Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Alamin ang dream bike ng PH bet sa 2020 Tokyo Paralympics

        Matagal na raw niyang pinag-iipunan
        by Aris Ilagan Aug 19, 2021
        PHOTO: Ernie Gawilan
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Abala ngayon si Ernie Gawilan sa pagkokondisyon ng sarili sa kanyang pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics na gaganapin mula August 24 hanggang September 5. Sa kabila nito, naibahagi pa rin ng unang Filipino Asian Para Games gold medalist (swimming) sa Top Bikes Philippines ang kanyang hilig sa pagmomotorsiklo.


        Matindi ang mga naranasang pagsubok ni Gawilan mula pagkabata. Dahil dito, pinanindigan niya ang disiplina sa sarili at determinasyon na makamit ang tagumpay sa swimming events, kasabay ang iba pang persons with disabilities (PWD).

        Paralympic athlete Ernie Gawilan

        Continue reading below ↓


        Ang hindi batid ng marami ay ka-partner na ni Gawilan ang motorsiklo simula noong siya ay binatilyo pa hanggang siya ay naging isang super athlete. “Mahilig po talaga ako sa motor. Medyo matagal na rin po akong nagmo-motor. Kaso yung dina-drive ko po ay may side car,” kuwento ng 30-anyos na residente ng Davao City.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Sa kasalukuyan, dalawang Honda CRF150L ang gamit ni Gawilan tuwing pupunta siya sa training o kaya ay papasyal sa kanilang lugar. Kung hindi available ang swimming facility kung saan siya nagsasanay, dagat ang hanap ni Gawilan para sa kanyang endurance training.

        “Marami pong mga para athletes ang nagmo-motor. Yung iba po yan ang pinaka-service nila pag nag-eensayo,” aniya.

        Paralympic athlete Ernie Gawilan

        Continue reading below ↓

        Mapapansin sa mga larawan ni Gawilan na mataas ang seat height ng kanyang mga motorsiklo pero nagagawa pa rin niyang sakyan ang mga ito nang ligtas at kumportable kaya siya ay iniidolo ng iba pang PWDs.

        Bihasa rin si Gawilan sa off-roading dahil enduro bikes ang kanyang gamit sa Davao.
        At dahil aminado siyang mahilig ding mag-stroll at mag-nature trip, tinanong namin ang atleta kung saan niya paboritong mamasyal sakay ng kanyang motor. Ang kanyang tugon: “Dati po pumupunta po ako sa Antipolo. Maganda po kasi yung view at kainan doon.”

        Continue reading below ↓

        Kapag siya’y nasa kanilang lugar sa Paquibato District, beach front ang hanap niya para lumangoy, mag-relax, at mag-food trip. Sa puntong ito, tinanong namin si Gawilan kung ano ang kanyang dream bike. “Pinakagusto ko po yung Kawasaki Ninja. Isa din po yun sa pinag-iipunan ko na mabili,” aniya.


        May iba’t ibang modelo ng Kawasaki Ninja na may engine displacement mula 250cc hanggang 1000cc. Diretsahang sinabi ni Gawilan na ang kanyang napupusuan ay ang Ninja 400cc.

        Walang pangarap na hindi nabibigyang katuparan kung buong puso mo itong ipupursige. Nasa likod mo ang buong sambayanang Pilipino sa iyong pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics. Go for gold, Ernie Gawilan!

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Ernie Gawilan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱