Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Ano ang mga sablay na driving tips na narinig mo?

        Kaya ka pala ganyan magmaneho
        by Sharleen Banzon Sep 18, 2021
        PHOTO: Top Gear Philippines

        Ano pa nga ba ang mas malala sa unsolicited driving advice? Kailangan nating sabihin na mali ang payong ito sa pagmamaneho, lalo na kung nanggaling sa mga tinatawag ang kanilang sarili na beteranong motorista, kasabay ng pagyayabang sa ilang taon na nilang karanasan sa pagmamaneho.

        Ang ilan sa mga wala sa hulog na driving tips na ito ay mas maituturing na hindi na napapanahon kaysa talagang mali, pero karamihan ay resulta ng bad habits na sa halip na ituwid ay kinasanayan na dahil matagal na panahon nang ginagawa. Ang iba naman… ay katumbas ng sinaunang kasabihan o kuwentong bayan.

        Hinimok namin ang readers na magbahagi ng pinakamalalalang motoring advice na ibinigay sa kanila. Siguruhing malinis ang mga kamay bago simulan ang pagbabasa ng mga napili naming komento, dahil mapapadalas ang facepalming n’yo sa inyong mababasa.

         

        “Kapag automatic ang minamaneho, gamitin ang magkabilang paa: Ang isa sa preno habang ang isa ay sa accelerator.” – Don Perez

        Continue reading below ↓

         

        “Ang ibig sabihin ng orange ay ‘bilisan mo, dali!’” – Paul Anthony Villanueva

         

        “I-neutral ang sasakyan kapag umaandar ka na, kahit pa ang sasakyan mo ay may automatic transmission.” – Voltaire Delos Reyes

         

        “Ipaglaban mo ang lane mo... wag mong padaanin ang iba.” – Jude Michael

         

        “Nag-signal light. Liliko yan, bilisan mo.” – Redge Dy

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        “Kapag nasa 100kph na ang takbo mo, puwede nang manatili sa kaliwang lane.” – Jun Perez (No, mali po—pupuwede kang mahuli ng enforcer, sa totoo lang.)

         

        “Uubra kang mag-park kahit saan, basta naka-hazard.” – Erwin Ric (Subukan mong gawin yan ngayon sa bike lane at siguradong matitiketan ka.)

         

        “Ang ‘R’ ay racing mode.” – Ferdie Del Valle

         

        “Ang automatics ay para sa mga non-car guys.” – Karl Ceballos

         

        “I-press ang clutch kapag pababa ang kalsada at ilagay sa ikalima ang kambyo hanggang sa first gear para sa engine braking.” – Jeffrey Lao

         

        “Pupuwede kang kumambyo mula sa fourth gear hanggang first gear nang hindi dumadaan sa second at third kapag hihinto.” – Migo Enriquez

        Continue reading below ↓

         

        “Kalugin ang sasakyan habang nagpapa-full tank upang hindi mapasukan ng hangin ang loob.” – Rodel Rallos

         

        “Gumamit ng hazard lights kapag umuulan.” – Ryan Abrogar

         

        “’Di na kailangan ng thermostat, nasa Pilipinas naman tayo.” – Bjorn Vibar

         

        “Kung dalawang gulong lang ang pinalitan sa kotse, ang dalawang bago ay dapat na nasa unahan.” – Pablo Reyes

         

        “Kapag naka-high beam ang kasalubong mo, mag-high beam ka rin.” – Aljohn Oyam

         

        “Paabutin ng hanggang 20 minuto ang pagpapainit sa makina.” – Jay-r Fernandez

         

        “‘Freon/refrigerant lang yan, lalamig na ulit.’ At lumaki na nga ang gastos.” – Amiel Royce Punzalan

         

        “Kapag pumunta ng empty yung gas, may 50km ka pa.” – Shams Ducusin

         

        “Ang A/T tires ay para lang sa automatic cars. Samantala, ang M/T tires ay para sa mga sasakyang may manual transmission...” – Martz Mayam-o Y Gordon

        May gusto pa ba kayong idagdag? Ikomento lang.

         

        (Agosto 19, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Top Gear Philippines

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱