Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        Dating scooter, ginawang PWD-friendly four-wheeler

        ’Yan ang maabilidad!
        by Aris Ilagan Oct 19, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan
        MOTORCYCLE BRANDS IN THIS ARTICLE
        MOTORCYCLE MODELS IN THIS ARTICLE

        Walang dudang kabilang ang persons with disability (PWD) sa mga sektor na apektado sa mga ipinatutupad na quarantine restrictions, maging sa physical distancing at sa limitadong pampublikong sasakyan.

        Pero sa halip na tumunganga o maglabas ng sama ng loob online, nakaisip ng solusyon si Christopher Relato upang makabiyahe siya papuntang trabaho nang hindi umaasa sa tulong ng iba.

        Continue reading below ↓

        Si Relato, na bata pa nang magkaroon ng polio, ay isang call-center agent at suma-sideline bilang lead singer ng isang rock band. Dahil sa schedule ng kanyang trabaho, nahihirapan siyang makakuha ng masasakyan tuwing madaling araw. Gayunman, sa tulong ng kanyang biyenang lalaki, nagawa niyang i-convert ang isang Yamaha Mio i125 bilang four-wheeler nang hindi binabago ang mahahalagang components nito tulad ng chassis at swingarm.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Pero pag-usapan muna natin kung paanong nahilig sa pagmomotorsiklo ang masipag na si Relato sa kabila ng pisikal niyang limitasyon.

        Continue reading below ↓

        Si Relato, 40, ay may bigat na mahigit 200lb at kayang tumayong mag-isa. Aminado siyang hirap siya sa paglalakad at pagbabalanse dahil sa pagdadagdag niya ng timbang sa nakalipas na mga taon, kaya gumagamit siya ng saklay upang mas mabilis siyang makakilos.

        Teenager pa lang ako, gusto ko na mag-ride,” kuwento ni Relato. Tulad ng marami, nagsimula siya sa pagbibisikleta, bago nagpasyang gumamit ng may sidecar, o iyong pedicab, para sa kanyang negosyo. Sa kabila nito, hindi naman nagmaliw ang pangarap ni Relato na mag-ride sa motorsiklo.

        Continue reading below ↓

        Isang araw, nagpasya siyang bumili ng Rusi motorcycle. Upang hindi mabuwal ang motorsiklo tuwing bumabagal o nagpepreno siya, nagpatulong si Relato at kanyang tiyuhin na kabitan ito ng set ng balancers—o iyong maliliit na gulong na nasa bisikleta ng mga bata.

        Gayunman, dahil sa ilang isyung teknikal, hindi nila naisakatuparan ang plano para sana sa isang ligtas at kumbinyenteng ride ni Relato, at nauwi lang sa wala ang Rusi.

        Pero hindi sumuko si Relato. Pagkatapos manood sa YouTube ng mga video tungkol sa motorsiklo para sa PWD, agad niyang sinimulang i-convert ang kanyang Yamaha Mio. Ang mga ikinabit ditong balancers ay iyong bolt-on type, o natatanggal. Naglagay din siya ng dalawang extra shock absorbers upang mas suwabe ang pagliko ng kanyang Mio.

        Buo ang tiwala ni Relato sa kakayahan ng kanyang balancer’s design dahil regular niyang iniaangkas ang misis niyang si Racquel sa kanyang Mio. Standby lang din ang kanyang mga saklay dahil nakakatulong din ito sa pagbabalanse ng kanyang scooter tuwing nakahinto siya.

        Continue reading below ↓

        Tinanong namin si Relato kung madalas ba niyang hinahataw ang kanyang four-wheeled Yamaha Mio i125. “Takbong-chubby lang po ako,” sabi ni Relato. Ride safe, bro!

         

        (Agosto 17, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱