Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Paano nga ba maiiwasan ang ‘helmet hair’?

        Tamang preparasyon bago suotin ang iyong headgear
        Jul 17, 2021
        PHOTO: Shutterstock

        Marahil sa karamihan, ang pagkakaroon ng helmet hair o yung magulong buhok pagkaalis ng suot na helmet ay hindi malaking problema. Pero sa iba, lalo na yung ang destinasyon sa pagmomotorsiklo ay sa opisina o isang importanteng lakad, ang helmet hair ay hassle at nakaiirita. Siyempre, sino ba namang gustong hindi magmukhang presentable sa harap ng mga tao, di ba?

        Kung ito ay iyong problema, wag kang mag-alala dahil madaling iwasan ang helmet hair sa pamamagitan ng mga tamang preparasyon bago suotin ang iyong headgear:

        helmet hair

        Continue reading below ↓

        Patuyuing maigi ang buhok bago suotin ang helmet

        Wag isuot ang iyong helmet agad-agad pagkatapos maligo. Kung maaari, patuyuin muna ang iyong buhok para hindi ka magkaroon ng helmet indentations. Speaking of basang buhok, iwasan ding suotin ang helmet kung ikaw ay pawisan pa. Mas mahirap ayusin ang buhok na basa mula sa shower o pawis kung ito’y tinakpan kaagad ng helmet at di natuyo nang maigi.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Suotin ang helmet nang maayos

        Pag nakasuot na ang helmet, wag na itong galaw-galawin o i-reposition. Kadalasan, ang helmet hair ay bunga ng pag-ayos ng helmet habang ito’y nakasuot na. Iwasan ito. Kung mali ang pagkakasuot, tanggalin na lamang ito sa iyong ulo at isuot muli imbes na i-reposition.

         

        Wag gumamit ng kahit anong styling product bago mag-helmet

        Kung maaari, iwasan din ang paggamit ng pomade, gel, leave-in conditioner, dry shampoo, o kahit anong hair product bago isuot ang iyong helmet. Masasayang lang ang oras sa pag-aayos at ang product na gagamitin sapagkat magugulo lang ang iyong buhok pagkasuot ng helmet. Mabuti pang baunin na lamang ang iyong preferred product at saka mag-ayos pagdating sa destinasyon.

        Continue reading below ↓

        helmet hair

        Magdala ng suklay at maliit na towel

        Pagdating sa iyong pupuntahan, maaring basain ang buhok sa lababo sa banyo at patuyuin gamit ang baong towel. Pagkatapos, doon ito suklayin at ayusin sa nais mong hairstyle gamit ang hair product na dala.

        Gumamit ng balaclava o headscarf

        Pwede ring gumamit ng balaclava o headscarf bago isuot ang iyong helmet. Ito’y makatutulong iwasan ang friction ng helmet sa ulo. Kung mahaba ang iyong buhok, mainam ang paggamit ng headscarf sapagkat pwede mong balutin ang buhok gamit ito upang maiwasang maging frizzy dahil sa hangin habang ika’y bumabiyahe. Siguraduhin lang na maayos ang fit ng helmet at di matatanggal sa ulo kahit na ika’y may suot na balaclava o headscarf. Safety first pa rin.

        Continue reading below ↓

        Pumili ng helmet-resistant hairstyles

        Pag walang gumana sa mga nabanggit, pumili ng hairstyle na less maintenance tulad ng buzzcut o skinhead. Kung ayaw mo namang pagupitan ang iyong mahabang buhok, pwede rin gawin ang man bun.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Shutterstock

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱