Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Gala ba ang hanap mo? Maging certified Philippine Looper

        Mas maraming small bikers ang sumasabak
        by Aris Ilagan Jun 25, 2021
        PHOTO: Jemelie Torres

        Maraming tao ang atat nang tuluyang makalabas ng bahay sa ngayon. Mismong ang Department of Tourism (DOT) ay ineendorso ang paggamit ng motorsiklo bilang kakaiba at pabor sa social distancing na paraan ng pagbibiyahe sa loob ng bansa sa pamamagitan ng kampanya nitong moto turismo.

        Dahil sa kasalukuyang sitwasyon, dumami ang aplikante para sa Philippine Loop Adventure Tour ngayong 2021. Paliwanag ni Francis Rivera, event founder, dapat na makumpleto ng bawat participant ang 5,000km tour sa iba’t ibang panig ng bansa sa loob ng 25 araw anumang panahon sa loob ng isang taon. Kumbaga, maaaring ‘installment’ ang biyahe upang hindi maapektuhan ang inyong trabaho.

        “We decided to relax the requirement a bit because we noticed there were only a few participants before when they had to finish the tour in about a week,” sabi ni Rivera, na chairman din ng Adventure Team Philippines (ATPI). “May mga trabaho rin sila kaya hindi puwedeng mawala sa opisina nang matagal,” aniya.

        Continue reading below ↓

        Nangangahulugan itong maaaring kumpletuhin ng mga riders ang kanilang tour nang paunti-unti kung itatapat nila ang biyahe sa holiday breaks at long weekends. Tinapos ng grupo ni Rivera ang loop sa loob ng walong araw nang ilunsad ang tour noong 2013.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pero hindi lang ang pagkumpleto sa tour ang kailangan nilang gawin. Bilang pruweba ng kanilang pagbisita, ang mga participant ay dapat na mag-selfie kasama ang kanilang logbook at motorsiklo sa harap ng mga landmark na itinalaga rin bilang checkpoint.

        Ang mga resibo sa pagpapagasolina, ro-ro, at pagkain sa restaurant ay maaari ring magsilbing patunay na narating nga nila ang lugar na iyon. Required din ang mga riders na mag-post ng kanilang mga litrato sa social media.

        Bilang bonus, hinihikayat ang mga participant na gumawa at mag-submit ng isang three-minute video bilang bahagi ng kumpetisyon.

        Ang mga mananalo ay iaanunsiyo sa taunang banquet at awards night na karaniwang idinadaos sa Baguio City sa huling bahagi ng taon. Dito ipamamahagi sa mga finishers ang pinag-aagawang ‘Conqueror’ shirts at achievement plaques. Tampok sa plake ang official seal ng DOT bilang endorser ng event.

        Continue reading below ↓

        Ang tour na ito ay hindi lang para sa mga Pilipinong biyahero o motorcycle riders. Puwedeng sumali ang mga dayuhan at marami-rami na ring car owner ang nakibahagi sa tour sa nakalipas na mga taon.

        Tinanong namin si Rivera kung magkano ang kailangang ihanda ng participants ng Philippine Loop: Ayon sa kanya, aabutin ng P25,000 hanggang P45,000 ang kabuuang magagastos sa gasolina, ro-ro, pagkain, at tutuluyang hotel.

        Sa loob ng maraming taon, naging pamilya na kung magturingan ang mga Philippine Loop finisher, ang iba sa kanila ay nag-aalok pa ng libreng matutuluyan sa mga unang beses na nakabisita sa kanilang lugar. Sila ang mga finisher na laging handang umalalay sa mga bagito tungkol sa pinakamagagandang rutang madadaanan sa kanilang biyahe.

        Kapansin-pansin namang daig ng dami ng mga sumasaling sakay ng small bikes ang big bikers sa event na ito. Ang ratio ay nasa seven to three.

        “Mas matipid sa fuel, mas mura ang ro-ro fee, tapos madaling makahanap ng piyesa ‘pag nagkaaberya sa daan,” paliwanag ni Rivera. So, sasali ka ba sa Philippine Loop Adventure Tour 2021?

        Continue reading below ↓

        (Disyembre 26, 2020, nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Jemelie Torres

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱