Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Dating motorcycle crash victim ngayo’y road safety advocate na

        Si Mang Danny ay tumatayong road safety ambassador ng MDPPA
        by Aris Ilagan Mar 30, 2021
        PHOTO: Danilo Cayabyab

        Totoo ba ang mga katagang “experience is the best teacher”? Kung ang buhay ni Danilo Cayabyab ang pag-uusapan, marahil ay sasang-ayon kayo sa kasabihang ito.

        Ilang taon na ang nakararaan nang magretiro si Mang Danny, ngayo’y 73-anyos na, bilang production supervisor ng isang malaking automotive company. Malawak ang karanasan niya sa automotive industry.

         

        Subalit bago pa man siya naging aktibo sa sektor na ito, nahiligan na ni Mang Danny na magmotorsiklo dahil bukod sa ito ang kanyang madalas na shuttle, nakapagpapa-relax din sa kanya, lalo na kung siya ay napapasabak sa mga group ride. Halos 44 taon na rin siya sa pagmomotorsiklo kaya malawak rin ang kanyang riding experience.

        Hanggang sa nangyari ang kinatatakutan ng lahat. Noong 1990, si Mang Danny ay naaksidente sakay ng kanyang motorsiklo na Suzuki 125 Pro Shogun sa Pakil, Laguna. Habang sila ay pauwi mula sa Quezon province, isang delivery van ang biglang sumulpot sa kanyang harapan at nahagip ang kanyang motorsiklo, dahilan upang siya’y sumemplang.

        Continue reading below ↓

        Pinalad si Mang Danny sa mga oras na iyon dahil suot niya ang kumpletong riding gear kaya minor lang ang tinamo nitong ng sugat. Agad naisip ni Mang Danny ang kahalagahan ng pagkakaroon ng formal riding training at paggamit ng riding gear bago sumampa sa motorsiklo.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Palibhasa nabiyayaan ng pangalawang buhay, kumbaga, ito na rin ang nag-udyok sa kanya na isulong ang road safety campaign sa pakikipagtulungan ng Motorcycle Development Program Participants Association na kanilang isinasagawa sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

        Panoorin natin ang mga tagubilin ni Mang Danny sa mga riding community:

        Continue reading below ↓

        See Also

        PHOTO: Danilo Cayabyab

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱