Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Rider na nasawi ang kabanggaan, may habol pa ba?

        Ito ang payo ng isang legal expert
        by Aris Ilagan May 26, 2021
        PHOTO: Shutterstock

        Dahil sa trabaho namin bilang motorcycle journalist, ilang beses na kaming nakasagap ng balita ng aksidente sa motorsiklo dahil sa samu’t saring dahilan.

        May mga insidenteng nakaligtas ang isang rider habang nasawi naman ang kasalpukan niya. Tunay na nakalulungkot subalit hindi tayo narito upang humusga kung sino ang may kasalanan sa ganitong aksidente. Ang Top Bikes Philippines ay narito upang bigyang gabay ang mga rider sa kanilang karapatan, lalo na kung nasasangkot sila sa vehicular accident.

        At dahil sa posibilidad na nakuhanan ng CCTV camera at may mga taong nakasaksi sa insidente at maaaring ituro ang namatay na rider na siyang may kapabayaan sa insidente, may habol pa ba ang biktima sa kabila ng katotohanan na nalagutan na ng hininga ang bumangga sa kanya? Hindi ba tama lang na may papanagutin dahil sa walang disiplina sa pagmomotor o kaya’y bumibiyahe habang lango sa alak?

        Sa isyung ito, tinanong natin ang resident legal opinion writer ng Top Gear Philippines na si Atty. Robby Consunji, at ito ang kanyang opinyon:

        Continue reading below ↓

        Una sa lahat, ayon kay Consunji, wala nang criminal liability ang namatay na rider kahit pa napatunayang siya ang guilty sa naganap na insidente.

        “Subalit hindi ito agad nangangahulugan na lusot na rin siya sa civil liability,” ani Consunji. “Maaari pa ring habulin ng biktima ang mga ari-arian ng rider na namatay na.”

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Ang mga ari-arian na nakapangalan sa rider, na posibleng angkinin ng kapatid, anak, o magulang sa kanyang pagpanaw, ay maaaring habulin ng kanyang sinalpok sa pamamagitan ng paghahain ng civil case sa korte. Kabilang dito ang mga lupain, kotse, bahay, o kahit ang nawasak na motorsiklo na nakapangalan sa namatay na rider.

        Makukuha lang ng biktima ang ari-arian ng pasaway na rider kung magiging pabor sa una ang magiging desisyon ng huwes. Ito ay ibabase sa kanyang mga inihaing ebidensiya tulad ng CCTV footage, salaysay ng mga nakasaksi, at resulta ng forensic findings na isinagawa ng mga imbestigador.

        Continue reading below ↓

        Paalala ni Atty. Consunji sa maghahain ng civil case: maghanda ng sapat na pera at panahon dahil sa mahabang proseso ng paglilitis. Magbaon din ng balde-baldeng pasensiya.

        Kaya laging mag-ingat sa pagmomotorsiklo para malayo sa disgrasya.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Shutterstock

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱