Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        T-CLOCS checklist sa iyong motor: Safety inspection muna bago sampa

        Gawing habit ang mga ito
        by Aris Ilagan Aug 11, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Ang ligtas na pagmomotorsiklo ay hindi lang nakadepende sa rider. May mahalagang papel din dito ang ginagamit na motorsiklo. Narinig na natin ang ilang aksidente na sinisisi sa pumalyang makina, nagkaproblemang brake system, steering problem, at kung anu-ano pa.

        Marami nang buhay ang nawala at maraming ari-arian na rin ang nasira dahil sa mga isyung ito na kadalasang dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman o hindi pagiging pamilyar.

        Sa isang episode ng Thursday Bike Talk (TBT), ang regular podcast ng KTM Philippines, ibinahagi ng hosts na sina Nani Juarez at Bimbo Isidro ang ilang simple ngunit epektibong tips sa motorcycle maintenance na magagamit ng riders sa araw-araw.

        Ang T-CLOCS inspection checklist ay ibinatay sa safety guidelines ng Motorcycle Safety Foundation sa Amerika. Alamin kung anu-ano ang kapaki-pakinabang ninyong matututuhan sa madaling tandaang acronym na ito.

        1) Tires and wheels

        Tulad ng ating mga binti at paa, mahalagang nasa maayos na kondisyon ang mga gulong ng ating motorsiklo dahil ito ang direktang kumokonekta sa kalsada. Dapat mapanatili ang tamang air pressure, at importanteng regular na inspeksiyunin kung may tumatagas na hangin o butas.

        Continue reading below ↓

        Huwag kalimutang silipin ang alloy wheels kung may mga bitak o yupi, dahil maaari itong maging dahilan upang mag-ese-ese ang takbo ng motorsiklo o magresulta sa pagsabog ng gulong. Para sa spoked wheels o yung gulong na may mga rayos, hawakan ang bawat rayos para malaman kung kailangan ng wheel alignment o balancing. Laging siguruhin na kumpleto ang rayos.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Huwag sasakay sa motorsiklo na pudpod na ang brake pads. Bukod sa pupuwede itong magdulot ng aksidente dahil dumudulas na ang preno, ang mga lumang pads ay makakasira sa brake rotor, na nauuwi sa mas malaking gastusin ng bike owner.

        2) Controls

        Ang mga bahaging ginagamit ng rider sa pagkontrol sa motorsiklo ay ang handlebar, brake at clutch levers, cables, throttle; at brake at clutch pedals. Kung wala ang mga ito, imposibleng magawang imaniobra ang bike sa tamang direksiyon sa mabilis at ligtas na paraan.

        Bukod sa pagtiyak na gumagana nang maayos ang mga ito, mahalagang ang brake at clutch pedals ay na-adjust nang tama sa riding style. Siguruhin din na ang mga turnilyong kinakapitan ng mga ito ay hindi maluwag, partikular na sa handlebar, side mirrors, at control switches. Ang throttle naman ay dapat na mabilis kumagat sakaling bumagal ng takbo o biglaang huminto ang rider.

        Continue reading below ↓

        3) Lights

        Huwag na huwag gagamitin ang bike kapag hindi gumagana ang headlight, tail lamp, o turning signals. Bukod sa nagiging less visible ang motorsiklo sa iba pang mga motorista, lalo na sa gabi, ang rider na nagmamaneho ng motorsiklong may sirang ilaw ay posibleng mauwi sa traffic violation. Di ba dagdag gastos yan? Para sa maliwanag na pagbibiyahe, laging linisin ang lens ng mga ilaw gamit ang malambot na cleaning material.

        Para naman masigurong sapat ang kuryente sa mga ilaw, tiyaking ang battery ay nasa optimum operating level. Awtomatikong namamatay ang makina ng mga mas bagong bike kapag ang power output ay bumaba sa 12V, kaya para makaiwas sa bad trip, regular na i-check ang baterya.

        4) Oils and other fluids

        Bago sumampa sa motorsiklo, siguruhin muna na ang brake fluid, clutch fluid, oil, at engine coolant ay nasa tamang dami. At bago inspeksiyunin ang mga ito, itayo ang bike para makuha ang mas accurate reading mula sa maliit na window ng plastic na lalagyan ng mga ito.

        Continue reading below ↓

        Tandaang dapat na panatilihin ang fluid levels sa pagitan ng lower at upper markings sa gilid. Posibleng mauwi sa pagtagas kung pupunuin ng fluid ang lalagyan nito. I-check din kung may mga bitak ang rubber hoses, dahil naluluma rin ang mga ito sa paglipas ng panahon. Silipin ang manual para sa rekomendadong pagitan ng pagpapalit ng brake at clutch fluid.

        5) Chassis or frame

        Ang main component na ito ay sentro ng rear suspension, likurang gulong, at final drive. Ang maluwag na turnilyo sa alinman sa mga parteng ito ay maaaring mauwi sa aksidente. Ang tuluy-tuloy na vibration ay maaaring makapagpaluwag sa mga turnilyo, kaya mahalagang regular na iniinspeksiyon ang mga ito.

        Ipinapayo ring i-check paminsan-minsan ang rebound ng fork at rear shock absorber. Ang pagkakaroon ng suspension na masyadong malambot o sobrang matigas ay delikado sa pagmamaneho, lalo na kung lumiliko. Tulad ng kape natin sa umaga, siguruhing tama ang timpla ng suspension sa riding style.

        Continue reading below ↓

        Regular ding i-lubricate ang chain o kadena para hindi ito kalawangin. Huwag hayaang masobrahan ito sa pagkaluma dahil posible itong mapatid habang nasa kalagitnaan ng mahabang ride.

        6) Side or center stand

        Ang motorcycle stand ay konektado ng mga turnilyong maaaring lumuwag dahil sa vibration at madalas na paggamit. Tiyaking lagi itong nalalangisan. Siguruhin din na sapat ang tension ng spring upang pumirme sa puwesto ang kickstand habang umaandar ang motorsiklo.

        Karamihan sa mas bagong motorbikes ay mayroon na ngayong kickstand sensor, kaya kung laspag na ang spring at hindi na pumipirme ang stand habang tumatakbo, pupuwedeng awtomatikong mamatay ang makina. Hindi magandang senaryo iyon habang nasa kalagitnaan ng kalsada.

        Sa totoo lang, inabot ng mahigit isang oras ang pagpapaliwanag nina Juarez at Isidro sa checklist na ito. Pero subukang i-apply ang motorcycle safety checks na ito at magugulat kayong aabutin lamang ng ilang minuto. Alang-alang sa ligtas at enjoy na pagra-ride, gawin niyo nang habit ang mga ito.

        Continue reading below ↓

        (Setyembre 30, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱