Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        8 Tips sa tamang paglilinis ng iyong motorcycle helmet

        Para laging mabango at mukhang bago
        by Raymond Figuerres Sep 27, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Kahit pa regular mong nililinis ang iyong motorcyle helmet at ang fabric liner nito, sa ilang taon mong paggamit dito ay nanaisin mo kalaunan na maibalik sa dati ang kintab gayundin ang cheek pads at liner foam nito.

        Karamihan sa mga helmet ay mayroong interior liner at pads na maaaring tanggalin para labhan o pahanginan. Kapansin-pansin namang sa bawat laba ay panipis nang panipis ang foam hanggang sa tuluyan mo nang maramdaman na maluwag na ito para sa iyong ulo. Walang maibibigay na proteksiyon sa aksidente ang isang helmet na hindi sukat sa ulo ng rider. Maaari itong kumalas mula sa pagkakasuot sa ulo o kaya naman kumalog ang iyong ulo sa loob ng helmet, na magdudulot ng concussion.

        Upang masigurong patuloy na nagbibigay ng proteksiyon sa road accident ang helmet, dapat na regular mong inspeksiyunin at kung pupuwede ay panatilihin sa dati ang kalidad ng napakahalagang riding gear mong ito.

        Continue reading below ↓

        Mayroong professional helmet detailers na nag-aalok ng mga serbisyong katulad ng sa car o motorbike detailing. Hindi mura ang ganitong serbisyo dahil kumplikado at nakakapagod ang trabahong ito. Kung mas enjoy kang gawin itong mag-isa, at mahaba ang iyong maghapon, maaari mong linisin ang sarili mong helmet, na dapat na tuyo at poging-pogi ang dating para sa susunod mong ride.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Narito ang aming DIY helmet detailing guide:

         

        1) Linisin ang interior ng helmet.

        Ilantad ang inner liner at cheek pads. Kung ang chin straps ay mayroong comfort pads, alisin din ang mga ito. Magkanaw ng kaunting baby shampoo sa maligamgam na tubig. Ang aking helmet detailer, na buong tiyagang nagturo sa akin ng kanyang techniques, ay nagsabing ang high-tech fabric cleaners ay para sa synthetic materials.

        Pero para sa akin, mas mild ang baby shampoo bukod pa sa mabango ito. Maingat na labhan ang bawat piraso at banlawang mabuti ang mga ito. Kung hindi natatanggal ang helmet liner, walang choice kung hindi basahin ang buong helmet.

        Continue reading below ↓

        Nililinis ko ang loob ng aking helmet katulad ng paglilinis ko sa aking motorsiklo: gamit ang garantisado nang two-basin method. Gumamit ng toothbrush na may malambot na bristles upang maingat na linisin ang liner. Basain ang brush sa plangganang pinagkanawan ng tubig at sabon, kuskusin ang fabric liner, saka banlawan ang toothbrush sa malinis na tubig. Ulit-ulitin hanggang sa nakumpleto na ang paglilinis sa liner. Huwag ding kalimutang kuskusing mabuti ang chin strap.

         

        2) Maingat na tuyuin ang interior parts ng helmet.

        Kung ang buong helmet ang iyong binasa, aabutin ng isang buong araw ang pagpapatuyo rito, kaya impormanteng nai-schedule nang maayos ang detailing kung iisa lang ang helmet at gagamitin mo itong muli kinabukasan. Hayaang kusang matuyo sa hangin ang tela at foam ng helmet; makakatulong ang bentilador.

        Iwasang direktang ilantad ang mga ito nang direkta sa araw, at huwag na huwag pipigain ang pads. Sa halip, gumamit ng tuwalya upang sipsipin ang sobrang tubig sa pinatutuyong tela at foam ng helmet.

        Continue reading below ↓

        Maselan ang tela at foam kapag nabasa ito; mabilis ang mga itong mawala sa porma at nayuyupi kapag pinipiga, samantalang kumukupas ang kulay at nadudurog naman ang mga ito kapag nalantad sa matinding sikat ng araw.

         

        3) Linisin ang shell at visor ng helmet.

        Linisin ang labas na bahagi ng helmet gamit ang car shampoo, saka ito patuyuin gamit ang tuwalya. Makakatulong naman ang cotton buds upang sungkitin ang naipong dumi sa vents. Karaniwan nang may filter ang mouth vent laban sa putik at mga insekto; tukuyin at tanggalin ito para linisin o palitan.

        Kalasin ang visor lens at punasan ang inner side nito gamit ang ammonia-free cleaner. Ang gamit ko ay isang helmet-lens-specific cleansing agent na mayroong UV-protection at anti-fog properties. Iwasan ang mariin at matagal na pagkuskos sa lens; hindi ito madaling galusan dahil sa taglay na coating, pero kapag nagalusan ay halos imposible nang matanggal pa ito. Kung pakikintabin naman, maaalis lang nito ang napakahirap gayahing anti-scratch coating.

        Continue reading below ↓

         

        4) Ibalik ang factory lens protection.

        Sa pabrika, ang mga helmet ay nilalagyan ng UV, anti-scratch, at anti-fog protection, pero sa ilang oras na pagkakalantad sa dumi, alikabok, ulan, at sikat ng araw, ay natatanggal na kaagad ang protective coatings. Samantala, ang madalas na pagkakalantad nito sa ultraviolet light ay magbubunsod upang maging marupok ang plastic lens pagkalipas ng ilang buwan, kaya ugaliing ilagay muli ang proteksiyong ito upang hindi masira ang helmet.

         

        5) Lagyan ng polish ang labas ng helmet.

        Kung gawa sa pintura at may clear coat ang exterior ng iyong helmet, pakintabin ito tulad ng pagpapanatili sa ganda ng pintura ng iyong motorsiklo. Kung polished plastic naman, gumamit ng kaukulang polishing product.

        Para malaman, suriin ang care instructions sa helmet, o magsagawa ng test polish sa tagong parte nito. Gamit ang masking tape, protektahan ang rubber trim sa gilid nito at sa bahagi ng lens lid seal. Maingat na kiskisin ang napakaliit na bahagi saka obserbahan; hindi mo naman marahil gugustuhing mabutas ang sinusuring bahagi ng clear coat o sirain ang plastic finish, lalo na kung ang gamit mo ay rotary buffer.

        Continue reading below ↓

        Karamihan ng clear coat sa helmet ay mas malambot kumpara sa clear coats ng sasakyan. Gayundin naman, ang labas ng polished plastic helmet shells ay maselan din.

        Kung ang pintura ay nagkaroon ng swirl marks, inirerekomenda ko ang paint correction; gumamit ng compound, saka mag-polish. Ang natuklap na pintura ay maaaring i-retouch bago pahiran ng compound. Pumili ng rubbing compound na banayad lamang at ng malambot na buffing pad. Sapat na ang maliit na sachet ng isang compound para sa isang buong kotse o ilang hard hats.

         

        6) Selyuhan o i-wax ang blemish-free finish.

        Ang paint sealants ng sasakyan ay nagbibigay ng ilang buwang surface protection. Ang de-kalidad na carnauba wax ay nag-iiwan naman ng pambihirang kintab na inaabot ng ilang linggo. Kung available, ang ceramic coatings ay magbubunsod upang hindi tablan ng mga galos ang iyong paint finish, at tumatagal ito ng ilang taon.

         

        7) I-lubricate ang lens hinge, side-plate mechanism, at rubber parts.

        Ang lumang grasa sa mekanismo ay aakit ng alikabok at kalawang sa loob ng maraming taon. Ang base at lens gaskets ay makikinabang din sa kaunting langis para maiwasang mabulok ang goma. Ang silicone oil ang nagsisilbing rubber conditioner at pinapalitan nito ang nawalang moisture.

        Continue reading below ↓

        Linisin at patuyuin ang rubber surfaces at ang plastic mechanism bago lagyan ng lubricant. Ang munting patak ng heavy oil o silicone grease sa hinge ay magreresulta sa mas suwabeng paggalaw sa lens. Pahiran ang rubber trim ng lighter-grade silicone oil at ikalat ito. Ang shock oil para sa remote-controlled model cars ay 100% silicone at nasa mabibili sa maliit na bote.

         

        8) Palitan ang mga nasirang parte.

        Ang rubber gaskets ang nagsisilbing selyo mula sa hangin at, kung hindi na gumagana, malinaw na maririnig ang ingay sa paligid kapag humahataw ang motorsiklo. Ang lens ay maaaring nabiyak o natadtad ng galos; parehong usaping pangkaligtasan.

        Maaaring mabasag ng malakas na hangin ang may bitak na lens, na magdudulot ng pinsala sa mata ng rider, habang ang malalim na sugat sa mata ay magreresulta sa distortion ng paningin, na magreresulta sa poor visibility.

        Ipinapayo ng manufacturers ang pagpapalit ng cheek pads at inner foam liners kapag matagal nang ginagamit ang mga ito. May iba’t ibang sukat at kapal ang mga ito. Tandaan ang specifications ng mga orihinal na cheek pads at foam liners at i-order ang tamang kapalit nito.

        Continue reading below ↓

        Isa rin itong magandang pagkakataon upang isakto ang fit ng iyong helmet: Maaari mo itong palitan ng mas manipis na cheek pads kung tambay ka sa buffet table, o mas makapal na liners kung manipis na ang iyong buhok.

        (Pebrero 28, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topgear.com.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱