Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Paggamit ng motorsiklong nakarehistro sa iba, OK lang ba?

        Registered owner, obligado bang umangkas?
        by Robby Consunji Aug 27, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Imagine this: Naisipan ng pinsan mo na bumili ng motorsiklo, pero nakapangalan sa iyo. Puwede niya kayang gamitin ang motorsiklo nang hindi ka kasama sa ride?


        Ang sagot: Oo, magagamit ng pinsan mo ang motorsiklo kahit hindi ka umangkas, kahit pa nakapangalan sayo ang sasakyan. Base sa plano ng pinsan mo, ikaw ang irerehistro niyang may-ari ng motorsiklo at katumbas nito ang pagkakaroon mo ng lahat ng responsibilidad at liabilities ng isang legal na may-ari.

         
        Walang batas na nagre-require na tanging ang rehistradong may-ari lang ang maaaring gumamit ng motorsiklo o dapat na kasama ng rider ang registered owner ng bike. Importante lang na tandaan na alinsunod sa Land Transportation and Traffic Code, responsibilidad ng may-ari ng motorsiklo na lisensiyadong rider ang gumamit sa kanyang bike.

        Authorized driver

        Ang restriction na tanging lisensiyadong driver ang maaaring gumamit ng sasakyan ay upang masiguro na sakaling mawala o masira ang sasakyan, protektado ng insurance company ang naka-insure na may-ari ng motorsiklo.

        Continue reading below ↓


        Karaniwan nang may nakapaloob na authorized driver clause sa motor vehicle insurance policy. Pinoprotektahan nito ang insured owner laban sa pagkawala o pagkapinsala ng sasakyan, pero limitado lang ang maaaring gumamit sa naka-insure na sasakyan sa:

        1. motoristang naka-insure; o,
        2. sinumang nagmaniobra sa sasakyan nang may pahintulot ng insured owner.
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Ang pangunahing dahilan ng probisyong ito sa insurance policy ay upang i-require na lisensiyadong driver lang ang gumamit ng sasakyan para wala itong maging diskuwalipikasyon sa pagmamaneho. Inaasahang ang driver ay may pahintulot ng may-ari ng sasakyan, iyon man ay kaibigan o kamag-anak, o empleyado sa car service o repair shop.

        Implied trust

        Kung binalak ng pinsan mo na bumili ng motorsiklo at irehistro iyon sa iyong pangalan, malinaw na malaki ang tiwala niya sa iyo. Pinapanatili ng iyong pinsan ang beneficial interest sa motorsiklo bilang tunay na may-ari nito kahit pa ikaw ang registered owner ng sasakyan.


        Sa proposed scheme na ito, hindi maaaring hilinging pambayad ng mga pinagkakautangan ng iyong pinsan ang motorsiklo. Kasabay nito, ang mga pinagkakautangan mo, bilang registered owner, ay maaaring kunin ang motorsiklo bilang pambayad sa iyong obligasyong pinansiyal.

        Continue reading below ↓

        Registered owner rule

        Sa Land Transportation and Traffic Code, ang owner ay tumutukoy sa aktuwal na legal na may-ari ng sasakyan, na nakarehistro naman sa Land Transportation Office (LTO).

        Pangunahing layunin ng motor vehicle registration na tukuyin ang may-ari ng sasakyan upang kung mayroong mangyaring aksidente, o makasira ang sasakyan ng public highway, ang responsibilidad ay itutuon sa isang partikular na indibiduwal, sa registered owner.


        Dahil dito, naiiwasan ang mga insidente kung saan bigong matukoy ang may-ari ng isang sasakyang nakadisgrasya ng pedestrian o ng ibang sasakyan kaya hindi napapanagutan ang nasugatang tao o nasirang sasakyan.


        Nagsisilbi rin itong proteksiyon ng mga biktima ng aksidente sa kalsada upang masigurong may makukuha silang compensation sa sinapit sa disgrasya na nagresulta sa pagkamatay, pagkasugat, at iba pang pinsala.


        Ang pagtukoy sa taong direktang responsable sa danyos ay makakatulong din upang maiwasan ang sitwasyon kung saan madali lang na malulusutan ng registered owner ang liability niya sa insidente sa pagbabato ng sisi sa ibang tao na walang kakayahang panagutan ang naidulot na pinsala.

        Continue reading below ↓


        Sa liability ng rehistradong may-ari ng sasakyan, nakasaad na “whoever by act or omission causes damage to another, there being fault or negligence, is obliged to pay for the damage done,” at iyon ay “not only for one’s own acts or omissions, but also for those of persons for whom one is responsible” (Articles 2176 at 2180 ng Civil Code).


        Ang setup na ito ay maaaring hindi kumbinyente para sa registered owner ng sasakyan, pero walang bigat ang inconvenience na ito kung ikukumpara sa mahalagang polisiya ng pagbibigay-proteksiyon sa mga inosenteng tao na maaaring mabiktima ng mga hindi maingat sa pagmamaneho at ng mga iresponsableng may-ari ng sasakyan.

        (Mayo 21, 2019 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱