Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        5 Tips bago mag-shopping ng motorcycle gear online

        Basahin bago mag-add to cart
        by Matthew Galang Aug 4, 2021
        PHOTO: Arai, Shoei, AGV, Komine, Rev It, Forma, Alpinestars, Dainese

        Ngayong hindi na kasing safe ng dati ang personal na pag-iikot-ikot sa mga shopping establishments, parami nang parami ang namimili via Facebook, Shopee, Lazada, at iba pang online platforms. At dahil uso ang online shopping, hindi malayong maging normal na at accessible ang pagbili ng mga motorcycle gear sa Internet.


        Ngayon, ikakatwiran n’yo marahil, ‘Hindi ba mas masaya kung isa-isang lilibutin ang mga store at aktuwal na makikita at maisusukat ang mga gear?’ Oo, totoo naman yan. Pero dahil sa pandemya, hindi yata magandang ideya ang magsukat ng mga helmets at jackets na naisuot na ng iba.

        Plus, sa pamimili online ay mas malaki ang posibilidad na makakuha ng mga gear na pahirapang mabili rito sa Pilipinas. Para tulungan kayo sa tamang pagpapasya, narito ang ilang tips upang ma-enjoy ninyo ang pamimili ng motorcycle gear online.

        1) Magbasa-basa muna ng mga reviews

        Tulad ng pamimili ng kahit ano, mainam na magbasa-basa ng reviews tungkol sa planong pagkagastusan. Kung ang isang pares ng gloves ay maporma na at naka-sale pa, tiyak na mapapabili ka, pero kalaunan ay mare-realize mong maluwag pala ito o kaya naman ay mabilis palang masira pagkatapos mong gamitin ng isang buwan. Hindi ka rin naka-jackpot sa iyong nabili.

        Continue reading below ↓
        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Mag-Google ng written at video reviews upang mapagtimbang-timbang ang pros at cons ng gear hunting. Kung walang mahagilap na reviews mula sa credible publications, okay na rin ang customer reviews mula sa online store kung saan ka mamimili, lalo na kung kumpleto ang mga iyon sa mga litrato na nagpapakita sa aktuwal na hitsura ng produkto. Tiyaking nabasa mo ang parehong negatibo at positibong reviews sa bibilhing gear.

        2) Siguruhing legit ang online store.

        Walang gustong ma-scam, kaya tama lang ang mamili sa online stores na lehitimo at may respetadong track record. Siyempre pa, hindi basta-basta ang presyo ng de-kalidad na gear, at hindi mo gugustuhing sayangin ang kalahati ng isang buwan mong sahod sa isang peke at depektibong item.

        Makakatulong kung magtatanung-tanong sa mga kaibigan kung saan sila bumibili ng gear at kung ano ang naging karanasan nila sa binilhan nilang online store. Kung walang kaibigang mahihingan ng rekomendasyon, ang pinakamabuting option ay ang mamili sa kilala at pinagkakatiwalaang online stores tulad ng Motoworld, Revzilla, Webike, at sa lisensiyadong retailers sa e-commerce websites.

        Continue reading below ↓

        3) Alamin ang tamang size mo.

        Ang pangunahing bentahe ng pamimili sa isang brick-and-mortar store ay ang aktuwal na pagsusukat sa bibilhing gear kung eksakto ba ito sayo. Pero dahil hindi ito safe sa ngayon, ang dapat gawin ay kumuha ng tape measure at tingnan ang sizing charts ng manufacturers kung alin ang sakto sayo. Tandaang hindi pare-pareho ang sukat ng mga gear ng magkakaibang brands, kaya importanteng ma-double-check muna ang sarili mong sukat.

        4) Kailangan ng tiis at pasensiya.

        Mula sa paghihintay na ma-ship out ang iyong order hanggang sa pagmo-monitor kung kailan magse-sale ang item na gustung-gusto mong bilhin, kailangan ng mahabang pasensiya sa pamimili ng gear online.

        Asahan na ang paghihintay ng lima hanggang pitong business days bago mai-deliver ang iyong order, lalo na kung binili ito sa isang international store. Kahit pa sabihin ng online seller na aabutin lang ng tatlong araw ang shipping, maging makatotohanan sa iyong expectations para maiwasang mainip sa pagsilip-silip sa shipping tracker o kaya ay maya’t mayang pagdungaw sa bintana sa kahihintay ng delivery.

        Continue reading below ↓

        5) Minsan, mas okay ang segunda mano.

        Maraming paborableng deals na di hamak na mas okay kung bukas ka sa ideya ng pagbili ng pre-owned items, lalo na kung nagkamali lang ng sukat ang seller o ibinebenta niya ang gear na hindi pa niya nagagamit kailanman. Para sa gear na nagamit na, maging mapili at siguruhing maayos pa ang kondisyon ng bibilhin.

        Ang mga leather gear tulad ng gloves, race boots, at race leathers ay nangangailangan ng maselang pag-iingat, at kalaunan ay nagkakaroon ng hindi magandang amoy kung hindi regular na nalilinis. Minsan naman ay tuluyan nang nasisira ang mga ito kapag hindi maayos na naitago o hindi nagamit nang ilang taon.

        Bago sumugal sa pagbili ng segunda manong gear, siguruhing nainspeksiyon mong mabuti ang litrato ng item at huwag mahihiyang sabihin sa seller ang iyong concerns, kung ayaw mong makabili ng isang anim na taong helmet na dalawang beses nang nasangkot sa aksidente.

        Continue reading below ↓

        Armado ng tips na ito, mas kumpiyansa ka na ngayong bumili ng motorcycle gear online. Tandaan lang na kapag may pagdududa, kumonsulta sa mas experienced na kakilala kung ang bibilhin mo bang item online ay tunay na good deal.

        (Abril 30, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Arai, Shoei, AGV, Komine, Rev It, Forma, Alpinestars, Dainese

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱