Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Bakit pinili ng bride na ito ang tricycle ng kanyang tatay bilang bridal car?

        Isang pagbibigay-pugay
        by Bernie V. Franco for Pep.ph Jun 10, 2021
        PHOTO: Kareeza Faith Yara-Atrero

        Kakaiba ang kasal ng isang social-media influencer/actor/disc jockey mula sa Puerto Princesa, Palawan.

        Sa halip kasi na typical bridal car ang ginamit, ang traysikel ng kanyang ama ang kanyang sinakyan papuntang simbahan. Pero may mahalagang rason ang bride na si Kareeza Faith Yara-Atrero, aka Tita Kim, kung bakit mas pinili niya ang traysikel ng ama kesa magrenta ng isang kotse.

        Aniya: Of course, I’m happy with that. That’s my wedding dream to ride on the tricycle. Because it means a lot to me. Because that represents my Papa, paliwanag ni Tita Kim sa PEP.ph noong Lunes, May 17, 2021.

        Si Tita Kim ay kilalang personalidad sa Puerto Princesa City.

        Nagpo-focus po ako ngayon sa pagso-social-media influencer, mostly dito po sa Palawan, pino-promote ko po yung sarili kong brand. Before po kasi, I used to be a radio DJ and TV actor dito po sa aming local [region]. And then I’m starting also a digital marketing agency dito po sa Palawan.

        Continue reading below ↓

        The bridal tricycle

        Ikinasal si Tita Kim at asawang si Jaren Atrero noong December 24, 2020. At ang pagsakay sa traysikel ay isang pagpupugay sa naging source of income ng pamilya nila.

        Ever since po kasi, yun na po yung work ng Papa ko. He’s a tricycle driver. That same tricycle was also the tricycle he has been using po for years, and that’s his primary source of income.

        So yun po bumuhay sa aming family, especially sa akin. Yun po ang nakapag-support ng pagkain namin araw-araw.

        Isang pasasalamat rin daw ito sa kanyang ama, lalo’t bubukod na siya para magkaroon ng sariling pamilya.

        It’s a recognition ng lahat ng mga efforts niya na, since you’re getting married, parang technically, parang lumalabas ka na ng umbrella ng parents mo. So I thought siguro sa moment na iyon, hindi lang ako makipag-isang dibdib, kundi mabigyan ko rin ng honor yung parents ko, especially yung Papa ko.

        Continue reading below ↓

        Bride Tita Kim riding tricycle

        Nais daw ni Tita Kim na iparamdam sa ama na ikinararangal niya ang magkaroon ng amang tricycle driver.

        Para hindi niya makita yung pagiging tricycle driver is just a small thing kundi makita niya na Im proud of it, and that I want to tell people that they should also be proud of their father anuman yung trabaho nila or katayuan sa buhay.

        Continue reading below ↓

        Thankful si Tita Kim na suportado siya ng kanyang mister nang naisip niyang gawin ito sa kanilang wedding.

        Actually, yung husband ko naman po is very supportive. He likes that idea. Sa Papa ko naman, medyo nahihiya, siyempre, nahihiya siya. Hindi siya makapaniwala na gagawin iyon. Pero na-convince ko naman po siya na gawin niya iyon.

        Mismong ama rin niya ang nag-drive ng traysikel papuntang simbahan. Ang naging hamon raw sa kasal nila noon ay makakuha ng permiso para payagang ma-drive ang traysikel sa kalsada dahil sa pandemya.

        Because that time, bawal po yung mga tricycle sa aming road dahil nga po that time ay naghigpit kami ng quarantine namin dito. Bawal yung mga public vehiclesSo that time, humingi lang po talaga tayo ng special permit para mailabas yung tricycle at maihatid po ako.

        Isang Born Again Christian wedding ang ginanap sa pagitan nina Tita Kim at Jaren.

        Netizens’ reactions

        Continue reading below ↓

        Ikinasiya naman ni Tita Kim na positibo ang reaksiyon ng mga tao rito. Marami raw ang na-inspire.

        Nakakatuwa din na na-encourage natin yung mga tao na hindi naman kinakailangan maging magarbo, particularly doon sa sasakyan. Kasi sometimes problema pa iyon ng mga bride, di ba?

        Nanghihiram pa ng magagarang sasakyan para sakyan sa mismong wedding. Hindi naman kinakailangan because di naman natin kailangang maging magara, maging pretentious, especially kung hindi naman natin kaya at out of the budget na.

        Bride Tita Kim riding tricycle

        Continue reading below ↓

        Dagdag niya, “Mostly, yun ang mga nakikita kong reaksiyon sa kanila: They are very happy and they are inspired to make their wedding as simple as they can and maging totoo sa kanila at realistic—kumbaga hindi fancy yung wedding. Nakita ko rin dun na it inspires ang mga bride to honor their parents.

        Kasi oftentimes, parang nawawala sila sa eksena pagdating sa wedding. So at least, nagkaroon ng idea yung mga tao na it’s also a good time not just to get wed, but also to honor yung kanilang mga magulang, especially their sacrifices.

        Dugtong ni Tita Kim, hindi naman sila expressive ng kanilang ama sa isat isa.

        Hindi talaga kami yung close na nag-a-I love you o nagha-hugVery casual lang kami dahil hindi kasi ganun yung culture namin as a family.

        Sa kabila nito, ipinagmamalaki niya ang kanyang ama dahil naging good provider ito.

        He never abandoned us and he never left our side and hindi tumigil sa pagtatrabaho para makapag-provide ng aming makakain.

        Continue reading below ↓

        Observed proper protocols

        Paglilinaw ni Tita Kim, naging responsable sila sa kanilang simpleng kasal.

        It was so breezy because wala rin kaming reception—isa iyon sa mga difference sa kasal namin. After the ceremony, tapos na. Because that time, gusto rin naming sumunod sa safety protocolsAnd we believe na yung reception would cause a lot of physical engagement and baka may mahawa pa.

        At the same time, gusto rin naming makatipid, so we also want to show people na yung reception naman is a good thing, if you have the opportunity. Youre allowed to do it and if you have the money.

        Pero sa kaso raw nilang mag-asawa, pabor sa kanila dahil naging praktikal sila.

        Wala kaming masyadong inintindi. Madali po siya. Walang reception.

        Bride Tita Kim riding tricycle

        Continue reading below ↓

        Dahil daw sa pandemya, mas mura ang deals pagdating sa wedding suppliers.

        Importanteng paalala ni Tita Kim: Dapat meron po talagang coordination with the IATF (Inter-Agency Task Force). That’s what we did first, so we are properly coordinated with them.

        Best wedding for the bride

        Bagamat nangyari ang kasal sa panahon ng pandemya, best wedding pa rin ito sa bride.

        Kasi ang pinaka-dream ko lang naman, my parents are alive. Buhay din ang mga magulang ng aking husband, and the people closest to us are there.

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Kareeza Faith Yara-Atrero

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱