Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        6 Tips sa pagpili ng motorsiklong akma sa’yo

        Kalma lang, darating din tayo diyan
        by Matthew Galang Aug 12, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE

        Maituturing na masuwerte ang mga unang beses na bibili ng motorsiklo sa panahon ngayon dahil sa lawak ng kanilang pagpipilian. Pero sa dami ng klase at modelong available, maaari ring magig nakakalito ito.

        Ang pagpili ng motorsiklong angkop sayo at sa iyong mga pangangailangan ay medyo nakakanerbiyos, lalo na dahil maraming kailangang ikonsidera sa pamimili ng motorcyclesoverall weight, comfort, seat height, engine power, at maraming iba pa.

        Bagamat pupuwedeng nakakalito nga ang pagpili ng tamang motorsiklo, ang proseso nito ay hindi kinakailangang pahirapan. Para tulungan ang mga bibili ng motorsiklo, tinukoy ng Honda Philippines ang mga mahalagang dapat tandaan bago pumirma sa dotted line.

        Nagdagdag na rin kami ng sariling pointers upang tiyak na mabibili mo ang motorsiklong akma sa iyong pangangailangan.

        1) Alamin ang iyong riding skill level.

        Ang ilang motorsiklo—lalo na ang big bikes—ay nangangailangan ng partikular na level ng skills at familiarity sa pagra-ride bago tuluyang magamit nang kumportable.

        Continue reading below ↓

        Bagamat ang malaki, kumikinang sa kinis, at bagong-bago na adventure bike ay mukhang napakaporma ng pagkakapuwesto sa showroom, mate-turn off ka oras na hindi sinasadyang naitumba mo ito dahil hindi ka sanay sa bigat at hindi mo rin magawang ibangon patayo.

        Maging makatotohanan sa pag-aakma ng natitipuhan mong motorsiklo sa iyong kakayahang mag-ride para ma-enjoy mo talaga ang bago mong bike.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        2) Tukuyin kung ano ang iyong kailangan.

        Bago gumastos sa motorsiklo, isipin munang maigi kung bakit mo kailangang bumili nito. Ang mga bike ay may iba’t ibang sukat at porma; bawat isa ay idinisenyo para sa partikular na gamit at pangangailangan. Halimbawa, kung ang dahilan mo sa pagbili ay para sa sarili mong transportasyon at wala nang iba pa, good choice ang isang abot-kaya ang presyo na scooter.

        3) Alamin kung alin ang kumportable para sa’yo.

        Tulad ng motorsiklo, magkakaiba rin ang tao. Ang ergonomics ng isang bike, o kung paano nakaposisyon ang katawan ng rider sa motorsiklo, ay lubhang mahalaga para sa mga bagitong rider. Kung hindi mo magawang maitukod ang iyong paa sa lupa dahil masyadong mataas ang upuan, problema iyan, gayundin ang pagkakaroon ng leg cramps sa kalagitnaan ng ride dahil masyadong mahaba ang iyong mga binti para sa puwesto ng footpegs.

        Continue reading below ↓

        Para sa isang sasakyang halos araw-araw mong gagamitin, importanteng ikonsidera ang pakiramdam kapag sakay ka rito. Prayoridad na konsiderasyon ang maginhawang pagra-ride, ito ang dapat tandaan:

        • Seat height at cushioning. Ang isa sa mga dapat pansinin kaagad ng isang first-time rider ay ang seat height. Kung mababa lang ang upuan, nangangahulugan itong madali lang ang pagtutukod ng paa sa lupa. Importante rin ang seat cushion. Ang pag-upo nang matagal sa upuang hindi kumportable ay garantisadong mauuwi sa nakakadismayang karanasan at sa pananakit ng puwitan, kaya tiyaking sapat ang lambot ng upuan ng bike.
        • Ang pag-iinit at vibrations ng makina. Ang iba-ibang makina ay naglalabas ng magkakaiba ring antas ng engine heat at vibration. Ang mga makinang sobra kung mag-init ay parusa sa kalagitnaan ng trapiko. Samantala, ang vibrations ay kaya namang maramdaman mula sa makina hanggang sa handlebars, na nagdudulot ng discomfort sa mahahabang biyahe.
        • Bigat ng motorsiklo. Ang overall weight ng motorsiklo ay mayroong malaking tungkulin sa ginhawa ng pagmamaniobra ng nito. May mga panahon ding tulad ng matinding trapiko o masisikip na parking area, kung saan kailangan mong itulak o iahon ang iyong motorsiklo kahit nag-iisa ka lang.
        Continue reading below ↓

        4) Magplano ayon sa budget.

        Ang mga motorsiklo, kahit iyong murang-mura na, ay mangangailangan pa rin ng malaking halaga kaya ikonsiderang mabuti kung magkano ang handa mong ilaan para rito. Bukod sa halaga ng mismong bike, tandaang gagastos ka rin sa gasolina, repair, at pagmimintina nito. Para masulit ang iyong pera, pumili ng motorsiklong hindi ganoon kamahal, matipid sa gasolina, at laging maaasahan.

        5) Ikonsidera ang iyong personal preferences.

        Bukod sa pagiging praktikal, importante rin, siyempre, kung ano ang pakiramdam mo sa paggamit sa motorsiklo. Ang iyong bike ay magiging bahagi na ng buhay mo, at mas ma-e-enjoy mong gamitin ito kung gustung-gusto mo talaga ang style at character nito. Gaya nga ng laging sinasabi ng mga beteranong rider: Kung hindi ka napapangiti kapag nililingon ang motorsiklong iniwan mo sa parking lot, malinaw na mali ang natipuhan mong bike.

        6) Suriing mabuti ang features.

        Kung magra-ride ka nang may phone mount sa iyong motorsiklo para maituro sayo ang tamang dadaanan, malaking tulong ang bike na may charging port para laging fully charged ang iyong gadgets. Kung may plano ka namang magdala ng sangkatutak na gear, bumili ng motorsiklong may malaking storage space o mayroong luggage mounting points. Takot manakawan? Isang integrated security o alarm system ang magbibigay sayo ng peace of mind.

        Continue reading below ↓


        Dapat tandaan ng mga bagitong rider na mahalagang dumalo muna sa formal rider’s training course at kailangang mayroong driver’s license bago bilhin ang pinapangarap mong motorbike. Tandaan: Huwag magmadali at hayaan mong pagdaanan mo ang proseso.

        (Setyembre 9, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱