Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        6 Tips para forever flawless ang paint finish ng inyong motorbike

        Always looking brand new
        by Aris Ilagan Jul 30, 2021
        PHOTO: Agnes Uzochika Aja

        Ang mga harsh elements na tulad ng hangin, matinding sikat ng araw, alikabok at ulan ay maituturing na mortal na kaaway ng paintwork ng motorsiklo. Sa malas naman, karaniwan sa Pilipinas ang mga extreme conditions na ito. Bagamat wala tayong kontrol sa magiging lagay ng panahon, pupuwede namang mabawasan ang damage na maidudulot ng mga ito sa iyong motorsiklo.

        Sa nakalipas na mahigit dalawang dekada, gumagawa ang Kansai Paint Philippines ng mga de-kalidad na car at motorcycle paint products. Nagbahagi si Frederick Suarez, ang quality assurance at process improvement section manager ng kumpanya, sa Top Bikes Philippines ng ilang tips para mapanatiling maayos at kumikinang sa ganda ang paintwork ng iyong motorsiklo hanggang sa mga susunod na taon.

        1) Panatilihing malinis ang motorsiklo.

        Gawing regular ang paglilinis sa motorsiklo. Gaano kadalas? Kung ikaw ay isang daily commuter, okay na ang isang beses kada linggo. Occasional rider? Sapat na ang punasan ito, o hugasan every other ride. Sa alinmang kategorya ka nabibilang, dapat na linisin kaagad ang motorsiklo kung nalantad ito sa ulan, alikabok, o putik.

        Continue reading below ↓

        Sa pamamagitan ng regular na paglilinis, hindi nag-iiwan ng marka ang mga dumi at naaagapan ang mga gasgas, bitak, at iba pang problema bago pa ito lumala. Mahalaga lang na tandaang gawin nang tama ang paglilinis. Suggestion naming gawin itong manu-mano.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

        I-set ang garden hose sa ‘gentle spray’ mode sa halip na itodo ang buga ng tubig, at gumamit lang ng mga cleaning at detailing products na sadyang ginawa para sa motorsiklo. Kapag hinuhugasan ang motorbike, mag-park sa lugar na may lilim at tiyaking hindi na mainit ang makina bago basain ang motorsiklo. Nakakatulong ito upang maiwasang magkaroon ng water spots.

        Gayundin, hugasan ang motorsiklo mula sa itaas pababa. Ito ay para masigurong hindi malilipat ang dumi mula sa makina o gulong papunta sa frame na pupuwedeng makagasgas sa paintwork ng bike.

        2) Microfiber o chamois cloth ang gamiting pamunas.

        Gumamit ng microfiber o chamois cloth sa pagpupunas ng motorsiklo para patuyuin ito, dahil bukod sa mas absorbent, mas banayad din ang hagod nito kumpara sa karaniwang basahan. Bagamat may katagalan ang manu-manong pagpapatuyo, ito ang pinakamainam na approach para mapanatili ang kintab at kinis ng iyong bike.

        Continue reading below ↓

        Sa pamamagitan nito, naiiwasan ang pagpasok ng tubig sa makikipot na espasyo o bearings tulad ng nangyayari kapag binubugahan ng malakas na hangin mula sa air compressor.

        Sakaling mabitawan at malaglag sa lupa ang pamunas, palitan ito kaagad kahit pa naipagpag n’yo na ito para malinis. Naroroon pa rin kasi ang tyansang may maliliit na particles ng dumi at alikabok na didikit doon at gagasgas sa paintwork ng bike.

        3) Pahiran ito ng paste wax.

        Maraming hatid na benepisyo sa iyong motorsiklo ang paggamit ng paste wax: Sineselyuhan nito ang pintura; lumilikha ito ng panangga na nagsisilbing proteksiyon sa panahon; at nagbibigay ito sa motorsiklo ng nakakainggit na kintab.

        Bukod dito, hindi madaling kumapit ang dumi sa motorbike na ginamitan ng wax. Dahil dito, nadagdagan pa ang benepisyo nito: uubra nang hindi dalasan ang paghuhugas sa motorsiklo dahil puwede nang basta punasan na lang ito pagkatapos ng ride kapag maayos ang panahon.

        Continue reading below ↓

        Sa pagpahid ng wax, gumamit ng malinis na tela at ipahid ito sa frame ng motorsiklo one section at a time. Mayroong mga wax polish na pupuwedeng ipahid sa mga plastic at gomang bahagi ng bike, kaya alamin kung ganito rin ang gamit mong wax.

        4) Lagyan ng cover ang motorsiklo.

        Pupuwede pa ring masira ang paintwork ng motorsiklo kahit naka-park lang ito. Ang direktang sikat ng araw at ang acid rain ay sumisira ng pintura. Mag-invest sa maganda ang kalidad na motorcycle cover na hindi lang waterproof, kundi hindi rin madaling mapunit at may proteksiyon kontra UV damage.

        Dapat na mayroon ka nito kahit pa may bubong ang iyong parking, dahil ang cover ay nagbibigay ng proteksiyon sa iyong bike mula sa mga nanlalaglag na debris bukod pa sa naiibsan nito ang pamumuo ng alikabok sa motorsiklo. Epektibo rin ito laban sa mga maaaring magkainteres sa iyong bike, kaya iwas-nakaw din.

        Continue reading below ↓

        5) Agapan kaagad ang mga gasgas.

        Bawas sa pogi points ng rider at sa porma ng motorsiklo ang mga gasgas. Pero ang pinakamahalagang dahilan para agapan ang paglaki ng mga gasgas ay ang pagkakalantad ng bakal sa hangin, dahil kalaunan ay mauuwi ito sa pangangalawang.

        Tuwing nililinis ang bike ay inspeksiyuning mabuti kung may mga gasgas ito. Kaya pang solusyunan ng mga scratch removers ang maliliit na galos. Pero ang malalalim at malalaki ay mangangailangan na ng rubbing compound—isang matapang na material na ginagamit para resolbahin ang mga swirl marks, oxidation, at paint transfer.

        Kung sobrang lala ng gasgas at nakalabas na ang bakal ng motor, dapat nang dalhin ang motorsiklo sa isang professional detailer para sa restoration work. Kung dagdag na proteksiyon ang hanap mo, pupuwede rin ang paint protection films. Sa dagdag gastos na ito ay masisigurong mapoproteksiyunan ang iyong bike sa mga bitak, mantsa, at gasgas.

        Continue reading below ↓

        6) Ilayo ang bike sa gasolina, brake fluid, at iba pang solvents.

        Bagamat kailangang resolbahin ang kahit isang patak lang ng gasolina, karaniwang hindi ito nakakasira sa paintwork ng motorsiklo. Pero mainam pa ring punasan ito ng malambot na tela para hindi mag-iwan ng mantsa. Samantala, ang brake fluid at chemical solvents ay totoong nakakapinsala.

        Sinisira nito ang clear coat ng bike sa loob lang ng ilang minuto. Hugasan ito kaagad gamit ang sabon at tubig. Ang isa pang hindi dapat ipagwalang-bahala ay ang mga bird droppings. Mahalagang tanggalin kaagad ito dahil makakasira rin ang mga ito sa paintwork ng motorsiklo.

        Importante ring ikonsidera ng riders ang epekto ng disinfectants na ginagamit nila sa kanilang kamay, lalo na ngayong obligadong laging malinis ang ating mga kamay. Ang alcohol at iba pang hand sanitizers ay madali lang na lumusot sa fuel tank, handlebars, at sa iba pang touch points. Hindi pa nakukumpirma kung may masamang epekto ito sa pintura ng iyong motorsiklo, pero iba na rin ang nagdodoble-ingat, ‘di ba?

        Continue reading below ↓

        (Nobyembre 14, 2020 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        View other articles about:
        PHOTO: Agnes Uzochika Aja

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱