Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        7 Safety tips sa pagkakarga ng delivery items sa motorsiklo

        Ugaliing magsagawa ng safety inspection bago umarangkada
        by Aris Ilagan Mar 28, 2021
        PHOTO: Kidlat

        Hindi maikakaila ang biglang paglakas ng sektor ng motorcycle delivery hindi lamang sa Metro Manila, ngunit maging sa ibang bahagi ng bansa ngayong panahon ng pandemya.

        At dahil patok ngayon ang ganitong negosyo, marami naman sa mga delivery service rider ang nakalilimot na sa safety routine na kadalasan ay nauuwi sa sakuna. Dahil sa kagustuhang kumita ng malaki sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng tinaguriang ‘multi-drop system,’ maraming delivery rider ang pilit na isinasakay ang malaking bulto ng kargamento sa kanilang motorsiklo kahit nahaharap sa peligro.

        “Lumalagare sila sa isang lugar kung saan isa-isa nilang idini-deliver ang items para sulit sa oras at biyahe kahit pa overloaded na,” paliwanag ni Jojo Medina ng Kidlat tungkol sa multi-drop scheme. Ayon kay Medina, mahigpit na ipinagbabawal sa Kidlat riders ang overloading.

        Samantala, dumarami ang mga na naglalakas-loob na magsakay ng sobra-sobrang  goodies sa kanyang kabayo, partikular sa mga delivery service na kolorum. Karamihan sa kanilang kargamento ay nakabalagbag lang sa likuran dahil sa pagmamadaling bumiyahe at tumabo ng pera.

        Continue reading below ↓

        Ang maling asal tulad nito ang naglalagay sa balag ng alanganin hindi lamang sa delivery rider, ngunit sa iba pang motorista na damay sa aksidente kapag nahulog ang mga kargamento matapos mawalan ng balanse ang sasakyan.

        Ang resulta: Imbes na may pambayad sa mga gastusin sa bahay, biglang natunaw ang perang pinaghirapan sa hospital expenses matapos sumemplang. Upang makaiwas sa ganitong sitwasyon, narito ang pitong bagay na dapat tandaan sa pagkakarga ng mga delivery item sa motorbike:

        1) The weight

        Dapat alamin ang load capacity ng motorsiklo. Kung halos nakadapa na ang motorsiklo dahil sa bigat ng kargada, huwag mag-alinlangan na magbawas ng delivery items. Bukod sa posibilidad na kumawala ang kargamento sa kinalalagyan nito sa motorsiklo, nandiyan din ang mga traffic enforcer na nag-aabang sa kanto ng mga overloaded vehicle.

        2) Durable tie-down equipment

        Tiyakin na ang gagamiting panali ng mga kargamento ay matibay at hindi basta bibigay sa kalagitnaan ng biyahe. Patok ngayon sa mga delivery rider ang paggamit ng masking o duct tape sa halip na nylon rope dahil mas madali itong ipanali. Siguraduhin lang na hindi ito madaling mapunit o maputol. Piliin ang dekalidad na masking tape.

        Continue reading below ↓

        3) Tighten bolts and nuts

        Dahil sa vibration mula sa makina at madalas na pagdaan sa lubak, hindi maiiwasang lumuwag ang mga turnilyo sa ilang component ng motorsiklo. Siguruhin na mahigpit ang mga turnilyo, partikular sa passenger grab handle, foot pegs, rear cargo rack, at ilang bahagi ng chassis kung saan malimit itinatali ang delivery items.

        4) Correct tire pressure

        Kung may mabigat na ikakarga sa motorsiklo, lagyan ng sapat na hangin ang gulong. Dapat mas mataas ang tire pressure kung may mabigat na kargamento upang hindi mabengkong ang rim o kaya’y sumabog ang gulong kapag napuruhan sa malalim na lubak.

        5) Neutral balance

        Bago paandarin ang motorsiklo, pakiramdaman muna kung balanse pa rin ito kapag naikarga na ang delivery items. Bahagyang ikiling ang motorsiklo sa kaliwa at kanan upang madetermina kung saang bahagi ng sasakyan mas ramdam ang bigat nito. Mahalagang malaman ng rider ang weight transfer dahil apektado nito ang handling ng motorsiklo kung mabilis na ang takbo, lalo na sa kurbada.

        Continue reading below ↓

        6) Visible taillight and signal lights

        Inspeksiyunin ang taillight at signal light matapos itali ang mga kargamento sa likuran ng motorsiklo. Siguruhing hindi natatakpan ang mga ito upang makita ng ibang motorista. Huwag balewalain ang visibility ng taillight at turning lights, lalo na kung bumibiyahe nang gabi.

        7) Be wary of loose ends

        Bago umiskiyerda, ikutin muna ang motorsiklo dahil baka may mga nakalaylay na tali o masking tape na maaaring makaapekto sa takbo ng sasakyan. May mga insidenteng kumalat sa kalye ang delivery rider matapos kainin ng kadena ang nakalaylay na tali habang nasa kasagsagan ng biyahe. Ugaliing magsagawa ng safety inspection bago umarangkada.

        Laging tandaan: Safety first!

        See Also

        PHOTO: Kidlat

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱