Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Pagmomotorsiklo sa ulanan? Narito ang ilang safety tips

        Dahan-dahan lang ang andar
        by Matthew Galang Oct 11, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Ang pagra-ride nang umuulan ay dapat iwasan kung maaari. Gayunman, hindi lahat ay pupuwedeng manatili sa loob ng bahay habang bumubuhos ang ulan. Kahit pa mayroon nang emergency lay-bys para sa motorcycle riders sa ilang pangunahing kalsada, marami ang kailangan pa ring magmotorsiklo kahit sa ulanan.

        Para sa karaniwang problemang ito, mayroong tried and tested tips ang expert instructors mula sa Honda Safety Driving Center (HSDC):

         

        1) I-estimate ang lalim ng baha.

        Hindi maiiwasan ang pagbabaha sa maraming lugar sa Metro Manila. Bagamat ang paglarga sa hanggang bukung-bukong na baha ay sisiw lang sa karamihan ng motorsiklo, delikado na kung mas malalim pa rito ang tubig. Isang magandang taktika ang obserbahan muna ang ibang motoristang nauna sayo bago magdesisyon kung ligtas ba talagang sumabak sa baha, batay sa kung gaano kalalim ang pagkakalubong ng gulong ng ibang sasakyan.

        Kung walang sasakyan o kahit pedestrian na pupuwede mong sukatan sa lalim ng tubig, alamin kung nasaan ang spark plug ng iyong motorsiklo at iwasang isabak ito sa taas ng tubig na aabot dito. Kung ang baha ay mas mataas kaysa gitnang bahagi ng iyong wheel hub, may tyansang maaabot ng tubig ang spark plug ng iyong bike.

        Continue reading below ↓

         

        2) Siguruhing walang obstruction.

        Ang obstacles na karaniwang nagdudulot ng problema o aksidente kapag hindi umuulan ay maaaring maging mas delikado sa madulas na kalsada, sabayan pa ng low-visibility conditions dahil sa ulan. Dahan-dahanin ang takbo upang makumpirma, visually, na walang anumang obstructions sa dadaanan, lalo na kung may baha at posibleng nasa ilalim ng tubig ang hazards.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        3) Dumiretso lang at bagalan ang takbo.

        Nababawasan ang traction ng gulong kapag basa ang kalsada. Kahit pa rain-ready rubber ang gamit mo, pinakamainam pa ring ligtas na mag-ride sa gitna ng kawalang katiyakan. Dahan-dahanin ang takbo at panatilihing diretso ang tinatahak habang pinapanatili ang contact patch ng gulong sa kalsada. Iwasang lumiko o gumilid dahil maaaring mabuwal ang bike.

         

        4) Umiwas sa gilid ng kalsada.

        Idinisenyo ang karamihan sa mga kalsada na mas mataas ang gitnang bahagi upang dumiretso ang ulan sa mga gutter at canal. Manatili sa gitna upang makaiwas sa mas mataas na tubig sa gilid ng kalsada, maging sa lahat ng road debris na naitaboy doon ng mga dumaraang sasakyan.

        Continue reading below ↓

         

        5) Ituluy-tuloy ang andar at iwasang huminto.

        Kung paniniwalaan si Dory sa Finding Nemo, pinakamainam na “just keep swimming (er, riding). Ang paghinto habang nababasa sa ulan ay hindi lamang masama sa iyong kalusugan, kundi delikado rin para sa motorsiklo na hindi idinisenyo para mababad sa baha at pagkabasa.

        Dahil sa low visibility, sa pagtigil sa gitna ng kalsada ay maituturing kang potential road hazard na posibleng hindi mapansin ng ilang motorista at maaksidente pa. Kung kailangan talagang huminto saglit, gawin ito sa isang ligtas at walang baha na lugar para sa sariling kaligtasan.

         

        6) Agad inspeksiyunin ang motorsiklo.

        Pagkatapos mapagtagumpayan ang ulan at baha, agad inspeksiyunin ang motorsiklo sa anumang water-damaged electronics at iba pang components. Bago humarurot muli sa parehong tulin, tiyaking na-check muna nang maayos ang preno.

        Ang pagkakababad sa tubig ng drum o disc brakes ay maaaring magresulta sa nabawasang kagat ng preno. Alisin ang tubig sa pamamagitan ng pagpisil sa parehong front at rear brakes habang bahagyang pinipiga ang throttle. Ulitin ang prosesong ito hanggang sa maiga ang pads at rotors at magbalik sa normal ang braking performance ng iyong motorsiklo.

        Continue reading below ↓

         

        (Hulyo 27, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱