Category
Select
Select a Category
Scooter
Underbone
Standard
Sport
Touring
Adventure
Dual Sport
Naked
Off-Road
Cruiser
Brand/Model
Select
Select a Brand/Model
        Price Range
        Select
        Below 100K
        100K-200K
        200K-300K
        300K-500K
        500K-1M
        Over 1M

        10 Karaniwang tanong ng mga nagbabalak bumili ng motorsiklo

        Naghahanap ka ba ng motorsiklo? Basahin ito
        by Matthew Galang Sep 30, 2021
        PHOTO: Aris Ilagan

        Plano mo bang bumili ng bagong motorsiklo? Malamang, sangkatutak ang katanungan mo ngayon. Pagkatapos ng pagri-research at matinding pagkakabisa tungkol sa napipisil mong motorsiklo, tiyak na marami ka pa ring gustong malaman.

        Upang mapabilis ang iyong bike buying experience, kinalap namin ang 10 sa pinakakaraniwang inuusisa ng mga bibili ng motorbike, at kung paano namin sinasagot ang mga ito.

         

        1) Magkano?

        Kung bibili ng brand new, ang bawat modelo ay may suggested retail price (SRP). Karaniwan nang ang nakasaad na presyo ay hindi ang pinal na halagang kailangang ilabas upang maiuwi ang biniling motorsiklo. Ang ilang dealers, pagbabayarin ka ng karagdagang libong halaga para sa ilang bagay, tulad ng vehicle registration, habang ang iba ay isinasama na sa SRP ang mga ito. Maaari ring natiyempuhan mong may promo, kung saan ang presyo ay discounted na o kaya may kasamang freebies, tulad ng helmet, accessories, o riding apparel.

        Dahil hindi naman pupuwedeng tawaran ang brand-new bike, ang tanging opsiyon para mabili ito sa mas mababang presyo ay ang maghintay hanggang sa available na ang susunod na model year. Sa puntong ito, ang lumang stock ay posibleng may diskuwento na.

        Continue reading below ↓

        Sa pagbili naman ng pre-owned, basahing mabuti ang listing dahil malaki ang posibilidad na nakasaad na roon ang presyo. Tanungin lamang ang seller tungkol sa presyo kung wala nito sa post. Iwasan din ang last price inquiries. Kung makikipagnegosasyon, gawin ito nang personal kapag nainspeksiyon mo na mismo ang motorsiklo.

        Continue reading below ↓
        Recommended Videos

         

        2) Paano ang financing scheme?

        Karaniwan nang ang dealerships ay nag-aalok ng 12- hanggang 36-month installment plans. Ang mas mahabang panahon ng pagbabayad ay nangangahulugang mas mababa ang babayaran buwan-buwan, pero mas mataas naman ang interest rates. Kung kayang bayaran ang motorsiklo sa mas maikling panahon, piliin ito upang makaiwas sa ekstrang patong.

        Ang isang bentahe ng pagbili ng motorsiklo nang hulugan ay ang karaniwang freebies (na sa totoo lang ay bayad naman na sa interest) para mas nakakaengganyo.

         

        3) Kailan maiuuwi?

        Kung sinusuwerte, maiuuwi mo na ang iyong brand-new bike sa oras na kumpirmado na ang bayad mo at napirmahan na ang mga kinakailangang dokumento. Ang mga motorsiklong mataas ang demand o limitado ang supply ay kadalasang may waiting list na inaabot ng ilang buwan. Para sa mga tunay na eksklusibong modelo, aabutin ng mahigit isang taon ang paghihintay.

        Continue reading below ↓

        At kung matagal inaabot bago mailabas ng dealer ang motorsiklo, mabilis namang umaksiyon ang mga kilalang establisimyento. Bisitahin ang Facebook page ng iyong local dealer at silipin ang mga komento roon mula sa customers para malaman kung ano ang naging karanasan nila sa pagri-release ng binili nilang bike, o magtanung-tanong sa mga kakilalang naunang bumili ng motorsiklo sa parehong showroom.

         

        4) Ano ang seat height?

        Bibihira ang matangkad sa Pinoy riders. Dahil dito, karaniwan nang unang konsiderasyon ng bibili ang seat height ng motorsiklo. Para sa karamihan ng malalaking manufacturers, matutukoy sa kanilang website ang eksaktong sukat ng taas ng upuan sa inches o millimeters.

        Ang pinakamainam gawin sa mga isyu sa seat height ay personal na magtungo sa dealership at subukang sakyan ang mismong motorsiklo. Pumorma ng sakay sa bike sa showroom floor at pakiramdaman kung paano ito sa gitna ng iyong mga binti. Tandaang ang mataas na upuan ay maaaring dahil sa makitid nitong chassis, kaya ang mataas na motorsiklo ay kaya ring sakyan ng mga hindi katangkarang riders.

        Continue reading below ↓

         

        5) Mabigat ba?

        Mayroong mga motorsiklong mas mabigat kaysa iba, pero depende ito kung paanong dinadala ng bike ang bigat nito; ang mas mabigat na motorsiklo ay mapapakiramdamang magaang dalhin kapag tumatakbo na. Ginawa ang mga bike para sa magkakaibang purpose at riding feel, at tiyak nang iba ang pakiramdam kapag sinasakyan mo na ito.

         

        6) Gaano kalakas humataw?

        Paboritong pagkuwentuhan ng spec-sheet nerds ang horsepower at torque figures ng pinakabagong bikes, partikular na para sa performance machines. May ilang manufacturers ang hindi isinasapubliko ang aktuwal na statistics ng mga modelong hindi nakatuon sa performance. Para sa ganitong kaso, nariyan at laging maaasahan ang mabilisang Internet search.

         

        7) Gaano kabilis?

        Ang sportbikes ay mayroong approximate top speed na nakadetalye sa spec sheet nito o website product page. Gayunman, bilang isang responsableng rider na sumailalim sa rider training (nag-training ka naman, di ba?), walang kaso ang pinakamabilis na hataw ng motorsiklo, lalo na dahil ang top speed ng big bikes ay pasok sa legal limit sa mga kalsada sa bansa.

        Continue reading below ↓

        Pero kung ikaw ay isang speed demon na planong isabak sa racetrack ang bago mong bike, i-test drive ito sa isang sarado at kontroladong environment.

         

        8) Mabilis lang bang makabili ng mga piyesa?

        Ang pagbili ng bagong bike sa isang local dealership ay naggagarantiya na available ang mga piyesa nito. Mabilis lang ding makahanap ng piyesa para sa Japanese brands, gayundin ang manufacturers na rito mismo sa Pilipinas binuo ang motorsiklo. Ang mas exotic European bikes ay mas matagal hanapan (at mas mahal pa) ng specialized parts.

        Para sa mga nakabili ng pre-owned, hindi na mahihirapang maghanap ng piyesa nito kung ang motorsiklo ay opisyal na ibinebenta rito sa Pilipinas. Kung hindi pa rin makasiguro, sumali sa isang Facebook group na dedicated sa partikular na modelo ng bike. Alamin ang mga piyesang karaniwang hinahanap ng riders, at mas madali na para sa iyo ang paghahagilap ng components na tulad ng fuel pumps, rectifiers, ECUs, at iba pa.

        Continue reading below ↓

         

        9) Madali lang bang makuha ang gusto kong kulay?

        Karamihan ng manufacturers ay mayroong partikular na paint schemes para sa partikular na merkado. Karaniwan nang available na options sa Pilipinas ang ‘hero’ o marketing colors para sa bawat motorsiklo (halimbawa na lang ang graphics ng Yamaha Race Blue o Kawasaki Racing Team), dahil mataas ang demand sa paint schemes na ito.

        Kung hindi talaga mabibili ang motorsiklo sa kulay na gusto mo, ang options mo ay ang pinturahan ito mismo ng aftermarket fairing set. Posible ang repainting ng orihinal na fairings, pero ang pagpapanatili sa stock bits na parang bago pa rin ay makakatulong para hindi maapektuhan ang resale value ng bike. Akmang opsiyon din ito sakaling magbago ka ng isip kalaunan.

        10) Bagay ba?

        Ang sagot sa tanong na ito ay nakadepende lang talaga sa rider: ikaw lang ang makakapagsabi kung tama o bagay sayo ang binili mong bike. Tanungin ang sarili kung ano ang partikular na hinahanap mo sa bibilhing motorsiklo at kung saan mo ito madalas na gagamitin.

        Continue reading below ↓

        Kung para lang naman sa karaniwang errands, mas bagay sayo ang scooter. Kung mahahabang rides sa tollways ang trip mo, bagay sayo ang adventure o touring model. Siyempre pa, ang pinakatamang paraan ng pagtukoy kung bagay sayo ang motorsiklo ay kung nasakyan mo na ito at ikaw mismo ang makakakumpirmang taglay nito ang lahat ng hinahanap mo sa isang motorbike.

         

        (Hulyo 24, 2021 nang unang nalathala ang artikulong ito sa topbikes.ph)

        See Also

        Top Bikes Philippines is now on Quento! Click here to download the app and enjoy more articles and videos from Top Bikes Philippines and your favorite websites.

        PHOTO: Aris Ilagan

      • Quiz Results

      • TopBikes Rating:
        /20

        Starts at ₱

        TopBikes Rating:
        /20
        Starts at ₱