Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Paalala: Ilang masks, maaaring mauwi sa atake sa puso habang nagmomotor

        ’Di lahat ay babagay sa riding style mo
        by Aris Ilagan Oct 18, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        No work, no pay; no ID, no entry; no cash, no purchase; no plate, no travel. Ilan lang ito sa mga polisiyang nakasanayan na natin dahil ipinatutupad araw-araw, kahit saan. Ngayong ‘new normal,’ may nadagdag na nakasanayan na rin natin sa nakalipas na mahigit isang taon: no mask, no entry.

         

        Sa ayaw man natin o gusto, kailangan nating tumalima sa health protocol na ito upang malayang magawa ang mga kinakailangang gawin sa labas ng bahay nang hindi nasisita o pinagmumulta. Ang mga motorista, kabilang ang riders, ay obligadong magsuot ng mask upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        Ilang buwan pa lamang noon ang pandemya nang lumabas sa motorcycle community ang guidelines sa tamang paggamit ng face mask para sa mga nagmomotorsiklo. Ang health tips ay mula kay Dr. Anthony ‘Tommy’ Lim, surgeon sa Asian Hospital Medical Center na isa ring passionate rider.

         

        Isaandaan porsiyento ang suporta ni Dr. Lim sa pag-obliga ng gobyerno sa publiko na magsuot ng face mask. Pero, aniya, mayroong ilang limitasyon.

         

        Ang payo ni Dr. Lim ay para sa riders na madalas gumamit ng N95 mask. Bukod sa mas mahal kaysa disposable mask, idinisenyo ang N95 mask para magbigay ng mahigpit na facial fit nang hindi makalanghap ang may suot nito ng anumang delikadong particles sa hangin. Kung tama ang pagkakasuot, epektibo nitong sineselyuhan ang mukha, mula sa ilong hanggang sa bibig. “It can successfully filter out particles sized 0.3 microns 95% of the time,” ani Dr. Lim.

         

        Ibig sabihin, mabisa ang proteksiyong hatid ng medical-grade N95 mask laban sa airborne viruses. Gayunman, nagbabala si Dr. Lim sa riders laban sa paggamit nito, lalo na kung ilang oras silang nagra-ride.

        Continue reading below ↓

         

        Surgical masks restrict your breathing. This can be fatal at high speeds when your adrenaline kicks in. And this will cause heart rates to double (depende sa bilis ng harurot ng bike),” paliwanag ni Dr. Lim. “It will make you breathe faster and the surgical mask will restrict your breathing, giving your heart a hard time.”

        Wag naman malasin, pero ang posibleng kahantungan nito ay atake sa puso. Ang malala pa, ayon kay Dr. Lim, habang suot ang N95 mask ay muli mong sinisinghot pabalik ang sarili mong carbon dioxide, na maaaring mauwi sa blackout.

         

        Ang labis na intake ng carbon dioxide ay nauuwi sa pamamanhid o pagkawala ng malay-tao, na para ka bang nainiksiyunan ng anesthesia.

         

        Ipaubaya na natin ang N95 mask sa medical frontliners. Payo ni Dr. Lim sa riders, gumamit ng maskimprovised mask o balaclava na ibinebenta ng ambulant vendors. Pakinggan natin ang eksperto.

         

        (Mayo 29, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        Continue reading below ↓

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱