Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Pagmomotorsiklo ng PBA players, may basbas ba ni Ramon Ang?

        “Mga anak natin hindi nga mapigilan, sila pa!”
        by Aris Ilagan May 24, 2021
        PHOTO: PBA Moto Club

        Batid na natin ang deep passion ni San Miguel Corporation (SMC) big boss Ramon Ang sa motorsiklo. Alam din natin na bukod sa magagarang sports car, mayroon ding motorcycle collection si Ang at karamihan sa mga ito ay vintage bikes na mahirap hanapin sa merkado.

        Pag-aari din ni Ang ang BMW Motorrad Philippines. Kasabay ng pag-arangkada ng BMW riding community sa bansa ay ang biglang pagdami ng nahihilig sa motorsiklo mula sa hanay ng mga manlalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

        Continue reading below ↓

        Kadalasan nyong maiispatan ang inyong paboritong PBA stars na nagmo-motor papuntang Tagaytay, Subic, o Clark tuwing weekend habang sakay ng BMW bikes. Sa katunayan, ilang ulit na rin na-feature sa Top Bikes Philippines ang PBA Moto Club kung saan masasaksihan natin habang sila’y nag-e-enjoy ang Pinoy cagers sakay ng big bikes. Ilan sa kanila ay nahihilig na rin sa motovlogging.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pero alam n’yo ba na may pinipirmahang kontrata ang mga PBA player na nagbabawal sa kanila na sumabak sa mga delikadong gawain, kabilang na ang pagmomotorsiklo? Sa isinagawang interview ng mga editor ng Summit Media Group, tinanong namin si RSA kung ano ang kanyang pananaw hinggil sa isyung ito at ito ang kanyang naging tugon:

        “I think nag-umpisa silang mag-motor noong pandemic, sometime in March or April last year. Sinimulan yan ng mga PBA players na retired na,” kuwento ni Ang. “Mamayang konti, nabalitaan ko na mas marami na sa kanila ang nagmo-motor,” dagdag niya.

        Continue reading below ↓

        At dahil napansin na niya ang biglang pagdami ng PBA players na nagmo-motor, tinawagan niya sila upang paalalahanan na maghinay-hinay sa paghataw. Pinayuhan din ni Ang ang mga player na bumiyahe na isang grupo na may itinalagang ‘group leader’ na siyang magko-control sa bilis ng kanilang takbo.

        Mahigpit ang tagubilin ni Ang sa pagsunod sa batas trapiko. Hindi rin uubra sa big boss ng SMC ang pagyayabang sa pagmo-motor tulad ng wheelie at endo exhibition na wala sa lugar. “Agad kong sasabihan sila na huwag gumawa ng ganun,” giit ni Ang.

        Continue reading below ↓

        Sang-ayon si Ang sa kasabihang “Nakabaon na sa hukay ang isang paa ng rider sa tuwing siya ay sumasampa sa motorsiklo” kaya ibayong pag-iingat ay mahalaga. Aniya, nagkalat rin ang mga driver ng sasakyan na walang disiplina. “Mga anak nga natin hindi natin mapigilan sa pagmo-motor, sila pa,” paliwanag ni Ang.

        At kung hindi magpapaawat ang mga PBA player sa pagmo-motor, ito ang payo ni RSA sa kanila: “Kalmado lang palagi sa kalsada.”

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: PBA Moto Club

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱