Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Planong mag-invest sa PMVIC? Alamin dito ang requirements

        Interesado ka ba?
        by Aris Ilagan Jun 28, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Pebrero ngayong taon nang sinimulan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga gustong magbukas ng sariling private motor vehicle inspection center (PMVIC) upang ma-accommodate ang napakaraming rehistradong sasakyan sa bansa.

        Bagamat ibinaba ng mga may-ari ng PMVIC ang vehicle testing fee sa P600 mula sa dating P1,800 para sa lightweight vehicles, target pa rin ng gobyerno na gawing mandatory ang pagsalang ng mga sasakyan sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS) dahil kumpleto ang proseso nito at para matiyak ang kanilang ‘roadworthiness.’

        Posible ring magbago ang timpla ng gobyerno matapos umangal ang mga opisyal ng Vehicle Inspection Center Owners Association dahil nalulugi umano ang kanilang kumpanya bunsod ng pagtatapyas sa vehicle testing fee.

        Ayon sa industry insiders, mahigit 450 indibiduwal at grupo ang nag-apply para sa unang batch ng 138 PMVICs. Sa mga inaprubahang lokasyon, 120 pa lamang ang tinanggap ng DOTr matapos na maisumite ng mga ito ang kumpletong requirements sa itinakdang panahon. Sa bilang na ito, 24 pa lang ang pinayagang mag-operate.

        Continue reading below ↓

        Kinalaunan, inanunsiyo ng DOTr na target nitong magkaroon ng 400 PMVIC upang maserbisyuhan ang milyung-milyong sasakyan sa bansa.

        Ang mga mamumuhunan sa PMVIC ay kailangang maghanda ng P50 milyon hanggang P65 milyon sa bawat pasilidad, na ang malaking bahagi ay gagastusin sa testing equipment na imported pa galing Europe.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kung sa palagay ninyo ay malalim ang paghuhugutan n’yo ng pondo at naniniwalang malaki ang kikitain n’yo rito, narito ang  pangunahing requirements sa PMVIC:

        1) Kailangan ng magandang lokasyon.

        Ang mga aplikante ay dapat na lumiham sa DOTr tungkol sa intensiyon nilang magtayo ng PMVIC. Importanteng malinaw nilang tukuyin ang puntirya nilang lokasyon, na dapat na may lawak na 1,500 square meters pataas. Ang mga lugar na target ng gobyerno sa mga pasilidad na ito, halimbawa, ay dapat na mayroon sa iba’t ibang rehiyon.

        2) Pruweba ng kakayahang pinansiyal.

        Ang negosyong ito ay mangangailangan ng napakalaking kapital kaya gustong makasiguro ng gobyerno na may sapat na pondo ang investor. Ayon sa aming insider, nangangailangan din daw ang DOTr ng P10-million bond kapag nabigyan na ng provisional authority ang konstruksiyon ng pasilidad.

        Continue reading below ↓

        Ihanda na rin ang layout ng PMVIC. Siguraduhing nakadetalye ang mahahalagang parte ng pasilidad—ang mga testing bay, drivers’ lounge, comfort rooms, at iba pa.

        3) May wastong testing equipment.

        Iilan lang na testing equipment providers ang pumasa sa panuntunan ng LTO. Dapat na handa ang aplikante sa listahan ng mga equipment mula sa mga accredited suppliers kapag nagpunta sila sa DOTr.

        Disyembre 2019 nang unang himukin ang mga may-ari ng PMVIC na simulan ang pagpapatayo ng kani-kanilang pasilidad, na dapat na makumpleto sa loob ng 120 araw. Pero dahil sa COVID-19 pandemic, nagkandaudlot-udlot ang konstruksiyon at ang importation at pagkakabit ng mga testing equipment.

        Sa ngayon, online ang pagpoproseso ng mga aplikasyon. Napag-alaman din naming sobrang istrikto ang DOTr sa mga requirements nito—isang mali lang at goodbye na.

        Handa ka na bang mamuhunan nang limpak-limpak para sa sarili mong PMVIC?

        (Pebrero 10, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱