Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ang NMax 155 ay gawa na sa bagong Yamaha assembly line sa Batangas

        Kayang mag-produce ng 300,000 units kada taon
        by Aris Ilagan Jul 23, 2021
        PHOTO: Matthew Galang

        Trivia: Alam n’yo bang sa Lima Technology Center (LTC), assembly plant ng Yamaha Motor Philippines (YMPH) sa Malvar, Batangas, binubuo ang pinakamabentang NMax 155?

        Pebrero ngayong taon nang binuksan ang planta, kung saan pinangunahan ng dating kongresista na si Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director-General Charito Plaza at ni YMPH president Hiroshi Koike ang ceremonial roll-out ng kauna-unahang NMax mula sa bagong assembly line.

        Agosto 2020 sana dapat bubuksan ang bagong pasilidad, pero naipagpaliban ito dahil sa COVID-19 pandemic. Sa kabuuan, nakalikha ang planta ng 250 trabaho, karamihan ay para sa mga taga-Batangas at Laguna. Kaya nitong mag-produce ng hanggang 300,000 units bawat taon at nagsisilbi itong suporta sa operasyon ng unang assembly plant na itinayo sa isang 23-ektaryang lote sa LTC noong 2008.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Sa unang planta naman binubuo ang Mio series, YTX 125, at XTZ 125.

        Ang bagong planta ay may automated guided vehicle at poka-yoke system. Ang automated guided vehicle ay isang portable robot na lumilibot sa pasilidad para sa iba’t ibang gawain, habang ang poka-yoke system naman ang tumutulong sa mga operators para kaagad na matukoy ang mga pagkakamali o depekto sa assembly operations.

        Ang iba pang model ng 155cc engines ay bubuuin din sa bagong pasilidad. Noong 2020, nakabenta ang Yamaha ng 92,452 units ng NMax, mas marami sa naibenta noong 2019 (90,048 units) sa kabila ng matinding naapektuhan ng pandemya ang ating ekonomiya.

        Sa kasalukuyan, ang Yamaha ay mayroong mga manufacturing facilities sa Vietnam, Thailand, Malaysia, at Indonesia. Ang mga big bikes naman na ibinebenta sa Pilipinas ay nanggagaling pa rin sa Japan.

        (Pebrero 23, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Matthew Galang

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱