Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Career move: Type mo bang maging LTO-accredited riding instructor?

        Good luck sa exam
        by Aris Ilagan Jun 28, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Ang requirement ng Land Transportation Office (LTO) sa mga student drivers na sumailalim sa 15-hour theoretical driving course at walong oras na practical driving course mula sa mga LTO-accredited training centers ay nagbunsod ng malaking demand sa riding instructors. Resulta ito ng limitadong bilang ng driving/riding schools sa bansa na kinikilala ng LTO.

        Bagamat matagal na siyang nagsasanay ng mga riders mula sa basic hanggang sa competition levels sa MX Messiah Fairgrounds sa Taytay, Rizal, nag-apply ang dating motocross champion na si Sam Tamayo ng certification mula sa licensing agency kasabay ng pagbubukas ng Alcoan Driving School sa parehong lugar noong Setyembre 4, 2020.

        Naaalala pa niya ang sangkatutak na aplikante sa testing center sa LTO Lipa City. Para raw kay Tamayo, ang dalawang oras na exam ay para bang pangdalawang taon ang pakiramdam. Aniya, mas mahirap pa raw iyon kaysa finals niya sa college at kahit pa sa post-graduate school.

        Continue reading below ↓

        Kung barya lang ang P200 exam fee para sa mga bumagsak at kinailangang mag-retake, reputasyon daw ni Tamayo bilang isang expert rider ang nakataya rito. Suwerte namang naipasa niya ang exam.

        Kaya gusto niyang ibahagi ang 10 tips kung paano maipapasa ang LTO exam para sa mga gustong maging driving/riding instructor. Basahing maigi.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        1) Alam mo dapat kung ano ang gusto mo.

        “Hangad kong ibahagi sa mga riders ang kahalagahan ng ligtas na pagmamaneho sa pamamagitan ng pagpapabuti sa kanilang overall riding skills sa tulong ng off-road riding. Sa goal kong ito, kailangang maging kumbinsido ako sa paningin ng LTO, siyempre pa, sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang instructorship requirements.

        2) Maging humble.

        Bilang isang dating racing champ, nahirapan akong tanggapin ang ideya na kailangan ko pang magpa-accredit sa LTO dahil sa aking ‘accomplished racer ego.’ Sa prangkahan lang, ikinumpara ko ang sari ko sa ibang LTO-accredited riding instructors at naniwala akong mas kuwalipikado ako kumpara sa kanila dahil sa aking astig na background.

        Continue reading below ↓

        Pero ang totoo, ang pagiging accredited LTO riding instructor ay hindi lamang tungkol sa husay sa pagmamaniobra ng motorsiklo kundi sa pangkalahatang kakayahan sa pagra-ride at pagmamaneho.

        3) Literal kang balik-eskuwela.

        Bilang college graduate na may master’s degree pa, nag-alangan ako sa umpisa sa pag-e-enroll sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para lang magkaroon ng valid na National Certificate in Driving and Automotive Servicing.

        Sa loob ng mahabang panahon, minaliit ko ang mga tech-voc programs ng gobyerno. Kalaunan, na-realize kong mali ako dahil napakarami kong natutuhan sa TESDA na malaking tulong para maipasa ko ang exams.

        4) Magbasa, magkabisa.

        Bago ako kumuha ng LTO instructor’s exam sa regional office sa Lipa, Batangas, binasa at kinabisado ko ang maraming importanteng impormasyon tungkol sa mga batas-trapiko. At nagbunga naman ito!

        5) Walang silbi ang pagiging professional racer.

        Para mag-qualify, dapat na profesional license holder ka ng limang taon, at inaasahang kabisado mo ang iyong license number. Ang unang ipinagawa sa amin ng proctor bago ang exam ay ang alisin ang anumang nasa ibabaw ng aming mesa.

        Continue reading below ↓

        Kapag nahuli kang sumisilip sa phone mo, kahit pa para sa emergency call o text, awtomatikong babawiin ang iyong test paper at… uuwi kang luhaan.

        6) Pantay-pantay ang trato sa lahat.

        Walang kuwenta ang mga trophy na hinakot mo sa pangangarera at ang matataas na grades mo sa eskuwela. Kahit sino ay maipapasa ang exam. Pero kailangan mo pa ring magsumite ng certified true copy ng iyong school diploma.

        7) Dapat kumpletuhin ang requirements.

        Aaminin kong nakakapagod ang pag-aayos ng requirements pero motivated ako ng pagkahumaling ko sa motorsiklo at sa mga riders. Kabilang sa iba pang requirements ang orihinal na certificate ng neuropsychiatric test result, resulta ng drug test, NBI/police clearance, endorsement mula sa isang accredited driving school, at maraming iba pa.

        8) Bawal sumuko.

        Kahit pa bumagsak ka sa LTO exam, huwag na huwag kang susuko. Puwede kang mag-retake nito nang ilang beses, parang apat yata. Pero tandaan mong ibang-iba ang questionnaires sa nauna mong exams. May nakilala akong driving instructor na pangatlong beses nang sumubok, pero bigo pa rin siyang pumasa.

        Continue reading below ↓

        9) Malaking bagay ang malinis na record sa pagmamaneho.

        Malalaman nila kung sumusunod ka talaga sa batas-trapiko kahit noon pa dahil oobligahin kang magsumite ng certificate of no apprehension mula sa LTO. Hindi mo sila maloloko.

        10) Maniwala kang kaya mo.

        Aminin na natin na malabangungot ang pagmomotorsiklo at pagmamaneho sa Pilipinas kumpara sa ibang lugar sa mundo. Pagpasok mo sa exam room, mangako kang sisimulan mo sa sarili mo ang kinakailangang disiplina sa kalsada at pagiging alerto para sa kaligtasan ng lahat. Ngayong isa na akong LTO-accredited instructor, magiging catalyst ako sa pagiging isang guru—iyong ginagawa ang sinasabi—sa lahat ng aking student riders.”

        Sa tingin mo, kaya mo rin?

        (Setyembre 2, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱