Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Tips sa tamang paggamit ng motorcycle auxiliary lights, mula sa LTO

        Ignorance of the law excuses no one
        by Aris Ilagan May 27, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga gumagamit ng auxiliary lights para sa motorsiklo. Kasabay nito ay ang biglang pagsulpot ng mga motorcycle shop na nagbebenta ng sari-saring disenyo ng auxiliary lights na halos karamihan ay inangkat mula sa ibang bansa.

        Sa kabila nito, marami pa ring rider ang hindi batid na mayroong inilabas na panuntunan ang Land Transportation Office (LTO) noong ika-15 ng Marso 2016 hinggil sa tamang paggamit ng auxiliary lights, na kung minsan ay tinatawag ding ‘fog lights.’

        Ang paggamit ng motorcycle auxiliary lights ay hindi lamang popular sa Metro Manila at iba pang siyudad ngunit maging sa malalayong lalawigan kung saan kulang ang pailaw sa mga lansangan.

        Marami ring ulat hinggil sa mga rider na naiisyuhan ng traffic violation ticket bunsod ng maling paggamit ng auxiliary lights. Ang maling paggamit nito ang pinag-uugatan ng aksidente sa lansangan dahil ito ay maaaring matuloy sa temporary blindness ng mga motorista. Ito rin ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinatutupad sa mga police checkpoint ang regulasyon ng LTO laban sa maling paggamit ng auxiliary lights.

        Continue reading below ↓

        Kung hindi iniisyuhan ng traffic violation ticket ang rider ay ipinababaklas ang auxiliary lights dahil sa paglabag sa LTO regulations.

        Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa mga traffic enforcer o kaya’y pagkahuli, minarapat namin na ibahagi sa inyo ang 10 guidelines ng LTO sa tamang paggamit ng motorcycle accessory na ito:

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        Rules and Regulations on Motorcycle Auxiliary Lights

        Continue reading below ↓

        1) Hiwalay ang switch at electric wire.

        Sa pagkabit sa motorsiklo, dapat may sariling switch at electric wire para gamitin sa auxiliary lights para madali at ligtas itong gamitin.

        2) Pababa ang direksiyon ng ilaw.

        Para hindi makabulag sa mga paparating na sasakyan, dapat paibaba ang direksiyon ng auxiliary lights.

        3) Puti o dilaw ang ilaw.

        Dapat puti o dilaw ang ibinabatong ilaw ng auxiliary lights. Hindi asul, pula, o iba pang kulay na maaring magdulot ng kalituhan sa kasalubong na sasakyan.

        4) Solid ang pagkakakabit.

        Tiyakin na matibay at hindi umaalog ang pagkakakabit ng auxiliary lights sa ano mang bahagi ng motorsiklo—sa crash bar, fork, o fairing.

        5) Hindi dapat humigit sa dalawa ang bilang ng auxiliary light.

        Huwag gawing Christmas tree ang inyong motorsiklo. Mahigpit na pinagbabawal ng LTO ang paggamit sa higit sa dalawang auxiliary lights.

        6) Bawal gamitin sa maliliwanag na lugar.

        Panatiliing nakapatay ang auxiliary lights kapag dumaraan sa maliwanag na lugar, lalo na kung may mga kasalubong na sasakyan.

        Continue reading below ↓

        7) Limitahan ang bilang ng LED lights kada auxiliary light.

        Hindi rin dapat lalagpas sa anim ang bilang ng LED lights sa bawat isang auxiliary light.

        8) Sundin ang tamang distansiya sa liwanag ng ilaw.

        Ang distansiya ng liwanag mula sa auxiliary lights ay 20cm pababa at 20m pasulong.

        9) Hindi dapat ito nakaposisyon na mas mataas sa handlebar.

        Ang pagkakakabit ng auxiliary lights ay hindi dapat mas mataas sa handlebar ng motorsiklo.

        10) Ang auxiliary lights ay hindi maaaring ipalit sa headlight.

        Ipinagbabawal din ng LTO ang paggamit ng auxiliary lights bilang headlight sa mga motorsiklo. Hindi pinapayagan ng ahensiya na bumiyahe ang mga motorsiklo na walang headlight.

        Tiyak ding hindi makalulusot sa motor vehicle inspection system (MVIS) ang maling pagkabit ng auxiliary lights. Laging tandaan: ignorance of the law excuses no one.

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱