Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Sabik magka-motor pero kulang sa budget? Tara na sa auction house

        Kabisaduhin ang do’s and don’t’s
        by Aris Ilagan Jul 31, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Atat na atat ka na bang magkaroon ng motorsiklo, pero hindi afford ang brand-new bike kaya pre-owned iyong best option? Makakahanap ka ng dekalidad kung susubukan mo ang iyong suwerte sa isang motorcycle auction.

        Maraming Pilipino ang hindi pa rin kumbinsido na bumili ng segundamanong kotse o motorsiklo sa auction houses, pero malaki ang nawawala sa kanila. Halimbawa, ang HMR Auction Services ay nagsasagawa ng buwanang auction para sa mga pre-owned two- at four-wheelers, at bagamat karamihan sa mga sasakyang ito ay binawi ng mga bangko, marami sa mga ito ay nasa maayos na kondisyon.

        Ang isa sa mga auction facility ng kumpanya ay nasa ACSIE Compound sa Main Avenue, Km 16 West Service Road, sa Bicutan, Parañaque City. Malapit lang ito sa lumang gusali ng kumpanya sa Sucat.

        Dati na kaming nakibahagi sa auction ng HMR at puwede naming kumpirmahin na patuloy na dumadami ang bumibili ng motorsiklo sa bansa kada taon. Kung sinusuwerte, makakapag-uwi ka ng maayos scooter mula sa auction sa halagang P15,000 lang.

        Continue reading below ↓

        Kaugnay nito, nagbigay si Samuel Powell, CEO ng HMR Auction Services, ng 11 tips para sa mga gustong bumili ng motorsiklo sa auction:

        1. Open house

        Nagdaraos ang HMR Auction Services ng open house isang linggo bago ang mismong auction proper para may pagkakataon ang prospective buyers na suriing mabuti ang available units upang makapili sila nang maayos.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2. Valid warranty

        Ang ilang sasakyan ay saklaw pa ng warranty ng manufacturers, na mapupunta sa makakabili ng sasakyan kung valid pa rin ito kapag naisapinal na ang bilihan.

        3. Clean record

        Ang mga partner banks ng HMR ang nakatoka para siguruhing ang mga sasakyang isinusubasta ay hindi nakaw, base sa listahan mula sa Philippine National Police (PNP).

        4. In-house financing

        Ang in-house financing ay pupuwede lamang sa mga sasakyang hindi lalampas sa apat na taon.

        5. Motorbike inspection

        Papayagan ang prospective buyers na paandarin ang makina ng motorsiklo at maupo roon upang matantiya ang seat height.

        Continue reading below ↓

        6. Engine check

        Sa kabila nito, hindi maaaring sakyan ang motorsiklo. Manonood lang ang prospective buyers habang pinapaandar ng staff ang motorbike sa auction lane. Pupuwede rin silang lumabas habang nakapila ang motorsiklo para mapakinggan ang lagay ng makina nito.

        7.  Storage compartment

        Papayagan ang prospective buyers na buksan ang storage compartment ng motorsiklo upang malaman ang espasyo sa loob at matantiya ang mga gamit na kakasya rito.

        8. Waiting period

        Kapag pinal nang nai-bid ang motorsiklo, may tatlong araw lang ang buyer upang maibigay ang bayad.

        9. Cash bond

        Ang prospective buyers ay obligadong maglabas ng P20,000 cash bond. Sakaling wala silang nabili sa mga isinusubastang sasakyan, ibabalik sa kanila nang buo ang pera.

        10. No return, no exchange

        Ang pagpapalit ng motorbikes—kahit na pareho ng kulay, year model, at variant—ay hindi papayagan kapag nabayaran na ito ng bagong may-ari. Maging maingat na lang sa pagpili ng sasakyan na isasalang sa bidding.

        Continue reading below ↓

        11. Ocular inspection only

        Pupuwedeng magsama ng mekaniko ang buyers upang personal na makita ang bibilhing sasakyan, pero visual assessment lang ang maaari nitong gawin. Ang units ay pupuwede lang busisiin sa pre-auction period.

        (Nobyembre 20, 2019 nang unang nailathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱