Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Bagay na hinahanap-hanap ng riders sa isang restaurant

        Para siguradong babalik sila
        by Aris Ilagan Sep 13, 2021
        PHOTO: Echo Antonio

        Dahil sa tuluy-tuloy na pagpapalawak sa tollway system ng bansa, nauso na ang breakfast rides plus bonus na magagandang tanawin, na pinakaaabangan ng riders tuwing weekends.

         

        Kabilang sa mga pinakahihintay namin kapag sumasabak sa two-wheeled journeys na ito ay ang masasarap na pagkaing wala sa Metro Manila—at huwag kayong maniniwala sa ipinagyayabang ng mga kainang nasasabitan ng ‘original’ na karatula. Walang tatalo sa sarap ng lomi ng Batangas o ng longganisa ng Pampanga.

        Bukod sa nagsasarapang lokal na putahe, may iba pang dahilan kung bakit pabalik-balik ang riders sa biker-friendly restaurants. Dahil sa malapit sa isa’t isa ang motorcycling community, kaagad na kumakalat sa clubs kung aling sangay ang nagsisilbi ng pinakamasarap na lutong bahay at nagbibigay ng pambihirang serbisyo.

         

        Alam ng mga may-ari ng restaurants na umaalagwa ang sales growth ng mga motorsiklo sa bansa, at siyempre pa, gusto nilang makinabang roon. Simple lang naman ang formula: Mas maraming riders ang dumarayo, mas malaki ang benta.

        Continue reading below ↓

         

        Para maisulong ang moto tourism sa mga lalawigan, idinulog namin sa Department of Tourism (DOT) ang ideya ng pagbibigay ng pagkilala sa biker-friendly restaurants. Dahil sila mismo ay rider din, nagustuhan ng mga opisyal nito ang konsepto.

         

        Pero paano nga ba masasabing biker-friendly ang isang restaurant? Narito ang mga nakita namin sa loob ng mga kainang ito:

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        1) Helmet rack

        Bukod sa smartphone o wallet, ang isa pang napakahalagang bitbit ng isang rider ay ang kanyang helmet. Walang rider na maglalapag ng kanyang helmet sa sahig o bintana habang siya ay kumakain. Kung ipapatong naman sa katabing mesa ang helmet, posibleng masamain ito ng ibang customers. Sa restaurants na welcome ang riders, nagkakabit sila ng matibay na helmet racks sa pader.

        2) Jacket hangers

        Ang riders na dumadayo sa mga lalawigan ay hindi umaalis ng bahay nang hindi bitbit ang kanilang padded jackets. Ang protective clothing na ito ay mayroong elbow at chest pads, at back protector kaya hindi ito madaling itupi.

        Continue reading below ↓

         

        Kung walang jacket hangers, karaniwan nang isinasabit ng riders ang kanilang jackets sa sandalan ng upuang katabi nila. Pero kahit pa bakante ang upuan, hindi rin magiging maganda ang datingan nito para sa ibang customers. Nakakita na kami ng restaurants na may stand-alone jacket hangers malapit sa entrance, at okay na okay kung doon namin isasabit ang pinakamamahal naming jackets.

         

        3) Motorcycle parking

        Lagi nang isyu ang parking sa pagitan ng mga nagmamaneho ng kotse at ng motorcycle riders. Para tiyaking walang away, ilang restaurant owners ang nagtalaga ng magkahiwalay na parking para sa mga kotse at motorsiklo. Mas okay kung sama-sama ang mga motorsiklo sa isang sulok kaysa ihalo ang mga ito sa four-wheelers.

         

        Isa pa, gusto ng riders na i-park ang kanilang bikes sa puwestong lagi nilang matatanaw upang masigurong walang nauupo para mag-selfie nang walang pahintulot. Bagamat nakakatuwa para sa riders kapag kinukuhanan ng litrato ng mga estranghero ang maporma nilang motorsiklo, nakakairita kapag basta na lang inuupuan iyon nang walang permiso.

        Continue reading below ↓

         

        Ang parking space na may malambot o hindi pantay na lupa ay no-no rin para sa riders dahil maaari itong maging dahilan upang mabuwal ang kanilang motorsiklo.

         

        4) First-aid kit

        Bukod sa mas delikado sa aksidente, ang riders ay lantad din sa elements, kaya naman mas lapitin sila ng sakit kumpara sa mga nagmamaneho ng kotse. Habang nagra-ride, mas madali silang dapuan ng sipon, magkaroon ng allergies sa balat, o makaranas ng pagsakit ng ulo at matinding pananakit ng kasu-kasuan.

         

        Malaking tulong kung ang first-aid kit ay mayroong basic medicine na inilaan para gamitin nila pagpasok sa establisimyento. Siguradong hindi makakalimutan ng rider na nakatanggap ng first aid ang mga empleyado ng restaurant sa pagtulong sa kanya.

         

        5) Emergency numbers

        Ang telephone numbers ng emergency units ay dapat na laging naka-post sa loob ng isang biker-friendly joint. Nasa listahan din dapat ang mga himpilan ng pulisya, ospital, towing services, at iba pa. Kapag nakasaksi ng aksidente sa kalsada ang riders, kaagad nila itong maire-report sa mga awtoridad para mabilis na marespondehan. Sabi nga: The life you save may be your own.

        Continue reading below ↓

         

        6) Welcome drinks

        Wala nang mas nakakataba ng pusong welcome kaysa tumanggap ng complimentary ice-cold juice drink o kahit pa simpleng inuming tubig pagdating ng rider. Nakakapagod ang pagra-ride at mabilis kaming mauhaw, lalo na kapag malayuan ang biyahe.

         

        7) Hot towel

        Maituturing nang bonus ang isang ito, pero sobrang extra pogi points ito para sa may-ari o empleyado ng restaurant. Magiginhawahan ang riders kapag inabutan sila ng malinis at mamasa-masang tuwalya para pamunas sa dumi at pawis sa kanilang mga mukha.

         

        (Oktubre 17, 2018 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Echo Antonio

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱