Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        President Duterte, balak makipagsabayan sa long rides ng PSG

        Once a rider, always a rider
        by Aris Ilagan Jun 10, 2021
        PHOTO: Paul del Rosario

        Simula nang maupo si Brig. Gen. Jesus Durante III bilang hepe ng Presidential Security Group (PSG) mahigit isang taon na ang nakararaan, kapansin-pansin ang pagdami ng motorcycle activities ng elite military unit na ito.

        Nitong mga nakaraang buwan, pinangasiwaan ni Durante ang motorcycle training program para sa mga tauhan ng PSG sa tulong ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG). “Nakita ko na may pangangailangan. I just tried to enhance that so as to improve the riding skills of the presidential motorcycle escorts, and increase the pool of personnel capable of being detailed to our motorcycle unit,” ayon kay Durante.

        motorcycle training program para sa mga tauhan ng PSG sa tulong ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG)

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Hindi nagtatapos ang pagtataas ng angtas ng riding skills sa training program. Kailangan ng PSG riders na sumabak sa mahahabang biyahe upang maranasan ang iba’t ibang road conditions at tuloy-tuloy na tumaas ang kanilang kumpiyansa sa pagmo-motor.

        Dahil dito, balak ni Durante na ipursige ang motorcycle training program para sa lahat ng tauhan ng PSG-commissioned officers at enlisted men. Naniwala siya na susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang program bilang isang riding enthusiast.

        President Rodrigo Duterteriding the Can-Am Ryker

        Continue reading below ↓

        “Kami at si Presidente nagkakaintidihan tungkol sa pagmomotorsiklo,” dagdag niya. Hindi na rin sikreto na tuwing napupunta ang usapan sa pagmomotorsiklo, tila nababawasan ang stress at pagod ng punong ehekutibo.

        Kilala rin ang Pangulo sa kanyang riding safety advocacy na kanyang karaniwang ibinabahagi tuwing siya ay dumadalo sa malalaking pagtitipon ng motorcycle clubs. At kadalasan, sermon ang inaabot ng mga rider mula sa Pangulo dahil sa lumalaking bilang ng aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo.

        motorcycle club

        Continue reading below ↓

        Sa puntong ito, tinanong namin si Durante kung ano ang karaniwang reaksiyon ng Commander-in-Chief sa tuwing nababalitaan niya na may isinagawang long ride ang PSG. “Ang parating tanong niya: Bakit hindi n’yo ako isinama?” pahayag ng opisyal.

        Marahil, totoo nga ang katagang na ‘Once a rider, always a rider.’ Ngunit dala ng kanyang edad, nililimitahan ang pagmomotorsiklo ni Pangulong Duterte ng kanyang mga adviser.Nitong mga nakaraang buwan ilang beses namasyal ang Pangulo sa Malacanang grounds gamit ang Honda Rebel o Suzuki Burgman.

        At dahil minsan na rin siyang nawalan ng balanse gamit ang two-wheels, sinubukan na rin niya ang  Can-Am Ryker, isang reverse trike na patok ngayon sa Visayas at Mindanao. Ang tanong: Matutuloy pa kaya ang balak ni Pangulong Duterte na makapag-long ride?

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Paul del Rosario

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱