Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        4 Safety habits para maiwasan ng riders ang hawahan sa parking areas

        Ang social distancing ay para sa tao, hindi sa motorsiklo
        by Aris Ilagan Aug 16, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Naligaw na ba kayo kailan lang sa ilang shopping malls at napansin kung mayroong naging pagbabago sa parking arrangements ng mga motorsiklo? Magugulat kayong malaman na halos walang karatula sa mga ito na magpapaalala sa mga motorista na maging health-conscious o sinumang nagpapatupad ng polisiyang physical distancing. Hindi tama ito.

        Habang ang mga security personnel ay naghihipit sa pag-check sa body temperature ng mga pumapasok sa malls, nagwiwisik ng sanitizers sa kamay ng mga ito, at nagpapaalala sa publiko na sundin ang health protocols na makakapigil sa paglobo ng mga bagong hawahan, hindi naman nabibigyang-atensiyon ang two-wheelers sa parking area.

        At kung ang riders ay hindi napapaalahanan sa mahahalagang health practices kapag naggagarahe ng motorsiklo, tiyak na mauuwi ito sa problema kalaunan. Lalo na’t pakaiisiping napakaliit na espasyo na lang ang natitira para sa motorcycles na naka-park sa loob ng mga mall.

        Tinanong namin ang aming in-house medical expert na si Dr. Raymond Figuerres kung ang polisiya ba ng social distancing ay dapat ding ipatupad sa motorcycle parking. “Walang social distancing for non-living things. Social distancing is for people,” ani Figuerres.

        Continue reading below ↓

        Pero hindi naman ito nangangahulugang pupuwede na lang ipagpatuloy ng riders ang nakasanayan na nilang pakikipagsiksikan sa parking lots. Ayaw nating mangyari ito.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Isa ring avid motorcycle rider, si Figuerres ay nagbahagi ng health protocols na dapat sundin sa motorcycle parking areas:

        1) Huwag magkumpulan.

        Iwasang makipaglapit sa iba pang riders kapag nagpa-park ng motorsiklo. Tandaang ang mga tao ang carriers ng virus, hindi ang mga walang-buhay na gamit tulad ng motorsiklo o kotse. Sunding maigi ang istriktong hand hygiene upang maiwasang makuha ang virus at malipat sa iyong mukha.

        2) Alamin ang touchpoints sa motorsiklo.

        Huwag ilalapag ang helmet sa ibabaw ng flat surfaces na posibleng kontaminado ng virus. Kung mayroong virus sa upuan, handlebar, o fuel tank, may tyansang malipat ito sa iyong helmet.

        3) Distansiya amigo.

        Kung may rider na nagpa-park malapit sa iyong motorsiklo, tiyaking may sapat na distansiya sa pagitan ninyo. Hindi sapat ang presensiya ng virus sa hawahan, at may malaking posibilidad na mahawa at makahawa ang rider.

        Continue reading below ↓

        4) Panatiliing malinis ang motorsiklo.

        Laging mas okay to be safe than sorry. Maglaan ng panahon sa pagsa-sanitize ng iyong motorsiklo bago sumampa rito. Linising maigi ang touchpoints (handlebar, tank, signal lights, seat, top box, at side mirror). Gawin itong regular routine.


        Umaasa tayong makakatulong ang tips na ito upang manatiling malusog ang lahat para mag-ride.

        (Hulyo 14, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱