Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        3 Patok na pang-negosyo tips mula sa financial guru na si Chinkee Tan

        ‘There’s opportunity in crisis’
        by Aris Ilagan Aug 13, 2021
        PHOTO: Chinkee Tan Facebook

        Dahil sa matinding epekto ng pandemya sa ekonomiya ng bansa, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho at kasalukuyang nalilito kung ano ang gagawin sa kanilang buhay para maka-survive. Kasabay nito ang biglang pagsulpot ng self-proclaimed financial advisers na lalong nagdudulot ng kalituhan sa unemployed sector.

        Saan ba tayo maniniwala para tiyak na magtatagumpay ang ating pinaplanong mga business venture? Siyempre, doon tayo sa subok na, award -winning pa: Chinkee Tan, pasok!

        Kamakailan, pinangunahan ng financial guru ang webinar na ‘Bajaj Kamustahan: Maximize your kitaan with Chinkee Tan.’ Malinaw ang objective ng programa na inisyatibo ng Bajaj Philippines sa pagsusulong ng bagong three-wheeler nito na maaasahan sa anumang negosyo—ang Bajaj Maxima Z.

        Straight to the point si Chinkee tuwing siya ay nagbibigay ng lecture sa pagnenegosyo. Tiyak na dama niyo rin ang kanyang positive aura sa video na ito:

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Kaya wag na tayong magpapaliguy-ligoy pa. Narito ang tatlong practical tips sa pagsisimula ng negosyo mula kay maestro Chinkee Tan:

        1) Identify your target market.

        Mahalaga na batid niyo ang inyong target market. Ayon kay  Chinkee, ito ang mga taong gusto niyong tulungan at hindi lang basta bentahan ng kalakal. Ang kanyang payo ay base sa kasulutan sa Bibliya na, “Give a man a fish, and you feed him for a day. Teach a man to fish, and you feed him for a lifetime.” Gets niyo?

        2) Know their problems.

        Para makabenta ng produkto ang isang negosyante, mahalaga na malaman niya ang mga problema ng kanyang target market. Anu-ano ba ang kanilang pangangailangan? Wi-Fi connection? Supply ng tubig? Pagkain? Damit?

        Ilan lang ang mga ito sa mga posibleng suliranin na dapat niyong alamin sa merkado para epektibo itong ma-penetrate at hindi kayo nangangapa sa dilim. Huwag alalahanin kung may krisis dahil, ani Chinkee, may oportunidad na naghihintay sa inyo kahit sa panahon na may matinding pagsubok.

        Continue reading below ↓

        3) Offer solutions.

        Kaya ngayong panahon ng pandemya, ilatag ninyo ang inyong mga solusyon sa kanilang problema. Anu-ano ba ang mga ito? Ang kanyang sariling acronym na ‘PATOK’ (pagkain, teknolohiya, online, kalusugan at kagandahan) ay magsisilbing gabay sa mga bagitong entreprenuer.

        Kapag pumasok na ang essential items na ito, malaking posibilidad na maghahanap na kayo ng sasakyan para maihatid ang inyong mga kalakal na kabilang sa PATOK. Dito na papasok ang bagong Bajaj Maxima Z three-wheeler, ani Chinkee. O di ba ang saya?

        Bajaj Maxima Z three-wheeler

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Chinkee Tan Facebook

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱