Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Bagay na dapat paghandaan ng rider bago sumabak sa PH loop

        Riding tips mula sa vlogger na si Michael Bucu
        by Aris Ilagan Apr 28, 2021
        PHOTO: Michael Andrew de Guzman Bucu

        Dahil sa maraming magandang tanawin sa bansa, lumolobo na rin ang bilang ng mga rider na nangangarap na sumabak sa Philippine Loop. Isa sa kanila ay si Michael Andrew de Guzman Bucu, isang vlogger at motorcycle enthusiast.

        Sinimulan ni Bucu ang kanyang biyahe noong ika-5 ng Abril patungong Northern Luzon sakay ang kanyang Kymco Xciting 400i. Nag-iisa si Bucu nang tahakin ang mga scenic spot. Astig, ’di ba?

        At dahil ang pangunahing pakay niya mag-concentrate sa pagkuha ng video footage ng magagandang tanawin, hindi muna niya tinarget ang makakuha ng Certification of Accomplishment mula sa Philippine Loop Adventure Tour (PLAT) na pinangangasiwaan ng grupo ni Francis Rivera. Ang PLAT ay may sinusunod na ruta kung saan dapat tahakin ng rider ang may 5,000km mula Luzon hanggang Mindanao.

        Sa loob ng limang araw, nakumpleto na ni Bucu ang Northern Luzon loop kaya ang susunod sa kanyang bucket list ay ang Visayas at Mindanao. “I hope lumuwag na ang quarantine status. Balak ko kasi by second week of May, bibiyahe na ako sa Southern Luzon diretso na ako sa VisMin (Visayas at Mindanao),” pahayag ng vlogger.

        Continue reading below ↓

        Samantala, humingi tayo ng tips kay Bucu sa mga bagay na dapat paghandaan ng mga rider na balak sumabak sa Philippine Loop. Basahin nang mabuti ang mga sumusunod:

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        1) Gamot

        Gamot

        Kahit ang pakiramdam niyo ay maayos bago kayo umarangkada, tiyakin na may dala kayong gamot sa mga karaniwang sakit tulad ng lagnat, LBM, sipon, at pagkahilo. Ito ay dahil sa paiba-iba ang klima habang kayo ang naglalakbay.

        Continue reading below ↓

        2) Basic tools at engine oil

        Kahit pa bago ang iyong motorsiklo, mahalaga na magbitbit ng basic tools sakaling magka-aberya sa daan. Hindi dapat manigurado na walang mangyayaring aberya. Huwag kalimutan dalhin ang owner’s manual. Mainam din magdala ng isang litro ng engine oil.

        3) Tubig na inumin

        Tubig na inumin

        Continue reading below ↓

        Tunay na malakas makauhaw ang long rides. Hindi dapat ito tiisin ng mga rider dahil ito ay maaaring mauwi sa heat exhaustion o stroke. Kailangang palaging ready ang drinking water.

        4) Raincoat

        Aminado si Bucu na hindi siya mahilig gumamit ng raincoat dati tuwing bibiyahe ng naka-motorsiklo. Subalit nang makatikim siya ng sunud-sunod na pag-ulan pagdating sa lugar ng Cagayan at Ilocos, biglang nag-iba ang kanyang pananaw sa paggamit ng raincoat. Huwag maging kampante ngayong panahon ng tag-init para makaiwas sa karamdaman.

        5) Deodorant

        Marahil hindi lahat ay sasang-ayon dito. Subalit para kay Bucu, mahalaga na palaging mabango ang rider at hind amoy araw. Upang sa tuwing siya ay magtatanong ng tamang direksiyon, hindi magugulantang  ang mga residente sa malakas na putok na dulot ng matinding pawis sa katawan.

        6) Kubyertos

        Kung sa giyera ay armas ang pinakamahalaga sa sundalo, spoon and fork naman para sa mga rider. Oo nga masarap mag-kamay kapag kumakain, pero kailangan tayong mag-ingat lalo na at nandiyan pa rin ang banta ng pandemya. At kahit gumagamit ng kutsara’t tinidor, ugaliin pa rin maghugas ng kamay.

        Continue reading below ↓

        7) Health protocol requirements

        Health protocol requirements

        Alcohol o sanitizer, face mask at face shield: Ang mga ito ay dapat parating bitbit ng rider. Bukod dito, sumunod sa social distancing lalo sa sa mga restaurant at iba pang matataong lugar.

        8) Extra memory card, hard drive, battery pack, at charging device

        Mahalaga na gumagana ang cellphone 24/7 dahil malaga ang may communcation system sa biyahe. At para sa tulad ni Bucu na mahilig kumuha ng video, magdala ng karagdagang memory card, hard drive at battery pack. Mag-charge ng video equipment at iba pang electronic gadget tuwing matutulog sa gabi para lahat ng magagandang tanawin ay makunan.

        Continue reading below ↓

        9) Karagdagang damit

        Totoo nga ang tagubilin sa mga rider na ‘travel light’ kung may long ride dahil limitado ang lalagyan ng gamit sa mga scooter. Huwag naman kakaligtaan ang magdala ng extra T-shirt, underwear at medyas. Hindi uubra yun ‘side A’ at ‘side B’ na lang palagi.

        10) Health certificate

        Health certificate

        Continue reading below ↓

        Hindi natin masabi kung ano ang quarantine status ang sasalubong sa rider sa ilang lugar. Mahalaga na armando ang rider ng health certificate tuwing bibiyahe. Tiyakin din na hindi ito expired.

        Bukod sa mga materyal na bagay na ating nabanggit, payo ni Bucu na mag-ehersisyo bago umarangkada sa Philippine loop. Payo ni Bucu: Tiyakin na physically at mentally fit bago sumampa sa motorsiklo. Ride safe!

        Michael Andrew de Guzman Bucu

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: Michael Andrew de Guzman Bucu

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱