangang isugod sa vet ang ating fur babies.

        Continue reading below ↓

        Handa ba kayong ibiyahe ang inyong pinakamamahal na alaga sa ganitong sasakyan? Isulat na sa ibaba ang inyong komento.

         

        (Agosto 20, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Yidi e-Bikes

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱